P B S

arnold's picture

Noong araw, mahigit na isang daan taon na ang nakalilipas, Halos walang Bibliang mabasa ang mga Pilipino. Sa pagsusumikap ng British and Foreign Bible Society (BFBS), ang Salita ng Diyos ay nadala sa Pilipinas noong 1838. Ngunit dahil ito'y nasa wikang Kastila, kakaunti lamang ang makabasa nito. Pagkatapos na masakop ng mga Amerikano ang Maynila noong 1898, nagsimulang maipamahagi ang ilang aklat ng Biblia sa iba't ibang wika sa Pilipinas. Una dito ang Ebanghelyo ni Lukas na isinalin sa wikang Pangasinan ng isang prayle noong 1873. Ang pangyayaring ito ang naging daan upang ang American Bible Society (ABS) ay magsaliksik tungkol sa pagsisimula ng gawain ng pagkakaroon ng Biblia sa Pilipinas. Nagtulong ang ABS, at noong Nob. 26,1899 ay nagtatag sila ng bodega ng Biblia sa bansa. Noong 1919 ay ipinaubaya ng BFBS sa ABS ang pagpapatuloy ng pamamahagi at pagsalin ng Biblia upang hindi madoble ang trabaho. Ang opisina at bodega sa Maynila ay tinawag na Philippine Bible House noong 1957 ay hinirang ang unang Pilipinong sekretayo-heneral ng PBH. Sa taon ding ito ang PBH ay tinanggap bilang "associate member" ng United Bible Societies. Noong Marso 1966, ang PBH ay ginawang Philppine Bible Society, Inc. at naging "full member" ng United Bible Societies. Nanatiling matatag ang misyon nitong nakaraang halos sandaang taon, na magkaroon ang bawat Tao ng Biblia. Naniniwala kami na ang Biblia ay magbabago sa buhay ng tao at maging sa bansa. Sa patnubay ng Diyos at sa inyong tulong susulong ang gawain ng Diyos sa Pilipinas sa Philipphine Bible Society.

Ayon sa nasusulat????

arnold's picture

"Ngunit paanong tatawagan ng mga tao ang hindi nila sinasampalatayanan? Paano silang mananampalataya kung wala pa silang napapakinggan tungkol sa kanya?. Paano naman silang makakakapakinig kung walang nangangaral? At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinusugo? Ayon sa nasusulat "O kay inam na makitang dumarating ang mga nagdadala ng Mabuting Balita". Ngunit hindi lahat ay naniniwala sa Mabuting Balita. Ganito ang sabi ni Isaias, Panginoon, sino ang Naniniwala sa sinasabi namin? "Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig: at makakapakinig lamang kung may nangangaral tungkol kay Cristo.(Rom.10:14-17).---At hindi kinalulugdan ng Diyos ang hindi nananalig sa kanya. Sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat maniwalang may Diyos, at nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa kanya.(Heb.11:6).--- Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. (Mat.10:32-33).--- Nakikilala ng Panginoon kung sinu-sino ang sa kanya' at ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay dapat lumayo sa kasamaan'.(2Tim.2:19).--- Mula pa sa pagkabata, alam mo nang ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo Jesus.(2Tim.3:15).--- Sapagkat ang salita ng Diyos ay buhay at mabisa, higit na matalas kaysa alinmang tabak na magkabila'y talim, Ito'y tumatagos maging sa pinaghihiwalayan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak sa buto, at nakatataho ng iniisip at binabalak ng tao. Walang makapagtatago sa Diyos, lahat ay hayag at lantad sa kanyang paningin, at sa kanya tayo magsusulit.(Heb.4:12-13).--- Salita mo'y tanglaw na sa akin ay patnubay, Liwanag na tumatanglaw sa landas kong daraanan.(Awit119:105).---Pagkatakot kay Yahweh ay simula ng kaalaman, Ang pagkilala sa kanya'y may dulot na karunungan.(Kaw.9:10).--- Sinabi ni Jesus; Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumampalataya ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan. Ang mga sumampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan Ko'y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila'y hindi maano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang mga kamay.(Mar.16:15-18).--- (Magandang Balita Biblia)..>>

"ang tanus na dahlhan.."

burabud's picture

Naniwahlha aku sa mga pigatahlham mo Arnold.
Gabasa man kita kaan.

I believe in "The Revelation".

Thanks and Good blog.

{:->

**************************************************************
http://www.catanduanesforum.com/blog/exclusive-hlh-virac