Papunta sa Jerusalem si Jesus ng lapitan Siya ng sampong ketongin. Habang nakatayo sa malayo, sinabi nila "Jesus Guro maawa ka sa amin."(Lucas 17:13). Nang makita sila ni Jesus, utos Niya "Humayo at ipakita ang mga sarili ninyo sa mga saserdote." At habang naglalakad sila'y gumaling. Isa sa kanila nang makitang siya'y gumaling, bumalik at nagpatirapa sa paanan ni Jesus at nagpasalamat. Nasaan ang siyam?" tanong ni Jesus. Mabuting tanong. Binanggit ni Jesus na ang mapagpasalamat na tao ay isang Samaritano-- taga labas-- upang bigyan-diin ang sinabi Niya, ",,ang mga anak ng sanlibutang ito ay higit na tuso (ibig sabihin, "maaallalahanin"),,, Kaysa mga anak ng liwanag"(16:8). Minsan ang ibang tao ay mas mabuting ugali kaysa sa mga taga-sunod ni Jesus. Sa kaabalahan sa buhay, maaring malimutan nating magpasalamat. May nagawa ang iba sa atin-- nagregalo, may naitulong, nagbigay ng napapanahong mensahe, nagpayo, nag-aliw o nagpalakas ng loob. Ngunit nalilimutan nating magpasalamat. Tawagan ngayon at pasalamatan ang may ginawa para sa iyo o sulatan ng Thank you card. Ang pag-ibig ay magalang at maaalalahanin, at may modo. (1Cor 13:5)- David Roper. Salamat, Dios, sa pagpapala, sa paglakad sa buhay; Nawa'y maging mapagpasalamat, at purihin Ka araw-araw-- Roworh. Hindi natin kailangan ng mas marami para maging mapagpasalamat-- kailangan lang maging mas mapagpasalamat. ----- "Nang makita ng isa sa kanila na siya'y gumaling na , siya ay bumalik, na pinupuri ng malakas na tinig ang Dios -- Lucas 17:15.")
Recent comments
15 hours 47 min ago
1 week 3 days ago
1 week 5 days ago
1 week 5 days ago
2 weeks 1 day ago
2 weeks 5 days ago
3 weeks 11 hours ago
3 weeks 16 hours ago
3 weeks 6 days ago
5 weeks 4 hours ago