Pitong Wika ni Hesus

arnold's picture

1. Lukas 23:24- "At sinabi ni Jesus, Ama, patawarin mo sila; sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa...."

2. Lukas23:39:43- "At siya'y inalipusta ng isa sa mga tampalasang nabibitin, na sinasabi, Hindi baga ikaw ang Cristo? Ilgtas mo ang iyong sarili at kami."
Datapwat sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Diyos, yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan.
At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran: sapagkat tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa: datapuwat ang taong ito'y hindi gumawa ng anumang masama.
At sinabi niya, Hesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.
At sinabi Niya sa kanya, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon din ay kakasamahin kita sa Paraiso."

3. Juan 19:26-27- "Pagkakita nga ni Hesus sa kanyang ina, at sa nakatayong alagad na kaniyang iniibig, ay sinabi niya sa kaniyang ina, Babae, narito, ang iyong anak!
Nang magkagayo'y sinabi niya sa alagad, narito, ang iyong ina! At buhat nang oras na yaon ay tinanggap siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan."

4. Mateo 27:46- "Diyos ko Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?'

5. Juan 19:28- Pagkatapos nito, pagkaalam ni Hesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga, upang matupad ang kasulatan, ay sinabi, Nauuhaw ako."

6. Juan 19: 30- "Nang matanggap nga ni Hesus ang suka, ay sinabi niya, Naganap na! at iniyukayok ang Kaniyang ulo, at nalagot ang kaniyang hininga."

7. Ama sa mga kamay mo ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu..."

Ang unang wika niya ay pangungusap ng Pagpapatawad.....

Ang pangalawang wika ay pangungusap ng Pagliligtas.....

Ang kaniyang pangatlong wika ay pangngusap ng Pag-aalala....

Ang pang-ika apat na wika ay pangungusap ng Pagpapakababa.....

Ang pangungusap na panglima... Nauuhaw ako..."

Ang pang-ika anim na wika ay pangungusap ng Pagtatagumpay....

Ang pang-ika pitong wika ay pangungusapng panalangin ng Pagtatagubilin at ng Kapayapaan.
Si Hesus ang Panginoon ng panginoon
Si Hesus ang Dios ng mga dios
Si Hesus ang ligaya ng buhay
Si hesus ang lumakad sa kawalan at sinamba ng lahat....