Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo,madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kasi pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan. Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.
Akala nila mayaman kana kasi may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America
maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America .
Akala nila masarap ang buhay dito sa America . Ang totoo, puro ka trabaho kasi pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit
card, ilaw, tubig, telepono, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kasi busy din sila
maghanap buhay pangbayad ng bills nila.
Akala nila masaya ka kasi nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland , Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba
pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa ticket.
Akala nila malaki na ang kinikita mo kasi dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pag pinalit mo ng peso, pero
dolyar din ang gastos mo sa America . Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , $1.50+ tax ang isang pakete ng sigarilyo sa Pilipinas P40.00, sa
America $ 6.50, ang renta mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++.
Akala nila buhay milyonaryo ka na kasi ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo, milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang
bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo. Nagka-asawa at nagka-apo ka na, may hinuhulugan ka pa ring utang.
Madaming naghahangad na makarating sa America . Lalo na ang mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
din sa ibang bansa katulad ng America .
Hindi ibig sabihin dolyar na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa. Kailangan mong kumilos at kumita upang mabuhay sa araw-araw. Matitikman mo lang ng buo ang iyong naipon sa pagreretiro kung ikaw ay edad 65-70 na.
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot
ang pera dito o pinipitas. Hindi ako
naninira ng pangarap, gusto ko lang
buksan ang bintana ng katotohanan
ISIP ISIP: Kahit saan mahirap ang buhay. Ang kaibahan ng buhay dito sa Amerika at sa Pilipinas, dito sa America , makikita mo ang pinaghirapan mo, maa-enjoy mo ang pinagbanatan mo ng buto. Sa Pilipinas, lasag na ang buto mo, naghahabol ka pa din ng jeep o FX para makarating sa trabaho na dapat sana ay siyang magbibigay sa iyo ng kakayanan para guminhawa ang buhay. Dito sa America kahit karaniwang manggagawa, nakaka-utang ng milyon. Sa atin, "white collar" job ka na hirap ka pang makautang sa tindahan sa kanto nang kahit isang kilong bigas (dahil sila man ay kailangan din ng cash). Saan ka lulugar?
Ikaw naman kasi eh...
kasi..
nagpadala ka ng picture na naka pang winter ka't may-snow..
kasi..
nagpadala ka ng picture posing ka sa may magarang kotse..
kasi..
english ka ng english ka ng umuwi ka..
kasi..
paparty ka ng paparty ng umuwi ka..
eto gawin mo pag uwi mo:
mangutang ka ng mangutang..
pumorma ka ng gaya ng ordinaryong tao sa lugar nyu..
gin and inumin mo hindi beer..
pag may nagtanong kung kelan ka pa dumating, sabihin mo, magdadalawang buwan ka na sa pinas at naghahanap ka ng mauutangan ngayong araw..
...
..
.
Tingnan mo ang magiging epekto
sa susunod na mga araw.
Babu!
Bahala nang magkautang -utang
Basta SIKAT! Tate yata yan. mahirap din naman sa Pinas eh. basta pag namatay sila sa US, ipapadala na lang sa Pinas ang labi. Sementeryo din ang punta ng lahat.Kahit sa bundok mahirap din kasi ang buhay... saan na lang ba maganda tumira?
Dito po da best sa Isla
Bakit po kasi merika pa napiling puntahan ng mga kababayan natin. Samantalang dito sa atin sa Isla ay da best manirahan.
Kotse??? ano yun? dito motor bike lang magagalugad mo na ang isla. Yung nililigawan ko nga po ay 50 kilometro ang layo dito sa Virac, napupuntahan ko po araw araw upang makita man lang bubong ng bahay nila.
Magaan po buhay dito, basta may empi light --- gawin mong light - okay na ang saya pakatapos ng orasyun sa angelus.
Daming Pera?? kailangan ba yun? kung di gahaman sa pera ang tao, dito sa Isla ay paraiso na po.
Edukasyon??? Ang Estit Kaleds po napakataas ng standard. Pangkaraniwan na po ang mag top sa mga board exam at 100 passing rate record ng mga gradwets. Tig dadalawa piso sa dami ng mga topnotchers. Ohhh ano haaa??? kaya ba nila yan?
Sariwang isda, laman dagat, karneng kalabaw, tuba, gin, mga kababata, mga kamag anak, narito po sa isla. Sweet memories di na kailangan balik balikan dahil di naman po iniwanan eh.
Merika??? wala yan! panis po dyan. ang yayabang pa ng mga pinoy dyan. sila sila madalas magyabangan, pataasan ng ere, suma total wala din. maganda lang po dyan magbakasyon. Huwag lang po titigil ng matagal sa isang kamag anak. Kailangan pa lipat lipat baka pagdabogan ka kung tatagal po kayo.
Minsan nga po sa isang fast food dyan sa west covina, may mga pinoy na nagyayabangan. kwento ng isa super big time daw sila sa Pinas, malawak lupain, dami negosyo at maimpluwnesiya pamlya. Tinanong po sya nung isa .... ganun naman pala eh bakit narito ka sa merika? SAPUL!
DA BEST PO DITO SA ISLA. WALA NG IBA
Balik na tayo sa ISLA!
Habang di pa tayo gurang! ha ha ha Da BEST TALAGA ANG Catanduanes..kahit walang Jollibee! Masarap naman ang kamote. Sa Payo sa amin miss ko na ang kamoteng kahoy, saging na saba o KALIBO na nilaga lang, Di naman kasi dapat komplikado ang buhay eh. Teka ha...