Sa pagtatapos ng Taon 2009, napakarami kong naalala na dapat kong (natin) ipagpasalamat dahil sa pag-ibig ng Diyos na ginawa niya sa atin sa araw-araw: una ang hangin-(oxygen) na ating nilalanghap ito ay libre o diba? / kalusugan ng pisikal na katawan, napakamahal ng bayad sa pagpapagamot kapag maysakit diba?/ binigyan tayo ng karunungan at kaalaman kaya tayo'y nakakapag-hanapbuhay para sa pinansyal na kailangan ng ating pamilya. Ibinigay pa ang Banal na Espiritu Santo para makasama lagi at magpaunawa sa atin ng kalooban ng Diyos sa mabuti at masama pati ang buhay na hahantong sa Langit. Alam natin na isa lang ang may kakayanan na makapagbibigay nito ang Diyos na may likha ng lahat ng bagay sa langit at lupa, Si Hesus na bagamat Diyos ay bumaba dito sa lupa sa pagkakatawang tao, (Fil.2:6-11 & Col.1:15). " Kaya lamang pupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw, pumatay, at magwasak. Naparito ako upang ang mga tupa'y magkaroon ng buhay- isang buhay na ganap at kasiya-siya".(Juan 10:10).---- May maidadagdag po kayo ng pasasalamat? God Bless Catanduanes Forum!!! ----- Benediction: "To him who is able to keep you from falling and present you before his glorious presence without fault and with great joy--- to the only God our saviour be glory, majesty, power and authority, thruogh Jesus Christ our Lord, before all ages, now and for-evermore! Amen." (Jude 1: 24&25). Welcome 2010 happy new Year.
365 Days?
As usual back to normal uli sa pag- ikot ang araw sa mundo sa mga nilikha, balik sa iba-ibang panig ng mundo upang makipagsapalaran sa buhay, At panibagong yugto sa buhay na ating tinatakbo dito sa mundo. Balik sa pagharap ng lahat ng hamon na ating dadaanan, ginusto man ito o hindi o kaya pagkakataon na dumating. Magsisishan o may sinisisi, ang kapwa tao, ang magulang, ang anuman ahensya ng gobyerno, ang mga naka pwesto sa pamahalaan, o ang Diyos. di ba mas mabuting itanong muna sa ating sarili na baka isa rin (ako/tayong dapat sisihin he he), Ano ba ang mga karanasan natin na ayaw nating maulit pa? syimpre ang mga pangit at ayaw natin na makakasama. di lang sa atin sarili kundi kahit sa ating kapwa man. Mapapalad pa tayo dahil buhay pa tayo at makakagawa pa ng mabuti sa taon 2010. Kung babalikan natin ang 2009 nakakalungkot na isang panaginip na lumipas sa yugto ng buhay ng tao, naroon ang pagkamatay ng biglaan ng mga sikat na tao, mga namatay sa kalupitan ng kapwa tao, namatay sa kalamidad bagyo baha, land slide nag crush na eroplano o lumubog na barko ano pa ba? Isa tayo sa may pag-asa pa sa buhay na ito, At pasasalamat sa Diyos ang mahalaga dahil hindi niloob na makasama tayo sa binawian ng buhay, o pagnatulog nagigising pa tayo pagsapit ng umaga. Sa mga kapwa ko Kristiano ano ba ang magagawa natin? Pray your family & Share the Word of God, read and study the Word of God daily. (" Huwag kayong magasawa sa pananalangin. Gawin ninyo itong mataimtim at may pasasalamat". Col. 4:2) & ("Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat na yaon, Dilidilihin mo iyon araw-gabi upang matupad mo ang lahat ng nasusulat doon. Sa gayon giginhawa ka at magtatagumpay". Joshua 1:8). God Loves you, My fellow Catandunganon's.
katulad ng sa agila
"Si Yahweh ay papurihan , purihin mo kaluluwa, Ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina. Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan, At huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan. Ang lahat kong kasalana'y siya ang nagpapatawad, At anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat. Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas, At pinagpapala ako sa pag-ibig niya't habag. Sa sarili ang dulot n'ya'y kasiyahan habang buhay, Kaya naman ang lakas ng kabataan, Katulad ng sa agila ang taglay kong kalakasan. Si Yahweh ay humahatol, ang gawad ay katarungan; Natatamo ng inapi ang kanilang karapatan. Ang balangkas niya't utos kay Moises ibinilin; Ang kahanga-hangang gawaý nasaksihan ng Israel. Kay ganda ng kalooban, mahabagin itong Diyos, Kung magalit ay banayad, kung umibig nama'y lubos, Banayad nga kung magalit, hindi siya nagtatanim; Yaong taglay niyang galit, hindi niya kinikimkim. Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway; Di na tayo sinisingil sa nagawang kasalanan. Ang agwat ng lupa't langit, sukatin may hindi kaya, Gayon ang pag-ibig ng Diyos sa may takot sa kanya. Ang silangan at kanluran kung gaano ang distansya Gayung-gayon ang pagtingin sa sinumang nagkasala. Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya Gayon siya nahahabag sa may takot sa kaniya. Alam niya na alabok, yaong ating pinagmulan, Alam niyang babalik din sa alabok kung mamatay. Ang buhay ng mga tao'y parang damo ang katulad, Sa parang ay lumalago na animo ay bulaklak; Kapag ito'y nahahanginan, nawawala't nalalagas, Nawawala mandin ito at hindi na namamalas. Ngunit ang pag-ibig ng Diyos ay tunay na walang hanggan, Sa sinuman na sa kanya'y may takot at pagmamahal; Ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan. Yaong magtatamo nito'y ang tapat sa kanyang tipan, At tapat na sumusunod sa bigay na kautusan. Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan; Mula doon, sa nilikha'y maghaharing walang hanggan. O purihin ninyo siya, kayong mga angel ng Diyos, Kayong mga nakikinig at sa kanyaý sumusunod! Si Yahweh nga ay purihin ng buong sangkalangitan, Kayong mga lingkod niyang masunurin kailanman. O purihin ninyo siya, kayong lahat na nilalang, Sa lahat ng mga dakong naghahari ang Maykapal; O AKING KALULUWA, SI YAHWEH AY PAPURIHAN....(Awit 103:1-22)...