hay... nakakabagot... wala nanaman akong magawa... akala ng iba sobrang sarap dito sa ibang bansa... akala ko din... ginusto ko umalis ng pinas kasi dito di hamak na mas malaki kita...
mas maganda tanawin... at madami pang MAS! pero pag nandito ka na maiisip mo ang kaibahan ng pinas at ng ng ibang bansa... sa pinas... magulo... maingay... MAINIT! pero di hamak na MAS MASAYA... mas magulo mas masaya.. lalo na pag kasama mo pamilya... kahit anong gulo o kahit anong ingay.. masaya.. basta magkakasama...
namimis ko na pinas... pero ayoko ko pa umuwi.. wala naman mangyayari sa akin dun... wala trabaho.. sa pinas may asenso din naman kung may tiyaga kaya lang yung tiyaga na igugugol dun e dito na lang.. mas maganda pa ang kapalit... kaya lang may lungkot din na kapalit... mamimiss mo dati mo ginagawa... mamimiss mo dati mo pinupuntahan... mamimiss mo mga kaibigan mo... at higit sa lahat mamimiss mo pamilya mo..
tulad ngayon... gusto ko na umiyak.. namimiss ko na ang pinas... lalo pa ngayon na wala akong makausap... gusto ko gumulong... gusto ko tumalon... gusto ko sumigaw... mawala lang ang lungkot na nararamdaman ko ngayon... hay!!! ginusto ko to kaya dapat tatagan ko.... pero anong magagawa ko.... NAMIMISS KO NA ANG PINAS!
-namimis ko na ang mama ko na ang ingay-ingay kakasermon
-namimis ko na ang dadi ko na sobrang higpit
-namimis ko na si dhada, yung kwentohan naming magdamag
-namimis ko na si ibet sa kawirduhan nya, yung mga composition nya
-namimis ko na si tere, yung pang-asar namin sa kanya, tapos kapag iniiwan namin sya lagi sa bahay. hahaha
-namimis ko na si shen na pagkakulit kulit
-namimis ko na si marie na kapag naghuhugas ng pinggan ay nakapatong rin siya sa lababo
-namimis ko na si jr na sobrang tigas ng ulo.
-namimis ko na kwarto ko na masasabi kong comfort zone ko
-namimis ko na maligo sa banyo nmin
-namimis ko na ingay sa plasa
-namimis ko na mga tambay sa may chapel.
-namimis ko lutong spaghetti ni ate minnie na inuulam ko sa kanin
-namimis ko na kantahan sa kanto ng mga lasing.
-namimis ko na mga kainuman ni dadi, sila tiyo joel, pay badong, tip-tip atbp.
-namimis ko na ang dagat(boulevard)… sarap tumambay… sarap makipagdate… hahaha
-namimis ko yung seabreeze, sarap ng pancit dun.
-namimis ko na syempre yung nanlilibre sa akin dun. hahaha
-namimis ko na mga kapitbahay namin
-namimis ko na sila ate chie na kapitbintana ng kusina at kapalitan ulam namin
-namimis ko na si anya, lahat ng pinaggagawa namin including kalokohan
-namimis ko na si ed, na workaholic, lagi kong kadebate
-namimis ko na ang lahat lahat sa pinas!
- MISS NA MISS KO NA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
HAY... SANA YUMAMAN NA AKO... PARA KUNG DI MAN AKO ANG MAKAUWI SILA NALANG PUMUNTA DITO... SAMA-SAMA MAS MASAYA... SA NGAYON E TIIS TIIS MUNA.. IIYAK ANG LUNGKOT… ITAWA PAGMASAYA... GANYAN ANG BUHAY E …
SA PAGTYPE KO NA ITO E MEDYO UMOKI NA KO...
wow! naka toch nman,parehas
wow! naka toch nman,parehas lng tau,,,,,,,,namimis kna rin samin