GLORIA, TAPOS KA NA!

john_torres's picture

Lumahok sa pambansang kilos-protesta sa SONA, Hulyo 27
Ngayong Hulyo 27 ang ika-siyam at dapat ay huling State of the Nation Address (SONA) ni Gloria Macapagal-Arroyo. Kung si Gloria ang masusunod, ayaw niyang ito kanyang huling SONA. Ibig pa nyang manatili sa poder sa pamamagitan ng Cha-cha. Pero hindi papayag ang lumalabang mamamayan na matuloy ang maitim na balaking ito.

Kapit-tuko sa pwesto
Kapit-tuko sa pwesto si Gloria. Iniratsada ng mga kaalyado niya ang constituent assembly (con-ass) upang ipatupad ang Cha-cha. Sa ilalim nito, babaguhin ang porma ng gobyerno para makapanatili si Gloria sa pwesto bilang Punong Ministro. Kakambal nito ang balak niyang tumakbo bilang kongresista sa Pampanga sa eleksyong 2010.

Dinidiskaril din ang paghahanda sa eleksyong 2010 upang matiyak ang panalo ni Gloria at ng kanyang mga kandidato. Samantala, nakaamba ang higit na panunupil tulad ng emergency rule bilang paraan para makapanatili sa poder si Gloria. Ginagamit ang sunud-sunod na pambobomba sa Metro Manila at Mindanao, na malamang pakana rin ng gobyerno, upang bigyang-katwiran ang emergency rule.

Lubog tayo sa kahirapan…
Samantala, lubog sa matinding kahirapan ang taumbayan. Umaabot sa halos 4 milyong manggagawa kada taon ang walang trabaho. Sa kanayunan, 7 sa bawat 10 magsasaka ang walang sariling lupa. Ang may trabaho, ni hindi umaabot sa kalahati ng laki ng gastos ang kita o sahod. Sa gitna nito, mahigit doble ang itinaas ng presyo ng LPG, diesel, at bigas gayundin ang singil sa tubig at kuryente. Lalo pa itong pinatindi ng napakarami at napakamahal na buwis gaya ng 12% VAT. Kaya naman umaabot sa halos 4 milyon ang inilaki ng bilang ng mahihirap na Pilipino sa ilalim ni Gloria.
Habang dumarami ang walang trabaho at mahihirap, lalo ring lumiliit ang inilalaan ng gobyerno para sa edukasyon, kalusugan, pabahay at iba pang serbisyo. Ang lumalaking kuleksyon sa VAT at iba pang buwis ay ginagamit ni Gloria na pambayad-utang.

… habang si Gloria yumayaman
Pambayad-utang para saan? Nangungutang ang gobyerno ni Gloria sa mga dayuhan hindi para sa bayan kundi upang mangurakot. Ganito ang nangyari sa naunsyaming NBN-ZTE deal at marami pang kaso ng korupsyon sa ilalim ni Gloria mula noong 2001. Dahil dito, patuloy na yumayaman si Gloria. Nang umupo siya bilang presidente noong 2001, ang kanyang kabuuang yaman ay nasa P67 milyon pero ngayon, umaabot na ito sa P144 milyon o mahigit dobleng paglaki. Pero ito lamang ang kanyang deklaradong yaman at di pa kasali ang “hidden wealth” ng mga Arroyo.

Dinarahas ang taumbayan…
Sinusupil ang mga kritiko at lumalaban sa bulok na rehimen ni Arroyo. Mula 2001 hanggang kasalukuyan, umaabot sa mahigit 1,000 mga aktibista at karaniwang mamamayan ang pinatay ng mga sinasabing tauhan ng militar. Nasa lampas 200 naman ang bilang ng mga dinukot at mahigit 1,000 ang biktima ng tortyur. Sinasampahan din ng mga gawa-gawang kaso ang mga itinuturing na kalaban ng gobyerno.

… habang nagsisilbi sa dayuhan
Ibinenta na ni Arroyo ang soberanya ng bansa kapalit ang suporta ng gobyernong US sa kanyang bulok na rehimen. Sukdulan ang pagkatuta niya sa mga dayuhan. Itinataguyod nya ang Visiting Forces Agreement at ang pagpasok ng libo-libong sundalong Kano sa kabila ng mga kaso ng rape at pag-abuso sa karapatang pantao. Sa panukalang Charter change, hahayaan ang mga dayuhan na 100% mag-ari ng lupain sa ating bansa. Dehado na naman ang mga Pilipino.

Gloria, tapos ka na!
Ito na ang huling SONA ni Gloria. Siyam na taon na kanyang pagpapahirap, pagnanakaw, panunupil, at pagpapakatuta. Patatagalin pa ba si Gloria? Tutulan natin ang Cha-cha at con-ass, emergency rule o Martial Law, at ang pagmanipula sa darating na halalan. Sa sama-sama nating pagkilos, titiyakin nating tapos na si Gloria at mananagot sya sa marami niyang krimen sa mamamayan.

Patalsikin at panagutin ang papet, pasista, korap, at pahirap na rehimeng US-Arroyo!
Itigil na ang Cha-cha! Tutulan ang Martial Law! Gloria tapos ka na!

Inihanda ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)
www.bayan.ph
Hulyo 2009

GLORIA, TAPOS KA NA!

positive sona

bahi's picture

the best economist president to ever handle the may lakan dyan. gma for all her shortcomings handled the economy quite well, not necessarily excellent but she has passed the prying eyes of the economists around the world. TEsda has produced many graduates that matches the skill required by the industry. there are million of jobs but many jobs seekers have not passed the industry standards. This is the state of the nation now, it is blooming, it needs everybody's help.

The government is doing well, the critics, they make the government paranoid for success. I like the government handles the critics. Very professional. Democracy at its best.

Con ass will be implemented if not today the next president will cause it to happen. because it is a must.

Our friendship with the US and other country will remain because of our ofw and as a good country of the world.

Martial law will not happen because it is not needed and the ingredients are not there to make it happen.

Welga

ilaya's picture

Welga ako diyan sa Sona. Ayaw ko ng pakinggan ang mga kasinungalingan ni GMA. Tumataas lang ang pressure ng dugo ko dahilan kabaliktaran lang ng mga sinasabi niya ang nakikita ko
at nararanasan. Ni katiting wala siyang credibilidad kaya Tama na Sobra!!!!

huling sona ni gloria

eman's picture

sana huling sona na nya!!!

sana matapos na sya!!!

bye bye gloria!!!

sana lang

ceneth's picture

sana lng matapos na sa 2010 dpat nga noon pa.....
"tanong lng po:" db dati ang sinungaling kapatid ng magnanakaw? bkit ngaun mag-asawa na??????

"i'd rather be RIGHT..............than LEFT.............alone!"

POLITICAL INCEST YUN

john_torres's picture

hE! HE! HE! yUN UN... aNG SINUNGALING KAPATID NG MAGNANAKAW. NGAUN MAG-ASAWA NA SILA...

tradisyon

eman's picture

tradisyon na an sa sato.
ang maghanbon, ang political dynasty, grabe pa. masakit na mahari an. bagi an na yosi na masakit tangkason.

SONA

amore's picture

antabayanan niato ang SONA ni Gloria.. Sana maging malinis ang SONA at maging payapa ang mga tao doon.

"DETERMINATION CAN OVERCOME ALL OBSTICALS."