Essay Writing Contest - Secondary: Entry #8

Dave's picture

“Ang Mina at Ang Ating Kalikasan”

Ang natatanging kalikasan ng Catanduanes ay isang napakagandang biyaya sa atin ng Diyos. Atin itong pangalagaan, ingatan at pagyamanin. Ngunit paano natin ito gagawin kung maraming mga salik ang humahadlang upang makamit ito? Ano ang mga nararapat nating gawin sa pagtupad nito? Simple lang ang solusyon. Sa iba’t ibang suliraning nagaganap ngayon sa ating kapuluan, disiplina ang kailangan na magsisimula sa sarili at papalaganapin sa sangkatauhan. Halina’t tuklasin ang iba’t ibang kaparaanang magiging sagot sa mga katanungan sa pandaigdigan.

Bilang isang kabataan na siyang magsisilbing pag –asa para sa kinabukasan, nais kong masugpo ang anumang suliraning ating kinakaharap ngayon. Nais kong protektahan an gating kalikasan at ipamahagi ang pag – aalaga at pagmamahal dito sa lahat ng kabataan. Bagamat isa lamang akong ordinaryong kabataan, sisimulan ko sa aking sarili ang tamang disiplina at wastong pamamaraan ng pangangalaga at hindi pagsira sa ating kalikasan. Mayroong iba’t ibang kadahilanan kung bakit nasisira an gating kalikasan. Isa na rito ang talamak na pagmimina lalo na sa ating bansa. Tulad na lamang ng walang pakundangang pagmimina sa bayan ng Rapu Rapu Albay sa rehiyon ng Bicol. Maraming mga mamamayan ang lubos na naapektuhan. Gayundin ang kanilang mga anak na umaasa sa kabuhayang pilit na ipinaglalaban upang masugpo ang minahan. Ang pagmimina ay isang napakalaking hadlang para sa mga mamamayan ng Albay. Humahadlang ito sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay at dahil sa mga ibinubuhos nilang kemikal naapektuhan ang kanilang kalusugan dahil upang lumaganap ang iba’t ibang sakit at epidemya tulad ng pagkalason at diarrhea. Maraming kabataan ang naaapektuhan at libu – libong pamilya sa buong mundo ang magdarahop kung magpapatuloy ang ganitong uri ng Gawain. Hanggang kalian ito magpapatuloy ng pagpapahirap sa ating mga mamamayan? Sana nama’y mamulat na ang mga taong sangkot ditto at atin nang simulan ang pagbababago. Mahalin natin ang ang Inang Kalikasan. Protektahan natin siya sa masasamang element dahil siya an gating buhay. Siya ang dahilan ng lahat, pag –asa at tirahan nating lahat na nabubuhay. Kaya’t ating sugpuin ang paglilinlang, makiisa sa pagbabago at bigyang pag –asa ang kadiliman para matanglaw ang tunay na liwanag at kadahilanan ng buhay.

Lahat tayo ay may kanya – kanyang tungkulin at layunin. Atin itong tuklasin sa pamamagitan ng paggawa nga mabuti. Ating ibangan ang lahat ng mga dagok sa nararanasang pangyayari. Ito’y parang panaginip lamang ngunit sadyang makatotohanan kung hindi maaagapan. Maraming mga suliranin pa tayong makakaharap at mga kabiguang mararanasan subalit huwag nating isipinang problema sa halip solusyon an gating pagkaisahang gawin. Sapagkat nasa kamay nating mga mamamayan lalo na sa ating mga kabataan ang tunay na solusyon at kasagutan sa lahat ng katanungang maging panglipunan man o pandaigdigan. Ating sugpuin at pairalin ang tamang batas ng pagdidisiplina sa mga taong sangkot sa iba’t ibang kaganapang patuloy na sumisira sa ating kalikasan, nagpapasakit sa ating mga puso at humahadlang sa ating kaunlaran. Huwag tayong magpapatalo sa kong anong kasamaang umuudyok sa atin. Ating pakinggan ang saloobin ng ating puso at bigyang halaga ang bawat biyayang natatanggap na ipinagkaloob sa atin ng kalikasan. Matutong magpasalamat sa Diyos dahil tayo’y kaniyang binibiyayaan sa gaano man kasimpleng pamamaraan. Lagi natin siyang itangi, pahalagahan at mahalin lalung – lalo na ang ating magulang at mga natatanging – kapwa nasiyang magigi nating kaagapay sa pagharap ng iba’t ibang suliranin at pagsolusyon sa lahat ng problemang ating kahaharapin.

Tayo’y mga Pilipino at kilala tayo sa pagiging matatag sa anumang kabiguang ating nararanasan sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang pagkakaroon ng matatag na kalooban at positibong pananaw sa alinmang pagsubok ang magsisilbi nating sandata upang magpatuloy sa buhay nang may ngiti lagi sa ating mga labi dahil alam nating sa likod ng bawat burol ng pagsubok mayroon ding araw na sisikat para makamit natin ang tagumpay sa pag-unlad ng buhay kasama ng pagpapanatili ng kagandahan, kaayusan, at kasaganaan ng ating Inang kalikasan. Ayon nga sa kasabihan ng aking paboritong manunulat na si Mahatma Gandhi,” We must be the change, we wish to see in the world”. Tayo ang nararapat na simula at halimbawa sa pagbabagong ating inaasam hindi lang na maulinigan kundi makita at madama ang kaginhawaan ng puso’t isipan ng bawat tao sa buong mundo. Atin itong pagsumikapang tuparin at abutin gaano man kalayo ang ating abutin. Isabuhay natin ang awitin ng natatanging idolo ng lahat si Michael Jackson at ang kanyang kantang “Heal the World”. Pagalingin natin and mundo at gawin itong isang paraiso para sa mga taong nararapat na pag-ukulan nito at para sa bawat sanggol na isisilang pa lamang dito sa mundong ibabaw. Palasapin natin sa kanila ang tamis ng buhay at ang iwing kahulugan nito sa pagtuklas ng kasagutan para sa katotohanan.

Ito ay ang katotohanang may pag-asa pa upang masagip ang daigdig sa pagkakalugmok nito. Hindi masama ang madapa ang mahalaga’y marunong tayong bumangon upang tumulong at gawin ang sariling isang kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansa. Sugpuin ang kahirapan, lipunin ang polusyon at gawing kalangitan ang buong kapaligiran kung saan punong-puno ito ng mga anghel sa umaga at mga tala sa gabi na magniningning ng buong kagiliwan para sa kaluwalhatian ng sinumang nangangarap at mangangarap ng mala-paraisong kalikasan para sa Catandungan at sa buong sambayanan. Sabay-sabay tayong mangarap para maisakatuparan ang bayan. Pag-isahan natin ang mga mamamayan at palaganapin ang tunay na pagmamahalaan. Sa pamamagitan nito, madali nating makamit ang tagumpay sa buhay na subok na sa tiwala at tibay ng panahong nangangailangan ng patnubay tungo sa tamang direksyon ng buhay. Walang impossible kung tayo magiging possible sa lahat ng hinihingi ng pagkakataon. Lahat tayo, ating panahong pahalagahan at mahalin ang inang kalikasan dahil ito’y nilalang ng Diyos na magbibigay ginhawa at gagabay sa atin sa tamang landas ng buhay nang walang pag-aatubli at pangangamba sa anumang uri ng pagmimina dahil kalikasa’y protektado ng ating dalisay at wagas na pagtitiwala’t pagmamahal sa sarili, sa kapwa at sa Diyos na maylalang ng sanlibutan... ito ay para sa lahat lalo na sa aking kababayang Catangunganons. Sulong Catandungan!