Nasa bingit ng pagkabangkarote and ekonomiya ng Catanduanes dahil sa pagbagsak ng kabuhayan sa isla. Maraming palayan ang hindi nataniman sa nagdaang el nino, bagsak presyo ng abaka at higit sa lahat ay tagtuyo at tag gutom ang pangunahing kabuhayan sa isla - ang CROCODILE FARMING.
Bilang pangunahing kabuhayan sa isla, ang crocodile farming ay nagbibibigay ng bilyong bilyong piso halaga ng mga proyekto, tubo sa mga kontratista, kickback sa mga politiko, at kawani ng ahensyang nagpapatupad ng proyekto.
Ang pagkabangkarote ng corcodile farming ay gawa ng bagong administrasyon nin PNoy. Naka hold ang pondo ng mga proyekto dapat sana ay nagpapataba sa mga buwaya.
Ang nakakabahalang pagkabangkarote ng crocodile farm ay maiiwasan lamang sa pamamagitan ng Oracion Emperatang magdadala ng malakas na bagyo sa isla upang maging successful ang pagpakawala ng pondong pang kumpuni ng nasirang ampaw na kalsada, tulay at silid paaralan.
Recent comments
1 day 10 hours ago
1 week 3 days ago
1 week 6 days ago
1 week 6 days ago
2 weeks 2 days ago
2 weeks 6 days ago
3 weeks 1 day ago
3 weeks 1 day ago
3 weeks 6 days ago
5 weeks 23 hours ago