(Rey Marfil ng Abante))
Hinamon ni administration Sen. Joker Arroyo ang lahat ng mga nagpapakilalang presidentiables na tumayo at panindigan ang bawat isyu dahil nauuwi lamang sa daldal ang mga ito.
Diretsahang inakusa¬han ni Arroyo na puro daldal lamang ang ginagawa ng mga presidentiables at kinakasangkapan ang pag-atake kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para umangat ang kanilang popularidad.
“Maski ako hindi na nakikinig ng radio, nagbabasa ng dyaryo...sabihin nila... para bang ‘yung mga kandidato, sinabi nila kaila¬ngan silang iboto kasi maga¬ling sila... ang kasunod
dyan mumurahin si GMA,” pagdepensa ni Arroyo sa kaalyadong Pangulo.
Ayon pa kay Arroyo, kung magagaling ang mga presidentiables, pinaka¬ma¬buting gawin ng mga ito na tumayo sa isang isyu, katulad ng visiting forces agreement (VFA), reproductive health bill, charter change (ChaCha) at iba pang mahahalagang isyung panglipunan at hindi puro daldal sa mga interbyu.
Isa-isa ring tinukoy ni Arroyo ang mga presidentiables na sina dating Pa¬ngulong Joseph “Erap” Estrada, Sens. Manuel Villar Jr., Francis “Chiz” Escudero III at Benigno “Noynoy” Aquino at Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr.
“Ang mga kandidato ngayon, ‘di ba si President Erap, si Manny Villar, si Noynoy, si Chiz, si Gilbert. Tanungin sila isa-isa. Anong stand ninyo sa VFA?
Mayroon pang isang issue, ‘yung reproductive health. Ang makalaban d’yan ay ‘yung simbahan. ‘Yung RH hindi gumagalaw sa House, hindi gumagalaw sa Senado, we are now 92 million people,” ani Arroyo.
tama si joker
yan ang mga issue na importanting matalakay at malaman kung anu ba talaga ang stand ng mga nangangarap na maging lider.
pabor ako sa reproductive health bill na sinusulong ni lagman(?), sa VFA ni gibo, sa charter change (con-con). tanungin kaya natin ang mga kandidato ngayon pustahan tayo tatayo yan sa gitna playing safe sabi daa. ay inda.
nadaog na si fernando ni gibo na pangvendor lang, saro man na kurapt pati MMFF (tama ba?) pigakutungan.hehe
Mga Presidentiables
Si Bayani Fernando sana kasi firm siya sa mga rulings niya, nakikita ung mga projects niya and madidisiplina sana ang mga Pilipino kaso di na ata tatakbo hehehe.
Sana bumoto tau hindi lang dahil sa kababayan natin or sikat ung kandidato. Isipin natin ang mga kababayan natin at ung long time effect ng actions natin. Suriin natin silang mabuti.
Please vote wisely.
Si BF presidentiable?
Pang bata lang ang alam na disiplina ni bayani fernando. Ano basain mga tao? Labag pa nga sa human rights ito? Seryosohan hindi nga niya maayos ang simpleng problema sa traffic at hindi niya madisiplina ang mga tauhan sa MMDA buong bansa pa? Hindi tayo uunlad kay fernando alam lang niyang solusyon sa mga problema ng bansa ay band-aid lang tapal- tapal lang. Balik na lang
siya sa mayor ng Marikina. Buong Manila di nga niya naayos ang takbo ng transportasyon na under sa kanyang pamamahala.
Mga Presidentiables
Si Bayani Fernando sana kasi firm siya sa mga rulings niya, nakikita ung mga projects niya and madidisiplina sana ang mga Pilipino kaso di na ata tatakbo hehehe.
Sana bumoto tau hindi lang dahil sa kababayan natin or sikat ung kandidato. Isipin natin ang mga kababayan natin at ung long time effect ng actions natin. Suriin natin silang mabuti.
Please vote wisely.
prinsipyo
sa isang banda tama naman si joker. dapat bomoto tayo sa kandidato at sa kanyang prinsipyo. ako nga boboto na ako kay Gibo dahil sa stand nya sa VFA. di na siguro ako boboto kay noynoy dahil sa stand nya sa reproductive health bill.
sa akin lamang.
bahi
tablahan muna tayo ngayon hehehe inano noynoy ako
Paano si Chiz?
Mga kabayan paano si Chiz ating kabayang Bicolano? Lagi na lang bang Kapampangan ang presidente? Sana maging taga Bicol man ang susunod na presidente. Malay natin magkaroon din ng little malacanang sa catanduanes at magkaroon din tayo ng golden bridge kabit sa mainland. Wish ko lang ito sa atin kasi mauunlad na bansa dagat pati langit at underground ginagawan ng tulay at kalsada.
Tama naman si Sen. Arroyo
Sa pagdating ng botohan pipiliin ko kung sino ang mayroong tamang paninindigan sa bawat isyu. Itong isyung ito ay dapat para sa ikabubuti ng ating mamayan. Huwag naman sana tayong boboto dahil sila ay may pangalan o pera. Huwag natin sayangin ang pagkakataong ito. Sana maging matalino tayo sa pagpili ng Presidente.
Joker
Si Joker kenkoy nagpapatawa para ipagtanggol lang ang kapangalang pekeng presidente alam naman niyang mga kandidato hindi maaring magpahayag na bumangga sa kapangyarihan ng simbahan lalo na sa mga Amerikano kaya nga iyong isang presidentiable ng Malakanyang humahalik na sa kamay ng Cia at defense secretary ng US para sa basbas na supporta. Iyon gusto nilang Cha-cha ay hayagan na ring inilalahad kaya hindi nakapagtataka na sinasabi ng puno ng el shaddai nasusuportahan ang kandidato na kasama ang plataforma ang charter change. Nakakasuka ang mga palabas ng mga taong ito.
Parang di na nasanay
Si Joker talaga hindi na nasanay sa takbo ng politika sa atin. Talagang daldalan yan, siraan, batikusan, at matira ang matibay. Nasa mga botante na yun sa atin kung kanino maniniwala sa mga pinagsasabi. Siya nga rin ngayon nagdadadaldal at naghahamon pa ha.
Pag gusto maraming paraan. Pag ayaw marami dahilan..