PCOS MACHINE

PCOS machines, idedeliver na sa Catanduanes PDF Print E-mail

Virac, Catanduanes – Kinumpirma ng Commission on Election (COMELEC) sa Catanduanes na ngayong Abril 26 darating ang units ng mga computer na gagamitin para sa May 10, 2010 elections.

Ayon kay Provincial Supervisor Atty. Maria Aurea C. Bo-Bunao, isang forwarding company ang naatasang maghatid ng naturang mga PCOS machines sa lalawigan na tatanggapin naman ng Smartmatic, kasama ang mga back-up generators at mga batteries.

Sa May 7 nakatakdang isagawa ang testing ng mga makina sa pamamagitan ng mga guro na siyang nakatalaga sa mga clustered polling precints upang suriing mabuti kung walang aberiya ang mga ito.

Kinumpirma ng kinatawan ng forwarding company ang pagdating ng naturang mga makina sa Catanduanes.

Sa panayam ni Jo Buena ng Radyo ng Bayan Virac, sinabi ni ginoong Roland Tenerife na sa Abril 22 nila idedeliver sa warehouse ang naturang mga makina bago iturn-over sa Smartmatic sa bayan ng Virac sa darating na Abril 26

Inaasahang walang magiging aberiya sa naturang delivery.