KRISMAS... Dream ni Anduy

man-uukag's picture

I'm pulling this up for us to start the project going. Watch out for some information coming.

dave

Ang “Krismas.. Dream ni Andoy”, isang proyektong mula sa malikot na ideya ni Taypongard, ay isang pamaskong handog ng CF para sa mga mahihirap na mga bata sa Catanduanes, upang kahit na papaano’y maibsan ang nararanasan ng mga itong lungkot sa tuwing sumasapit ang Pasko sanhi ng kahirapan.
Ang proyektong ito ay dating inilaan para sa batang si Andoy bilang paggunita sa nakaraang sakunang matinding pagbaha na dinanas ng Pilipinas, lalo na sa Metro Manila, sanhi ng bagyong Ondoy.

Sa proyektong ito, ang batang si Andoy ay sumisimbulo na rin sa lahat na mga bata sa islang Katandungan.

Naantala ang pagsasakatuparan ng proyektong ito, na dapat sana’y noong Desyembre ng nakaraang taon, dahil sa pagpapatupad ng naunang proyekto ng CatanduanesForum.Com (The Fist CatanduanesForum.Com Poster Making & Essay Writing Contest) na isinabay sa selebrasyon ng Catandungan Festival 2009.
Sa pakikipagtulungan ng bawat isa sa atin dito sa CatanduanesForum.Com, inaasahang maisasakatuparan ang proyektong ito ngayong darating na Pasko taonng 2010.

Proseso ng Pamamahagi:
Pipili ng mga facilitators mula sa mga miyembro ng CatanduanesForum.Com (CF) na siyang magsasakatuparan ng proyektong ito.
Ang mga facilitators ng CF ang siyang pipili ng mga bibiyayaang mga bata (ang bilang ay depende sa mapagkakasunduan dito sa CF, ayon na rin sa malilikum na mga bagay na maaaring ipamahagi), edad mula lima (5) hanggang sampung (10) taong gulang, at mula sa mga mahihirap na pamilya sa kumunidad.

Ang imbitasyon sa mga bata ay ipapadala sa pamamagitang ng mga Social Workers o dili kaya’y sa mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan ng lugar ayon sa mapagkakasunduan sa CF.

Kinakailangang may sertipikasyon ng mga nasabing Social Workers o opisyal ng lokal na pamahalaan, na ang bata ay mula sa mahirap na pamilya, sa pamamagitan ng isang pagpapatotoo sa isang kasulatan na ibibigay ng mga organizers.

Tanging isang bata lamang sa isang pamilya ang maaaring makatanggap ng anumang ibabahagi ng CF sa proyektong ito.

Mga bagay na maaring ipamahagi ng sinumang miyembro ng CF na nais makilahok sa proyektong ito:
1. Mga laruan - maging bago man ito o luma (kinakailangan lamang na maayos pa ang kundisyon ng mga ito at maari pang paglaruan);
2. Mga damit o kaya’y sapatos - bago man o luma (kinakailangan lamang na maayos pa ang mga ito at maayos pang gamitin);
3. Pagkain - kinakailangang mga naka-pack ang mga ito at hindi mabubulok hanggang sa mga oras ng pamamahagi nito;
4. At iba pang mga bagay tulad ng mga libro, tsinelas, at iba pa na maaring pakinabangan ng mga bata.

Ang mga Donor na Lalahok sa proyektong ito ay tatanggap ng abiso, patunay na ang kanilang mga ibinigay ay kabilang sa mga ipapamahagi sa proyektong ito.

Ang pamamahagi sa mga mabibiyayaan ay idu-dukumento at ilalathala sa isang local na pahayagan at maging dito sa CatanduanesForum.Com.

Sa pagtatapos ng proyekto, magkakaroon ng ulat sa mga naging resulta ng anumang gastusin, imbentaryo ng mga bagay na ipinamahagi, at talaan ng mga nabiyayaang benepisyaryo ng proyektong ito.

Pagkakaisahan dito sa CatanduanesForum.Com kung ang pamamahagi sa proyektong ito ay gagawin sa pamamagitang ng:
1. Pagbibigay sa mga bata sa mismong lugar na kinaroroonan nito;
2. Pagbibigay sa mga bata sa pamamagitang ng isang ilalaang programa sa Christmas Cheers na ginaganap sa Virac Plaza Rizal tuwing sumasapit ang pasko; o
3. Kaparaanan ayon sa mungkahing matatanggap ukol sa pagpapasunod ng proyektong ito.

Hinihikayat ang anumang mungkahi o suhestyon, komento, at reaksyon upang lalo nating mapaganda ang pagpapatupad ng proyektong ito.

Paalala: kinakailangang pagkaisahan nating kung kailan, saan, at kung papaano natin ibibigay ang ating pagkalinga sa ating kabataang si Anduy.

Ibigay po natin kay Anduy ang ating pagmamahal ngayong pasko...

Mabuhay po tayong lahat!!!

update as of 9/06/2010

man-uukag's picture

Sa Lahat;

Malugod naming ibinabalita ang pagpapahayag ng interes ng ating mga kababayan dito sa CatanduanesForum.Com kung saan iginigiit nilang maumpisahan na itong ating proyekto na “Dream ni Anduy”sa taon na ito.

Dahil dito napagpasyahan na magbibigay tayo ng kasiyahan sa Labing-isang (11) bata sa buong isla bilang panimula.

At upang marinig ang mga mungkahi at malaman kung ilan ang kabuuhan ng gustong makilahok sa proyektong ito, hinihikayat namin na magpadala kayo ng mensahe sa pamamagitan ng “private message” dito sa site o ipadala ang inyong mga mensahe sa mga address na ito:
Ukag.virac@yahoo.com
taypongard@gmail.com
davetemplonuevo@gmail.com

Pag-uusapan natin ang proseso ng pagbibigay, mga bagay na maaaring ipamahagi, ang paglalagakan ng ating mga ipapamahagi, at iba pang bagay na mahalaga upang maging matagumpay ang proyektong ito.

Ang mga donor ay makatatanggap ng mensahe mula sa amin kung saan ipapaalam sa kanila ang lugar na maaaring paglagakan ng inyong mga ipapadala at iba pang mahahalagang impormasyon para sa pagsasakatuparan ng ating proyekto.

Maraming salamat po sa inyong lahat lalo na sa mga makikibahagi sa ating proyekto, kasihan nawa tayo ng Maykapal. Mabuhay po tayong lahat.

Sa ngalan nina Sir Dave at Taypongard...

Gumagalang,
Man-uukag

pakiusap

man-uukag's picture

Pakiusap lang po. Kung maari lang, sana lahat ng suhestyon at mahahalagang komento ay maiparating nating bago mag-a-kinse (15) ng buwang ito at mapagpasyahan natin bago matapos ang buwan ng Agosto upang malaman natin ang mga pagkakalooban at pagkakakilanlan nito sa lalong madaling panahon.
Salamat...

suhestyon

man-uukag's picture

A-kinse na po ngonyan ning Agosto alagad dai pa po kita ning napaghururunan na manungod sa proyekto ta. Siguro halat-halaton ta muna na makasuhestyon so iba. Paramientras makipamanggi muna ako sa Viga para pagparibod ko makibantilaw na sana ako sa Calatagan.
Happy Fiesta po sa Viga & Calatagan!!!

Krismas...dream ni anduy

Suggestion lang po:

1. ano daw kaya tabi kung i set ta ngon-a ang target na recipient kang project na ini. ilan kada banwaan.
2. tapos, i identify kun sisay ang mga aking ini, ( as to age, sex, built (small, medium or large) school level, etc) tapos, haputon kung ano ang wish nila...para aram ta kung ano talaga ang gusto nilang matangap na regalo sa Christmas.

3. then ask CF members to adopt the children... the more children, the better...the CF member who adopts them will be the one to donate the gifts...

4. at sana ang recipent ng Krismas..dream ni Anduy ay iba sa recipient ng Christmas cheers na ipinamamahagi ng lokal na gobyerno.

Yon lang po...salamat at okay na ang site....bakit wala na ang shout box?

pwede

man-uukag's picture

Magandang suhestyon po.
Puwede nating simulan sa 11 recipients (@ 1 each municipality), age @ least 6 y.o.
Pag-usapan siguro natin kung anong mahalagang gift (maliban sa laruan) ang pwede nating ibigay.
Ang pagkakaintindi ko po sa Christmas Cheers ay proyekto ito ng community (katulong po ang simbahan, private sector, iba't-ibang sektor ng kumunidad, at lokal na gobyerno) upang magbigay kasiyahan tuwing pasko (sa pagsisimula ng simbang gabi).

Man-uukag

taypongard's picture

Napakahusay ng iyong pagkakalathala, napapanahon pa sa pag gunita ng linggo ng wika.(sisiw ang sona ni noynoy sa tirada mo MU...hehe, baad mauyam si istib este eman)

Taypongard

man-uukag's picture

Hayaan mo at pipilitin kong ipa-limbag ang tirada kung ito, kasabay ng inihanda ko ring pananalitang pagtanggap (sakaling totohanin ni P-Noy ang kanyang alok sa akin na mapabilang sa kanyang itatakdang False Commission...) para sa kasiyahan ng lahat (hindi lang ni istib este eman pala).

Sa akin lang,

eman's picture

suhesyon:

Sa akin lang,

No, 1. Pagbibigay sa mga bata sa mismong lugar na kinaroroonan nito;

Para naman mabigyan at mapuntahan ang mga nasa malalayong lugar. Ang esensya ay para doon sa mga tutulong para makita nila ang tunay na katayuan ng ating mga kababayan.

Abawt kay istib: nag-aantay daw sya ng official english translation ng makalaglag salawal na talumpati ni MU para naman maslalo pa nyang maintindihan ang nilalaman.

Panghuli: Napansin ko na nawala na ang Shout sa CF.

Magandang umaga/hapon/gabi sa lahat.

pwede rin

man-uukag's picture

Pwede rin nating isalarawan ang kalagayan ng mga bibigyan upang magkaroon tayo ng ideya kung anong mga pangangailangan ang pwede nating maibigay.

Suhestyon

taypongard's picture

Mga ka isla, suhestyon ko lang ano daw kung puede ta gibuhon yan sa pagkatapos nin iskwela nila anduy, bago mag krismas... Malamang Dec 22 o 23...Ano tabi sa hiling nyo?

pwede yan...

man-uukag's picture

magayon na petsa yan lalo na kun maisasabay ta sa Christmas Cheers sa Plaza...

xmas cheers

agivbrazil's picture

kung isabay tabi sa xmas cheers di kaipuhan ta ninyan nin accomodation sa mga anduy`s na hare sa harayung lugar parehas nin Viga,..pwede ta mn cguro sya pakaturogun sa mayumhok na katri ano.....

“Life is a gift, and it offers us the privilege, opportunity, and responsibility to give something back by becoming more”

@xmas cheers

taypongard's picture

maurag yan agiv... ang mga mapipiling anduy (nin kada munisipyo sa isla) taw-an ta man nin tyansa na magrigid bako sanang sa karton kundi sa kutson. baad magtao man lamang nin sarong bangging pag akumudar sa pamilya anduy an mga hotel sa isla o kaya taga virac na gusto man mag pamati nin tabang sa pamilya anduy sa paagi nin pagpaistar nin sarong banggi.