CHAMPION, Essay Writing Contest - Elementary: Entry #3

Dave's picture

Ang Mina at ang Kalikasan
MARKO REY S. TAPEL

11 years old
Calatagan, Virac, Catanduanes
Virac Pilot Elementary School
Coach/Guardian: Ma. Cristina Tapel

“Inang Catandungan, ika ang mutya sa Dagat Silangan”, ito ay linyang hango sa kantang “Inang Catandungan”. Kaya naman hindi maitatanging ito ay isang paraiso.

Tunay ngang napakaganda nitong ating isla. Sagana ito sa mga likas na yaman. Kabilang na rito ang mga kabundukan na matatagpuan sa Viga at Gigmoto. Ang Catanduanes ay sagana rin sa mga yamang pansakahan. At dahil ang ating lalawigan ay isang isla, napakalawak ng mga pangisdaan ditto na napagkukunan natin ng bangus, alimango at tilapia.

Nariyan din ang iba’t ibang atraksyon ditto tulad ng Puraran Beach na matatagpuan sa Baras. Mayroon din ng mga talon ditto tulad na lamang ng Maribina Falls sa Bato. Idagdag pa rito ang Bato Cathedral na pinakamatandang simbahan sa Catanduanes at ang Bontoc na pinakamataas namang bundok ditto. Malaki ang naitutulong ng mga ito sa pag-unlad ng turismo sa lalawigan.

At hindi rin pahuhuli ang mga Catandunganon na naninirahan ditto. Tayo ay kilala bilang masisipag na mgas mamamayan. Magaling din tayong makisama at magalang sa lahat ng oras. At sa kabila ng napakalakas na mga bagyong tumatama rito ay mabilis tayong nakababangon at ito ay nalalampasan.

At bilang isang mamamayan, may tungkulin akong dapat gampanan ukol sa pangangalaga rito. Ngunit ano ang magagawa ng isang batang tulad ko upang makatulong sa pagsasagawa ng mga paraang tumututol sa pagmimina ditto sa Catanduanes? Marami akong magagawa tulad na lamang ng pakikiisa sa mga pagpupulong at sa mga hakbanging kontra sa panukalang pagmimina ditto. Maaari ngan makapagbibigay ito ng hanapbuhay sa mgamamamayan ngunit higit pa ang magiging masamang epekto nito sa mas marami pang tao. Tutulong din ako sa pagpapatupad ng mga batas na tutol sa nasabing pagmimina. Maaari rin akong magbigay ng panawagan ng hindi pagsuporta dito sa mga istasyon ng radio at sa mga pahayagan tulad ng Catanduanes Tribune at Bicol Peryodiko.

Ako at ang aking pamilya ay makikiisa at sasali sa mga programa ng pamahalaan tulad na lamang ng mga fun run. At maging sa paaralan ay hindi mawawala ang pangangalaga sa ating kapaligiran. Gaganyakin ko ang aking kamag-aral na maghayag ng impormasyon laban sa pagmimina ditto. Makikipag-ugnayan din ako sa DENR, pamahalaang local at sa mga organisasyong magpatupad ng mga batas upang kumontra sa pagmimina. Sa pamamagitan ng mga ito, maipapakita ko ang pagtutol sa nasabing pagmimina.

Kalian pa kaya tayo kikilos upang pigilan ang pagmimina ditto? Hihintayin pa ba nating mangyari rin sa atin ang mga pagbaha, pagguho ng lupa at kahit ang pagkawala ng mga mahal natin sa buhay? Magkaisa tayo! Labanan natin ang pagmimina dito nang sa gayon, masabi nating Islang Catandungan – tunay ngang maipagmamalaki ka!