Sa isang pagsesermon, ang misyonerong si Hudson Taylor ay may baso sa mesa na pinuno niya ng tubig. At sa pagsasalita, malakas na ipinukpok ang kamao sa mesa para lumigwak ang tubig sa baso. At ipinaliwanag niya, "Haharap kayo sa maraming problema sa buhay. Pagnagkaganoon, tandaan nyo, kung ano lang ang nasa loob mo ang siyang aapaw." Mahalagang pag-isipan iyan, diba? Pagsinaktan ka at di ka maunawaan, paano ang tugon mo? Maayos ba, mapasensya at mapagmahal? O ganti kaagad dahil sa galit? Sa Efeso 4:25-32, makikita ang pagkakaiba ng asal ng tao bago maligtas at nang maligtas na. Pag namumuhay tayong nagpapasakop sa Espiritu Santo, makikita sa atin kung paano tayo tumutugon sa mga pagsubok at tuksong dumadagsa sa buhay. Kung paano tayong sa mga mahihirap at nakahihiyang sitwasyong biglang nangyayari sa atin ay isang pagsubok na magbubunyag kung gaano na inilago natin sa biyaya. Posibling mapigil ang galit at kabiguan at maitago ito na parang walang epekto sa atin. Ngunit kung puso natin ay puno ng pag-ibig ng Tagapagligtas, tutugon tayo nang may tunay na pasensya at kabaitan sa mga nakayayanig na pangyayari sa buhay. Gaya ng tubig sa baso, laman lang nito ang liligwak sa labas.- Richard de Haan. Tulungan, O Diyos, layuan sala't kahihiyan Nang ang pangalan Mo, di malapastangan at pag-ibig Mong nasa ami'y masinag sa pagligwak nito sa pagyanig ng buhay.- D.De Haan. (Marcos 7:20) "Sinabi pa Niya, ang lumalabas sa tao ang nakapagpaparumi sa tao." Sa paglala ng suliranin, nabubunyag ang tunay mong ugali.
Recent comments
2 days 17 hours ago
5 days 15 hours ago
1 week 1 day ago
1 week 3 days ago
2 weeks 4 days ago
3 weeks 19 hours ago
4 weeks 1 day ago
6 weeks 3 hours ago
6 weeks 18 hours ago
8 weeks 3 days ago