Essay Writing Contest - Elementary: Entry #1

Dave's picture

“Ang Mina at Ang Ating Kalikasan”

Ang ating lalawigan ay sagana sa mga likas na yaman gaya sa yamang gubat at yamang mineral. Ang mga yamang ito ay maaaring magdulot ng kabutihan sa atin subalit mayroon rin naman itong masamang epekto kung hindi pangangalagaang mabuti.

Ang ating lalawigan ay mayroong mga yamang mineral. Maraming mga tao ang nais magmina dito ngunit ang mga mamamayan ng ating lugar ay kumukontra dito dahil maaari itong maging isang sanhi na pagkasira ng ating lalawigan at magsanhi ng pagkamatay ng maraming nilalang gaya ng isda at tao.

Ang mg bagay at kemikal na nilalabas ng mga pabrika o tunawan ng mga yamang mineral ay maaaring maging sanhi ng iba’t ibang sakit tulad ng lason, at pagkasugat. Ang mga kemikal gaya ng mercury, cyanide at asbestos ay ilan lamang sa mga kemikal na ginagamit ng minahan.

Ang paghuhukay ng mga mineral ay maaaring magbunga ng landslides, pagkapatag ng mga bundok, pagkatabon o pagkasira ng mga yamang tubig gaya ng sapa at ilog.

Masisira rin ang ating mga pinaghahanapbuhayan gaya ng palayan at pangisdaan. Mamamatay ang mga isda, dugong at iba pang lamang dagat. Mawawalan ng mga tirahan ang mga hayop kung patuloy na pababayaan ang mga taong nais magmina sa atin. Ang mas delikado ay ang paglubog n gating lalawigan dahil ang ating lalawigan ay isa lamang isla at maaaring mapantayan ng tubig ang isla at maging sanhi ng pagkalubog at pagkawala ng Catanduanes sa mapa.

Hindi lamang ang pagmimina ang nagging sanhi ng pagkasira ng ating lalawigan kundi pati ang pag-aabuso sa ating kalikasan. Ang patuloy na pagputol ng kahoy at pagkakaingin ay isa sa mga sanhi ng pagkasira n gating kapaligiran. Ang hindi tamang pagtapon ng basura ay isa pa sa mga ito. Ang patuloy na paggamit ng dinamita at lason sa pangingisda ay maaaring maging sanhi ng pagkamatay at pagkaubos ng mga lamang dagat gaya ng isda.

Maaari masulosyunan ang mga ito. Iwasan natin ang pagputol ng kahoy at sa halip ay magtanim tayo. Marapat na magrecycle tayo at itapon natin an gating mga basura sa tamang lalagyan. Ang mga bagay na ating narecycle ay maaari pa nating gamiting muli. Ang mga basag na balde at lata ay maaaring gawing taniman ng halaman. Nakabawas na tayo sa basura ay may halaman at mapapagkitaan pa tayo.

Iwasan natin ang paggamit ng mga dinamita, lason at mga lambat ng maliliit ang butas sa pangingisda. Sa halip ay gumamit na lamang tayo ng mga pamingwit at mga lambat na may katamtamang butas.

Huwag tayong pumayag sa mga taong nais magmina dito sa atin. Kahit na may itutulong ito sa atin ay mayroon rin naman itong masamang epektong makaaapekto sa atin. Huwag tayong pumayag na masira at pumangit ang ating lalawigan. Huwag tayong pumayag na may mawalan ng buhay at kinabubuhayan dahil sa pagmimina. Panatilihin natin ang kaunlaran sa ating lalawigan. Ang ating kapaligiran at an gating kalikasan ay isa sa ating pinakamahalaganag kaibigan. Ipinagkatiwala ito sa atin ng Poong Maykapal. Babae o lalaki man, bata o matanda, sektor man ng pamahalaan o hindi, mayaman man o hindi lahat tayong mga Catandunganon ay may tungkulin na pangalagaan ito. Sa atin ito ipinagkatiwala ng Diyos, tayo pa ba ang sisira nito? Hindi sapagkat sa atin ito ipinagkatiwala at tayo ang lilinang at mangangala ditto. Puprotektahan natin ito laban sa mga taong nais sumira at was akin ito. Ang Diyos lamang ang may kakayanang bawiin ito sa atin.

Mabuhay ang Catandungan! Sulong Catanduanes! Kaya natin ito. Sulong sa tagumpay at kaunlaran!

Maaari rin naman tayong umunlad basta hindi magiging sanhi ng pagkasira n gating kalikasan. Magtulungan tayo.

Mabuhay Tayo!

Note: Essay is composed of 595 words, way above the allowed maximum of 500 words.