Essay Writing Contest - Secondary: Entry #7

Dave's picture

Ganti ng Kalikasan sa Mapanirang Mina

Mas malakas gumanti an gating kalikasan kaysa tao.

Malawak na karagatan, matatabang lupa, malatoreng bundok, mala – palasyong puno. Ito ang ilan sa mga di – matatawarang katangian ng ating kalikasan na buong pusong ibinigay sa atin ng Poong Maykapal ng walang pag – aalinlangan. Binigay upang magsilbing tagabigay ng ating mga pangangailangan na makapagpapasaya sa atin. Ngunit, ano an gating ginagawa? Atin itong inaabuso at ang mas malala ay atin itong pinapatay na parang isang nilalang na wala nang halaga matapos itong kuhaan ng ating kaligayahan.

Kilala nyo ba si MINA? Siya lang naman ang isa sa mga nagiging dahilan ng maraming pagbabago sa ating kalikasan. Kalikasan na dati’y maganda at kahanga – hanga ngunit binago sa pagdating ni Mina. Ang dating nagtataasang bundok, naglalakihang iba’t ibang uri ng kahoy ay sinira, ginawang patay at kinuha ang mga nakatagong yaman. Yaman na kung sakaling maubos ay hindi na maibabalik pa.

Lahat ng magagandang tanawin na hinubog ng panahon ay maaaring mawala sa isang iglap. Nagtataasang talon, Nagagandahang mala – Kristal na buhangin ng dagat at malilinis na batis ay nanganganib na mawala sa listahan ng daigdig dahil sa mga kagagawan ng makasariling mga tao.

Kung sino ang gumawa, siya din ang magdadanas ng ganti nito. Ganti na maaaring ikamatay ng libu – libong tao, at makasira ng lahat ng ipinundar ng tao. Kahit ang mga walang kamalay – malay na nilalang sa ilalim at ibabaw ng dagat ay walang ligtas sag anti nito. Sinisira nito ang mga yamang – dagat at lupa upang hindi na mapakinabang pa.pinapababa nito ang mga nutrisyon nakukuha sa lupa ng halaman, dahil dito nawawalan ng tubig at nutrisyon at nagbubunga ito upang matuyo ang dahon at tuluyang mamatay ang puno.

Tao ang problema, tao din ang solusyon. Maraming solusyon ang mahahanap kung ibubukas lang natin an gating puso’t – isipan at kung lahat ay tulong – tulong sa paglutas ng suliranin. Kapit bisig upang mailigtas ang naghihingalo nating kalikasan. Dinggin ang tinig na wari ay nangangailangan ng pagmamahal at atensyon, sa pamamagitan nito, maibabalik natin ang dating ganda at sigla ng kalikasan.

Huwag nating hayaang masira ang kalikasan. Ito ay kayamanan na walang katumbas na halaga. Atin itong pahalagahan at mahalin at hindi sirain at abusohin . hindi natin alam kung ano ang maaaring maging kapalit nito. Isa lang ang natitiyak natin, kapag ang kalikasan ang gumanti, lahat ay kasali dahil ang pagkakamali ng isa, lahat ang magbabayad.