Sampay Bakod ni Baraka

Baraka's picture

Tapos na ang halalan at todo-todo ang pagbubunyi ng mga nagwagi habang ang mga natalo ay nagmumukmok sa isang sulok habang dinidilaan ang sugat sa bulsa, nawasak na damdamin at gumuhong pangarap.

Sa mga pinalad na mahalal sa tungkulin, panahon na para tuparin ang mga pangakong inihain sa taong bayan.

Bilang bagong halal na congressman, ang ating hinahangaan at Kagalanggalang Cesar Vergara Sarmiento ay agad nagpahayag ng kanyang unang panukala sa Kongreso na gawing isang unibersidad ang Catanduanes State Colleges.

Totoong kahanga hanga ang tinurang ito ni Honorable CVS. Subalit kung ating susuriin ang kanyang mga pahayag, higit na malinaw ang kanyang kawalan ng pagpaplano sa usaping ito. Mas malinaw na isang “sperm of the moment” ang balak na gawing unibersidad ang CSC.

Himay himayin natin ang kanyang mga pahayag.

“”Congressman-elect Cesar V. Sarmiento has vowed to make the conversion of the Catanduanes State Colleges into a university as the very first bill he would file in Congress….. Atty. Sarmiento said that was the very first thing that came into his mind when he visited the Batasang Pambansa.””

Kung hindi pa nadalaw sa BP si Hon. CVS, di sasagi sa kangyang isipan ang balaking ito. Malinaw na wala sa orihinal na plano nin Honorable CVS ang conversion into a university ang CSC. Malinaw na isang sperm of the moment plan lang pala.

“”””He said it might take some time as the effort would start from scratch but he promised to give it his all in order to achieve the dream of the CSC community.”””

Ang isang dream of the CSC community, ay manantiling isang panaginip lamang kung walang kaakibat na “road map” kung paano gagawin, at takdang panahon kung kailan maisasakatuparan.

His promise to give it all in order to achieve this dream is too vogue. Kailangan po mag conceptualize, magkaroon ng implementation plan and magtakda ng timelines. Otherwise, Kung mangarap at magising ay panaginip pa rin.

"””””Magtulungan tayo. A lot of you would be expecting too much from me but I can promise you some marked improvement. Just give me a chance to prove myself," he stressed.””””

Tulungan po natin ang ating mahal na kongresman. Mabuti po ang kanyang layunin.

Kgg. At mahal naming CVS, paki sama sa listahan ng iyong priority projects ang pagpapasigla at pagpapalakas ng fisheries sector and marine industry sa ating Inang Catandungan.

Mabuhay po kayo CVS.