Magkapatid ang Sinungaling at Magnanakaw

Baraka's picture

Isang napaka dilim na pangitain ang nagbabadya sa ating mahal na Katandungan. Di pa man nagsisimulang manilbihan ang mga bagong halal ngunit ubod na ng sinungaling ang mga ito. Ang ating mga mahal at kagulang gulang na pinuno ay gumastos daw ng di lalampas sa kalahating milyon pesoses bawat isa noong nakaraang eleksyon. Kung ganon po, puro huwad na pera ang ginamit sa pambili ng boto, libre tirahan at pagkain ng mga barangay kapitan na “nakeeping”, walang bayad ang libo libong watchers at election ward leaders, tubig ang ginamit na gasoline ng mga motorsiklo at SUVs at marami pang gastosin and hindi na binayaran.

Kayo na po ang bahalang magkwenta kung totoo po na hindi hihigit sa kalahating milyon ang ginastos ng mga pinunong halal ng ating mahal na Katandungan.

Talamak pa rin ang nakawan sa kabiserang bayan ng Virac. Matagal na po naghahari ang mga pusakal na magnanakaw ngunit walang ginagawa o walang magawa ang kapulisan at pamahalaang lokal. Dahil po sa walang habas na kakawan sa Virac, nararapat lang po na maghain ng panukalang batas sa kongreso ang ating mahal na CVS na gawing ROBBER CAPITAL of Catanduanes ang Virac. Nasa bayan po ng Virac ang talamak na nakawan sa mga kabahayan, sa kapitolyo, sa Dept. of Public Highway Robbery, Commission Or Audit?, Bureau of Institutionalized Robbery, at marami pa mga punong tanggapan (taga tanggap) ng pamahalaan.

Tiyak na mabilis pa sa kidlat ang pag pasa sa panukalang ito.

ginastos ng eleksyon

tisay na agta's picture

Dapat yata busisin ng COMELEC . Ang mga nagastos ng mga kandidato. Hinde naman kapani paniwala na umabot sa sa ganun halaga. kung ang mga ito ay may violation. ang pag sumite ng statement of expenses sa elekyon ay ayon na rin sa Comelec resolution no.89944. sana naman magawan naman ng paraan ng COMELEC ang pag sumite kaagad nito. baka ang maging dahilan nito ay pending request ng kandidato. Ang pag hahain ng nasabing report ng mga kandidato ay upang mahayag sa komisyon at sa taumbayan ang naging gastos ng isang kandidato sa kabuuan ng kanyang kampanya. ang lahat na kandidato natalo o nanalo .

Top Four Sinungaling?

ilaya's picture

Kung totoo ang tuos ng mga ginastos ng top 4 na kandidato sa eleksyon sa Catanduanes...ay kasinungalingan lang ang pinahayag nilang gastos. Panloloko lang ang reported na gastos kasi nga...ordinaryong kandidato lang na kagawad ng bayan ay halos lagpas sa kalahating milyon pesos ang gastos. Gobernador at Congressman pa kaya?...alam naman natin na mga kandidato alaga lahat halos...botante...may humihingi ng pera para sa gamot, para sa graduation, para sa inumin, para sa pagkain, pamasahe...at kung ano-ano pa... kasinungalingan...totoo kambal ng magnanakaw. Iyong gastos kasi sa vote-buying ay di reported.