Nabibigong Gumawa ng Mabuti

arnold's picture

Sa libro niyang (8 men out) sinabi ni Elliot Asinof ang tungkol sa nangyaring iskandalo na tinawag na "Black Sox" noong 1919. Walong miyembro ng Chicago White Sox, isang koponan ng baseball, ang naparatangan ng pagtanggap ng suhol mula sa mga sugarol para sadyang magpatalo sa World Series, isang importanting labanan sa baseball. Bagamat hindi nahatulan sa korte, lahat ng walong miyembro ay di na muling nakasali sa anumang paligsahan ng baseball habang buhay. Ngunit isa sa mga atleta, si Buck Weaver ay umaming alam niya ang pagsasabwatan, at naglaro siya para manalo. Bagamat maayos ang paglalaro niya sa paligsahang iyon, ang commisioner ng baseball na si Kenesaw Mountain Landis ay nagdisisyon na sinumang atleta na nakakaalam na may iskandalong gagawin, ngunit walang ginawa para hindi ito matuloy, ay dapat ding parusahan ng pagbabawal tulad ng mga kasama. Si Weaver ay pinarusahan di dahil sa maling ginawa kundi sa pagkabigong gumawa ng mabuti. Sa sulat ni Santiago sa unang iglesia, sabi niya, "Ang sinumang nakakaalam ng paggawa ng mabuti, ngunit hindi ito ginagawa, ito ay kasalanan sa kanya". (Santiago 4: 17). Sa mundong itong puno ng kasamaan at kadiliman, may pagkakataon ang mga Cristiano na paliwanagin ang kanilang mga ilaw. Labanan ang hindi pagkibo. Pag naharap sa pagpili, na gawin ang mabuti o huwag ng kumibo, pipiliin natin lagi ang paggawa ng mabuti. --- Bill Crowder 'Ama namin, tulungan po na bigyan Kayo ng karangalan sa buong buhay ko sa pagiging ilaw sa madilim na mundong ito. Huwag po nawang masabi na nabigo ako sa paggawa ng alam kong mabuti, makatarungan at tama,,, Amen.------ (Marami ang magaganap sa darating na Eleksyon kung ang mga tao ipagbibili pa ang kanyang boto sa hindi karapatdapat at corrupt na kandidato).

bakit nga ba? it's in the

bakit nga ba? it's in the system na kasi. it's already a culture, deeply inculcated in the people's mind. it has been a practice and became customary. since most of our trapos are doing this, they leave others with no choice, but to go with the flow. ikaw ba, papayag na matalo ka if you know you have a chance by giving money in exchange for the people's vote? wala rin naman diba. like what ive said, it's in the system already.

But i believe, someone will come to change the system...soon. :-)

Bakit nga ba @ irwinpena

Dave's picture

Isong sid. I believe too that someone will come to change the system, and it maybe you who will not vote for money.

taga pangcayanan man ako to.