SARO iniharap ng kongresista sa issue ng Indigency Fund PDF Print E-mail
Virac, Catanduanes –Iniharap ngayon ng Congressional Office sa publiko ang katibayang magpapatunay umano na nasa pag-iingat ngayon ng probinsya ang limang milyong (5M) piso kung saan dalawang milyon dito ay nakalaan sa indigency program ng kongresman.
Una ng napabalitang naputol umano ang medical assistance ni Congressman Joseph Santiago para sa mga mahihirap na pasyente sa EBMC dahil wala na umanong pondo.
Sa pahayagang ito, iginiit ni Bato former Mayor at congressional chief of staff Lorenzo Templonuevo, Jr na nasa pag-iingat ng probinsya ang pera. Ngunit ayon sa governor's office naubos na umano ang naturang salapi.
"Nagsisinungaling sila nang sabihin nilang consummated na ang 2 milyon. The congressman has transferred this fund last month, paano nila sasabihing ubos na? ayon kay Templonuevo.
Kabuuang limang (5) milyon umano ang pondong inilagak ng kongresista para sa probinsya bilang assistance para sa mamamayan ng Catanduanes. Tatlong milyon umano dito ay nakatalaga sa Gawad Kalikasan. Ito ay premyo para sa mga munisipyong nagtataguyod ng mga programang nagkakalinga sa likas na yaman at dalawang milyon naman ay nakalaan para sa indigency program ng kongresman.
"I already sent a communication for the immediate release of this fund but I was not acknowledged," dagdag pa ng opisyal. Ngunit ayon sa tanggapan ng gobernador, wala umano silang natanggap na komunikasyon.
Dahil sa isyung ito , inilabas ng tanggapan ni Santiago ang dokomento upang malaman ng tao kung sino umano sa kanila ang nagsisinungaling.
Ang sinasabing dokumento ay ang Special Allotment Release Order (SARO) at Notice of Cash Allocation (NCA) na makikita sa unang pahina ng pahayagang ito na galing mismo sa Department of Budget and Management (DBM). Ito aniya ang magpapatunay na noong nakaraang buwan lamang tinanggap ng probinsya ang nasabing pondo.
"The Provincial Accountant Sonia Villaluna has these papers. Anybody can check this out and tell whether it is the governor or the congressman lying," pagtatapos ni Templonuevo.
Recent comments
1 day 16 hours ago
1 week 4 days ago
1 week 6 days ago
1 week 6 days ago
2 weeks 2 days ago
2 weeks 6 days ago
3 weeks 1 day ago
3 weeks 1 day ago
4 weeks 5 hours ago
5 weeks 1 day ago