Mabuhay ang Bansang Pilipinas

Dave's picture

I got this from mail. Good to ponder.

Pilipino
Sabi MO , ang gobyerno natin ay palpak. Sabi MO , ang mga batas natin ay sinauna. Sabi MO , ang lokal na pamahalaan natin ay hindi maganda ang pagkolekta ng basura at ang paglilinis ng mga lugar. Sabi MO, hindi gumagana ang mga telepono, katatawanan ang kalagayan ng trapiko, at hindi nakakarating sa paroroonan ang mga sulat. Sabi MO , parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa.
Sabi Mo , sabi MO, sabi MO. E ano'ng ginagawa mo tungkol dito?

Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore . Bigyan mo sya ng pangalan, yung sa IYO. Bigyan MO sya ng mukha, yung sa IYO. Lumabas KA sa airport nang pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki sa mundo..

Sa Singapore Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalye. pinagmamalaki MO ang magaganda nilang underpass. Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para makapagmaneho sa Orchard Road (parang EDSA) mula alas 5 hanggang alas 8 ng gabi. Bumalik KA sa parking lot para bayaran ang parking tiket mo kung napasobra ka ng oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant. Sa Singapore , wala KAng sinasabi, meron ba?

Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Dubai. Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip ang mukha sa Jeddah. Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang tao ang mga long distance na tawag mo.

Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour sa Washington, at saka sasabihin sa pulis "Alam mo kung sino ako?"

Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo?

Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?

Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.

IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa pero hindi makasunod sa sarili mong lugar.

IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang sa lupa.

Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng systema sa bansang banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa Pilipinas?

Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon ay may katwiran ng sinabi nyang "Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang pumupuna sa may katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye. Ano ang gusto nilang gawin ng mga may katungkulan? Magwalis tuwing makakaramdam ng hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?"

Sa America , bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis matapos ang pagdumi ng aso. Ganuon din sa Japan.

Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.

Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad. Uupo tayo sa isang tabi at paghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.

Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang piraso ng papel para itapon sa basurahan.

Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga dalagang ina, sa pagtatalik ng walang basbas ng kasal, at iba pa, maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman nating ginagawa ang mga ito.

Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo ng bansa, naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa kapwa rin natin Pilipino, na hindi natin iniisip ang ating katungkulan na ating sinumpaan sa ating pamilya nuong narito pa tayo.

Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita natin ang karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal na gamot, at iba pa, samantalang sinimulan natin ito sa hindi pagpansin sa pangangailangan ng ating mga anak ng tunay na pag-gabay at responsibilidad ng isang magulang.

Ang sabi natin, "Ang buong sistema ang kailangang magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang magpapabago sa aking pamilya?"

E sino ang magbabago ng sistema?

Ano ba ang mga sankap ng sistema? Napakaginhawa sa atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang syudad, ibang komunidad, at ang pamahalaan. Pero hindi kasama IKAW at AKO. Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong handog sa sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati na ang ating pamilya sa loob ng isang ligtas na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong mga lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at maghatid na mga himala.

O lumilikas tayo. Parang mga tamad na duwag na hindi pinatatahimik ng ating mga takot, tumatakbo tayo sa Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at purihin sa kanilang sistema. Pero pag nagging masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan o Hongkong. Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa Hongkong, sakay agad tayo sa susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan. Pag may digmaan sa Gulf, inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong Pilipino.

Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa. Walang nag-iisip na handugan ang sistema. Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera. Mga mahal kong kababayan, ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng isipan, nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din sa konsyensya. Medyo inuulit ko lang ayon sa ating salita ang mga salita ni John ..F.Kennedy sa kanyang kabansa upang maitugma sa ating mga Pilipino:

"Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating bansang Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang Pilipinas ay maging tulad ng Amerika at ibang kanlurang bansa ngayon."

Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa atin. Ipasa ito sa lahat ng Pilipino.

Ang "Pinoy" at ang Pilipinas..

burabud's picture

Ang magayun na magigibu ta primiru
less words more work, tapus mang-tabang
ning satung mga kabanwa and ka-CF,

Let those small humble good works
come from us. Not from the one we call
"Government".

bagi man sa na an na su " a long journey
starts with the first step.."

Kung igwa kitang nagibung magayun sa
hahlhung or sa eskwelahan or sa trabaho,
dapat proud kita kaan ta iyu an ang
pride ta sa ibang bansa. Gagibu kita ning
Sadiyosan buda tama.

Ini man sa na tabi' ang sakuyang
sadiling pagmaw-ut kaan.

******************
Love Virac . Love "hLh"
******************

change

bahi's picture

we have a problem, right. But no one or no group not even the government can solve it. like love sabi nga it is perrennial as the grass.

sabi nga ni mr sholi sa isang commercial " sa sarili nagmumula ang pagbabago. Kung magbabago ba tayo surefire ba na magbabago ang ating bansa. di pa rin. pero it will be one step to make it easy for the Philippines to move forward. sa algoritmo isang maling gawain sa gitna will make optimal solution be far fetched. Ang tatalino kasi natin kaya kanya kanya tayo nang solusyon. Matalino talaga ang Pilipinas kung ganon. Ang tagal tagal nang sinasabi ng isang kanta ang Magkaisa pero anong ginagawa natin pinapatay natin ang relasyon nang bawat isa. Patayan sa Mindanao patayan sa visayas patayan sa bicol patayan sa Manila, sa north luzon. Ano kaya kung mag civil war na lang tayo para lahat tayo maging si General Lee? Sisikat tayo nyan. Eh ano kung sikat na tayo patay naman ang moralidad natin. Ayokong magisip na iresolba ang problema nang isang bansa. Maraming nababaliw sa maling hinala. Maraming adik sa solusyon. Ano kaya kung bigyan ng kaukulang pansin ang mga adik na ito at ang lahat nang shabu sa narcotics ay silaban sa luneta at bigyan sila ng kanya kanyang tooter na sinlaki ng buho ng kawayan. makapag isip pa kaya sila ng solusyon sa problema ng ating bansa. o problemahin lang nila kung saan bibili nang bear brand o valium?

Nababaliw na ang mga kataga sa aking labi. ayoko nang mag isip.

Kailangan kung magbago at itapon sa tamang lalagyan tong mga foil na sumisira sa aking isipan. May basurahan ba o may law para sa tamang pagtapon ng foil? Ayoko kasing maging problema pa ng ating bansa to walang hiyang tooter at foil nato. baka anurin pa ng baha at humampas tong walang hiyang bato na to sa mga lumang barong barong sa may creek at gawin pa akong hostage ng mga basura sa canal. ewan ko ba kung bakit nagsisiksikan kami sa mabahong buhay na to samantalang sing ganda nang buhay ng paniki ang buhay ng mga buraot. Kung nagbago ba sila?

Im really sorry. I didnt reflect nicely. sana huwag nyo na tong gayahin. ayusin natin ang ating mga sarili para mai reflect naman natin sa ating bayan.

Tama yung mail. Tama naman tayo lahat diba? Wala namang nagkakamaling pinoy eh. meron ba? ganto na lang. kung sino yung may pinaka mahinang solusyon pagtulungan nating sundin nang maayos. Sigurado pa sa kulog na sinusundan ng kidlat aasenso tayo. sisikat tayo. magiging proud tayo sa buong mundo kasi yung pinaka mahina nating solusyon ang naging paraan para tayo umasenso. ano pa kaya yung pinaka magandang solusyon saan kaya tayo nun dadalhin? ewan ko, di ko na alam ang mga sinasabi ko.

this is fiction. ang buhay namin ay isang piksyon.

Kulog @Bahi

bo romero's picture

Parang may problema yata Bahi. Sa tingin ko nauuna yata ang kidlat. Kaya nga kumukulog dahil may kidlat. Di ba rapid compression ng air dahil dinaanan ng kidlat ang dahilan kaya may kulog? Inda kung tama ako.

Inda man ti sineryoso ko ang post ni Bahi...piksyon nga sabi nya e. Hehehe

"Kahoy man daw na babad sa tubig, pag palay ang lumapit...sa patalim ay kakapit"