Paray festival wagi sa Catandungan showdown
Written by BPNewsTeam
Virac, Catanduanes – Hindi mahulugang-karayom ang kapal ng mga taong nanood sa lansangan upang saksihan ang showdown ng mga festival sa street dancing competition.
Nagpasiklaban sa pagsayaw ang sampung kalahok mula sa iba’t-ibang munisipyo noong Oktubre 24, 2009 na isinagawa sa Virac Memorial Circle (Fountain).
Ipinakita ng bayan ng Caramoran ang Sugbo festival, Dinahit ng Pandan, Kinis ng Panganiban, Badas ng Baras, Sarimagyo ng Virac, Calo ng San Andres, Maparoy ng Gigmoto, Manok-Manok ng Bagamanoc, Paray ng Viga at Tinagcruzan ng Bato.
Kalakip ng kahanga-hangang performances ng bawat kalahok ay ang maikling salaysayin kung saan ipinabatid sa manonood kung papano nabuo ang Festival ng bawat bayan.
Samantala, sa pagtatapos ng kompetisyon itinanghal bilang kampeon ang Paray Festival ng Viga. Nasungkit din nila ang Best in Costume special award at inuwi ang kabuuang premyong Php115,000.00. Naibulsa naman ng Maparoy Festival ng bayan ng Gigmoto ang kabuuang premyong Php105,000.00 matapos maupo sa ikalawang pwesto at mapanalunan din ang People’s Choice at Best in Moving Choreography awards. Tumataginting naman na Php50,000.00 ang katumbas ng performance ng Badas Festival ng Baras matapos mahablot ang huling major prize..Php5,000.00 naman para sa mga hindi pinalad.
Maliban sa mga salapi, tumanggap din ng plaque of appreciation ang bawat Local Government Unit na nakiisa sa pagtatanghal. Bawat premyo at plake ay personal na iniabot sa mga nagwagi ni Gobernador Joseph Cua na matiyagang nagbilad sa init ng araw masaksihan lamang ang pinakaaabangang palabas.
Masaya ang mga organizers ng Festivals Showdown hindi lamang sa ipinakitang performances ng bawat kalahok kundi gayundin sa crowd na hindi magkamayaw sa panonood.
“We would like to thank the Mayors of all participating municipalities who had been gracious and generous enough to finance their respective contingents,” ayon sa mga tagapamanihala sa pamumuno ni PBM Shirley Abundo bilang chairman at Carmel Garcia bilang Co-Chairman. “To the crowd who has maintained its energy cheering every contestant for more than six solid hours, thank you so much.”
Samantala, ipinamalas naman ng Catandungan Festival Dancers ang winning piece nila kung saan inuwi nila ang Second Prize sa katatapos na selebrasyon ng Magayon Festival.
Inaasahang higit pang magiging kaabang-abang ang susunod na paghaharap ng iba’t-ibang festival sa susunod na taon. (Ramil Soliveres)
mga taga bato, dai sana kamo
mga taga bato, dai sana kamo mag hidap, better luck next time daa.
Daog yo KINIS namo
Dae naka buag ning deretso.
"Look not what Catanduanes can do for you,but what you can do for Catanduanes"
sukat nang...
gahak pan-o yo kinis ninyo...
congrats.
congratulations sa mga taga-viga,kita pa ran ang nagchampion.mabuhay kmo.
Pangduwa lng kmi
Kng igwa ning fisrt igwa man ning second..
" C Bulod pasiring sa ilaya "
Next Time
Di bale sa susunod baad numero uno na. Mabuhay ang Gigmotenos!!!Pigbagyo pano ang paroy kaya medyo tuog man ang Maparoy Dancers. Next time baad and wave movement nila kasing gayon ng paroy sa ihip ng hangin Amihan may epekto pa pano si Pepeng at Ondoy.
People choice award
Ibg sbhin nagustuhan ning mga audience,Maurag man tlga so nag practice...c Sir Johnrey Manlangit..mabuhay kmu
" C Bulod pasiring sa ilaya "