Pagsusuri sa ating Relihiyon Ipagpalagay na sumulat ka ng aplikasyon para matanggap ka sa langit. Ano ililista mong mga katangian? Ito Ba?. *Simulat sapol naniniwala na ako'y may Diyos. *Kilala akong isang taong relihiyoso. *Nagsisikap akong mamuhay nang mabuti. *Nabautismuhan na ako. *Nagsisimba ako. *Wala akong nagawang napakasama. *May mga kaibigan akong magpapatotoo na mabuting tao ako. "Kung ganyan ang ililista mong mga katangian, hindi mo pa nauunawaan ang kawalang halaga ng relihiyon." Ang nag-iisa at natatanging "aplikasyon" para matanggap ka sa langit ay tulad nito: *Wala akong katangiang maipagmamalaki. *Ako'y isinilang na isang makasalanan. *Lumapit ako sa Diyos, hindi sa sarili kong pangalan (o sa sinumang pangalan) kundi sa pangalan ni Cristo Hesus. *Nananampalataya ako na Siya'y anak ng Diyos at aking Tagapagligtas. *Tinanggap ko ang sakripisyo Niyang mamatay sa krus para sa aking mga kasalanan. *Nananampalataya ako na muli Siyang nabuhay mula sa mga patay. *Inilagak ko na ang tiwala ko sa kanya para iligtas ako. "Upang maunawaan ang pagkakaiba ni Cristo sa relihiyon, basahin ang Efeso 2:8-10, "Sa biyaya kayo'y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya at ito'y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili ito'y kaloob ng Diyos, hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinuman ay walang ipagmalaki. *Hinalaw mula sa Booklet na Religion or Christ....
Recent comments
2 hours 8 min ago
2 hours 29 min ago
10 hours 18 min ago
11 hours 37 min ago
16 hours 26 min ago
16 hours 3 min ago
17 hours 44 min ago
17 hours 27 min ago
1 day 8 hours ago
1 day 13 hours ago