Mga Batang Bakero

Mga Batang Bakero

Vaquero

rudi-payonhon's picture

BAKERO: Sigurado ako na galing yan sa salitang "Vaquero"na ang ibig sabihin ay nag aalaga ng VACA ( kastila) Vache in French o BAKA naman sa tagalog. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit sa pag-aalaga ng kalabaw ay inaapply ito? Ibig bang sabihin ay kulang ang mga salita sa ating wika?
Hindi naman ako pwedeng mag suggest na dapat sa nag aalaga ng kalabaw ay "KARBWERO" dahil matagal na nag exist ang salitang "bakero" sa mga magsasaka natin.

Toro: "todo" sa bikol "mangsad" o lalaking kalabaw na hustong gulang, lakas at tapang na.
Torillo: bata o maliit pang toro.
Pakar: babaing kalabaw

Pasungay: pagpapasuwag ng mga nag-aalaga ng "Karbaw" sa kanilang mga TODO para malaman kung mangsad na o mataraw pa.

Mangsad: matapang na lalaking kalabaw
Mataraw: Matalaw o duwag na kalabas na laging natatalo sa "pasungay."

Pa-la-bog:(Norte), palab-og naman sa Sur: pagpapaligo ng kalabaw sa ilog o sa maputik na bahagi ng "UMA"para mag -cool ang kalabaw na kadalasan ay nag o-overheat he he he. mas mahina ang kalabaw sa init keysa sa baka.

Alipugo:Sakit-balat ng mga mangangabayo ng kalabaw na nakukuha pag ang sakay nito ay lumulan ng umuulan, sapagkat ang tubig na nauupuan ng bakero ay nakikiskis ng balat at buhok ng balat nito na naglilkha ng singaw na mainit lalo na pag umuulan.Kadalasan ito ay matatagpuan sa mga singit at hita ng mga bakero.

Duhay nin Karbaw: Pinatutuyo ito ng mga magsasaka at ginagawang abuno o pataba sa mga taniman ng Gulay sa mga bakuran.

"Look not what Catanduanes can do for you,but what you can do for Catanduanes"

Alamat nin KARBAW

bordigos's picture

Kaidtong enot na panahon… ang balat ng kalabaw ay hindi katulad ng sa ngayon. Ganoon din ang sa baka. Silang dalawa ay mabuting mag-kaibigan. Isang araw, ang kalabaw ay niyaya ng baka na maligo sa isang ilog. Pagdating nila roon, hinubad ang kanilang damit at tumalon sila sa tubig.
Ilang oras ang nakaraan, naalala ng kalabaw na tanghali na at sila ay kailangan ng kanilang amo. Sinabi niya sa kanyang kasama na mabuti pa’y sila ay umuwi na. Ibig na ring umuwi ng baka. Sa kanilang pagmamadali ang damit ng baka ay naisuot ng kalabaw at ang damit naman ng kalabaw ay naisuot ng baka. Hindi nila naalala hanggang naabutan sila ng kanilang amo, at hinabol silang pauwi. Hanggang ngayon hindi pa sila nagpapalitan ng damit.

"In God we Trust"

Karanasan

Marami akong karanasan sa pagbabakero ng mga kalabaw. Mahigit sandaang kalabaw dati ang pag aari ng lolo ko. Naubos lang halos dahil sa pagdaan ng bagyo at sa paghati hati sa 13 anak niya. Pwede tayong paligsahan sa pagkarera ng kalabaw at magpasuwag ng mga lalaki. Pwede kayo magtanong sa akin pag tungkol sa pagbakero ang pag uusapan.

Pag gusto maraming paraan. Pag ayaw marami dahilan..

@ jerry

bo romero's picture

Aber...purbahan daw Master Jerry. Haputon taka daw.
1. Ngata ga-punta ang karbaw sa ilog?
2. Ngata ga riwoy (naglalaway) ang kalabaw?

"Kahoy man daw na babad sa tubig, pag palay ang lumapit...sa patalim ay kakapit"

Ang kalabaw! Bow!

Ang kalabaw pag nagpunta sa ilog para maligo at magpapresko. Ang kalabaw ay hindi kaya ang init sa maghapon kaya naghahanap lagi ito ng lubluban kahit na sa putikan. Subukan mong itali sa gitna ng initan ang kalabaw at sa hapon siguradong patay ito.
Ang kalabaw pag kumakain (gasabsab sa bikol) ay naiipon ang kinain nito sa bandang lalamunan lamang. At pag ito ay tapos na sa pagkain ibinabalik ulit sa bibig niya at ito ay ginagrind ng maigi bago ipinapasok sa tiyan. Sa tagal ng pagnguya niya kaya sya naglalaway bago talagang mapino niya ang damo, dayami, o anumang halaman na kinain niya.
At alam ba ninyo na ang kalabaw ay walang ngipin sa itaas kundi isang matigas na gilagid lamang.
Ang kalabaw ay wala ring kakayahan alisin ang linta na kumakapit sa katawan niya.
Ang kalabaw rin ay hindi halos tinatablan ng tuklaw ng kahit anong pikamakamandag na ahas at hindi niya iniinda. Pero allergic ito sa sungo ng mga hipon, sugpo at ulang. Subukan mo siyang tusukin sa may ilong o sa may nguso siguradong magtatatarang ito at hindi mapapakali.

Pag gusto maraming paraan. Pag ayaw marami dahilan..

Simbag ni Jerry

bo romero's picture

Very elaborate ang simbag mo Jerry. I appreciate the effort pero mali.

Ang kalabaw pumupunta sa ilog kasi ang ilog di makapunta sa kalabaw. Kaya naglalaway ang kalabaw kasi di sya marunong dumura. Hehehe

"Kahoy man daw na babad sa tubig, pag palay ang lumapit...sa patalim ay kakapit"

karbaw

nonoytukawsabato's picture

Iyo jerry batid man ako magbakero nin karbaw. Todo boda turillo ya bakerohan ko dati tanganing dai makapyerde nin tinanom na paroy.