...Luha ng Ina...
LYZKA CAMILLE G. TEMPLONUEVO
17 years old
#337 Cattleya St., Phase 2 – West Garden Subdivision, Bigaa
Virac, Catanduanes
Catanduanes State Colleges Laboratory Schools
Coach: Josephine R. Tomagan
“Paano mo mailalarawan ang Inang Kalikasan sa isang batang hindi makakakita?”
Ang sagot sa tanong na ito ay inabangan ng mahigit 80 nasyon sa 7th edition ng Miss Earth Beauty Pageant, at ito ang nagging sagot ng nagwagi; “Ang kagandahan ng kalikasan ay kasimbango ng pinakamabangong rosas, kasinlambot ng pinakamalambot na dahon at ang kagandahan nito’y tila mga ibon na umaawit sa mga puno...”
Paano maiguguhit ng bata ang larawan ng kapaligiran mula sa mga matatalinhagang salitang ito? Paano niya makikita ang mukha ng Inang kalikasan sa samyo ng rosas at lambot ng dahon? “Umaawit” nga ba ang mga ibon o “Umiiyak”?
TAYO ANG MGA BULAG NA DAPAT MAKAKITA NG KATOTOHANAN! Lumuluha ang ating kapaligiran. Lumuluha ang Inang kalikasan dahil nasa lubos na panganib ang kanyang buhay...
Tingnan na lamang natin ang mukha ng ating isla--- isang islang ang ganda’y tila sa isang namumukadkad na rosas. Ayon nga sa isang awitin; “gayon minatarohok tolos sa puso asin daghan...” ngunit nasaan siya ngayon? Naroon siya sa nakaririmarim na mundo ng mga makasarili at ngayo’y nilalapastangan ang ganda’t yaman ng ating islang Catandungan.
Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang usapin tungkol sa pagkakaloob ng DENR ng 7,000 hanggang 8,000 ektarya ng lupain sa Catanduanes sa Monte Oro Resources Energy Inc. upang maisagawa ang ‘coal mining’ sa ating probinsiya. Isinagawa ito nang wala man lang public consultation at Environmental Clearance Certificate.
Sa puntong ito pa lamang ay makikita na ang panlilinlang sa mga mamamayan ng Catanduanes. Subalit dahil sa bukas na mata at pagiging isa ng mga Catandunganon ay napigilan ang proyektong ito na sisira sa ganda ng ating tahanan. Ngunit hindi pa tapos ang laban. Anumang oras ay maaaring ituloy ang coal mining na ito kaya marapat lamang na manatili tayong gising sa katotohanan at mulat sa mga negatibong epekto ng pagmiminang ito sa ating isla at sa buhay ng bawat isa sa atin.
Ang coal mining ay sisira sa natitirang 60,000 ektarya ng kagubatan sa ating probinsiya. Ito ang papatag sa ating mga kabundukan. Ang magpapabilis sa pagkaubos ng mga puno at ang magpapadalas sa pagguho ng lupa. Ang”mine tailings” ay magiging sanhi rin ng polusyon sa mga dalampasigan na bubugso hanggang sa karagatan na magdudulot ng pagkalipol ng mga isda at iba pang yamang-dagat at pagkamatay ng kabuhayan ng mga taong umaasa sa dagat. Sisirain ng pagmiminang ito ang agrikultura sa ating probinsiya at mamiminsala sa ating kalusugan. Lahat ng ito ay kapalit ng P6.2 bilyon na kikitain ng Monte Oro Resources Inc. sa loob ng limang taong pamiminsala sa mga kabukiran ng ating pinakamamahal na probinsiya.
Sa local man o global na antas, ang coal mining ay lubos na nagdudulot ng pinsala, ‘di lamang sa kalikasan, ‘di lamang sa ating mga kabuhayan, kundi sa mismong “buhay ng tao”. Ang malamang ang buhay mo at buhay ng mga mahal mo ay isinakripisyo para sa kapakinabangan ng iba’y masakit tanggapin, ngunit maaari natin itong mabago, at ito’y magbabago kung tayo’y magkakaisa para sa iisang adhikain.
Hindi lamang tayo bahagi ng kalikasan, TAYO ANG KALIKASAN! Ang buhay ng kapaligiran ay buhay dinhininga rin nating lahat, at sa kanyang pagkawala ay kasabay niya tayong maglalaho...
Lumuluha ang Inang kalikasan. Siya’y naghihinagpis at nagdaramdam --- ito ang kanyang tunay na larawan ngayon. Pigilan na nating ang kanyang pagluha. Huwag na nating “isulat sa tubig” ang ating responsibilidad sa kanya. Sama-sama tayong kumilos laban sa ’coal mining’ at iba pang pamiminsala sa kapaligiran. Huwag nating hayaang malunod an gating boses para sa pagbabago sa pagiging makasarili ng mga mapaniil sa kapangyarihan. Mahirap man ang daan patungo sa ating adhikain para sa ating kapaligiran, ngunit kung tayo’y nagkakaisa, ito’y mararating natin.
Lumuluha pa rin an gating Inang Kalikasan. Panahon na para makitang muli ang kanyang ngiti...
Note: Essay is composed of 621 words way above the allowed maximum of 500 words.
luha ng ina
ito ba ang topic ng palig sahan .......ang luha ng ina .maganda ang ang pag ka gawa na essay ito pero parang lihis sa topic kasi ....ang title nya ay luha ng ina. it describe more how blind person may appreciate the beauty of nature.I qoute ang kagandahan ng kalikasan aty parang kasing lambot ng pinaka bango rosas. kasing lambot ng pinaka malambot na dahon at ang kagandahan nito ay parang umawit ng ibong.o ang topic ay ang mina at ang kalikasan.hinde ko nakita ang ang relasyon ng mina at ang kalikasan
Luha ng Ina at Langob
Maybe you need to read deeper, sano.
Dave
LUHA o Kamunduan nin Kalikasan
LUHA o Kamunduan nin Kalikasan: Yan pagkasabot ko diyan sa "Ina" na iyan ay piga taram ninyan author o "Mother Earth" grabeng pagkamundo sa pag-uyag o sa mga destrosong paagi nin pamumuhay nin mga taho.
"Look not what Catanduanes can do for you,but what you can do for Catanduanes"
luha ng ina
in a contestant who use different topic show that he or she is bringing the topic that will bring her to the strong side and therefore she can deliver it will.i am just being honest.what will be the important of the describing the beauty of nature to a blind if it was not given a sub topic of ang luha ng ina .what is being ask is mina at kalikasan which is describe secondary by the contestant.my opinion only not necesary correct. sa gabos na easy ninto pasa ako naka kita nin arog nintong nag bago nin topic . mahan tinugotan.
Luha ng Ina at Langob
I was a winner of several essay competitions, two of which is a national one. Types like that of the winner have been used time and again. It is a deeper look beyond the mining.
Your thoughts are respected, though. But yes, I agree with the judges in making the piece win.
Dave
luha at ina at dave
huna ko ako sana ang gagamit ninto argumentong too hehehe yes winner ka nin mga national essay. pero sa puntong too dapat ang winner automatic na disqualify dahil na deviate sa tema sara mga spelling ko hehehe.it is a rule of the thumb na dapat sa tema lang naka fucos ang essay.ano daw dave hehehe
to: langob
noy,
"Ang ilog na maingay = MABABAW"
Mang Donald
tama @mang Donald
Kapag ang ilog ay maingay asahan mo at '" MABABAW.""
Kapag ang ilog ay tahimik asahan mo at '" MALALIM.""
" Empty vessels make (the) most noise/sounds"
Ilog (mababaw at malalim)
Tama kayo diyan sa sinasabi ninyo na yan pero huwag ninyong ikukumpara sa tao ang ilog. Pag sa mga komentaryo o kaya diskusyon na kagaya nito pag tumahimik ang isang tao dalawa lang yan walang alam at walang pakialam. Pero pag maraming sinulat at maraming sinasabi ibig sabihin niyan marami siyang alam at marami din gusto pang matutunan. Marami din siyang pwedeng maging halimbawa ng mga eksperyensiya niya. Malalaman mo ito na matalino ang isang tao pag ang sense ng mga sinusulat niya dito ay may katuturan at kung ikaw ay isa ring may alam na tao. Pag ang tao nagtanong ibig sabihin interesado sa mga bagay at gusto niyang matutunan. Kaya kung anuman ang nalalaman niyo i-share ninyo at wag ipagkait. Kaya nga nga nilikha ang forum na ito para malaman ang ibat-ibang kaalaman na galing sa bawat isa sa atin. Mapagbasehan ang mga eksperiensiya na napagdaanan ninyo. Pwede rin kayong makapagmalaki depende yun sa makakabasa ng iyong mga sinulat at komentaryo. Kaya tayo nagsusubmit ng mga blogs, picture, story at kung ano-ano pang maishare ninyo para makapag-usap tayo kahit saan man kayo naroroon bilang isang Catanduanganon. Mabuhay tayo!
Pag gusto maraming paraan. Pag ayaw marami dahilan..
luha at langob
Fortunately, the judges were honorably right and know what they are doing, otherwise, they would have disqualified the entry.
Dave