Kalugod-lugod ang maging bata, malinaw ang mata, matalas ang pandinig, matatag humakbang, pumipintig ang pulso, punong-puno ng sigla, Ngunit may mga karangalan din ang matatanda na di maarok ng kabataan. Tunay na pinagpala ang pagtanda kung natatapos itong nagliliwanag sa gabi ng buhay. Ipinagdiriwang ng katandaan ang pag-aani---ng kabataan, ang paghahasik. Parang bunga, ang ani ng matatanda ay maaaring tuyo na't nabubulok, o lumalago at lalong tumatamis sa paghinog nito. Walang makatatakas sa pagdagdag ng mga taon sa buhay. Ang kabataan ay tumatagal nang sapat lamang para palakasin ang mga balikat sa pagpasan ng mga darating na pasanin. At ang mga taon ay patungo sa di maiwasang pag-gabi ng buhay. Ngunit ang pinakamabuting bagay ay pinaka-nagtatagal at subok na ng mga nagdaang mga taon. Ang Diyos mismo--- kahit di limitado ng panahon-- ay tinawag na Matanda ng mga Araw (Daniel 7:9). Huwag ikahiya ang edad mo. Lahat ng bagay na nananatili ngayon dito ay tatanda-- mga bundok, ilog, karagatan, mga bituin. Ngunit ang paggabi ng buhay ay liliwanag kung nasa atin Siya na Ilaw bilang ating Araw sa gabi. Wala nang pinakamalungkot pa kaysa isang matanda na haharap sa walang hanggan ng wala si Cristo. At wala ng tatamis pa kaysa matiwasay na pagtanda, lumalago pa at nakahingalay kay Cristo at may tiwalang haharap sa kinabukasa ng Diyos--M.R.De Haan M.D. "Nagdiriwang ang makasalanang pinatawad ng Panginoon tungo sa lungsod ng liwanag ng Diyos Araw-araw lalong lumalalim ang galak at daan, nagliliwanag nang puspos.-- Hoffman". "Nakapagtataka na samantalang lahat ay tatagal ang buhay, wala nang magiging matanda".-- Benjamin Franklin.
Recent comments
2 days 17 hours ago
5 days 15 hours ago
1 week 1 day ago
1 week 3 days ago
2 weeks 4 days ago
3 weeks 19 hours ago
4 weeks 1 day ago
6 weeks 3 hours ago
6 weeks 18 hours ago
8 weeks 3 days ago