BLACKOUT, RADAR FAILURE SA NAIA SABOTAHE?

kawor's picture

(Bernard Taguinod/Eralyn Prado/Rose Miranda)

Sisilipin ng Kamara ang umano’y away sa loob ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), dating Air Transportation Office (ATO) dahil sa pag-aagawan ng mga posisyon na malalaki ang sahod, sa nangyaring blackout sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan nasira din ang radar system na naging dahilan para ma¬pahiya ang Pilipinas sa buong mundo partikular na sa usapin ng aviation.

Kahapon ay inatasan ni House Speaker Prospero Nograles ang CAAP na magpaliwag agad sa Special Oversight committee on civil aviation authority of the Philippines hinggil blackout sa nasabing pali¬paran na naging dahilan para ma-stranded ang l¬ibu-libong pasahero at hindi nakalapag at nakaalis ang mga eroplano patungo sa iba’t ibang bahagi ng mundo at bansa.

Sinabi ng mambabatas na bago pa man nangyari ang nasabing insidente kamakalawa, marami na itong natatangap na reklamo hinggil sa banggaan ng mga opisyales at empleyado ng CAAP.

Kasabay nito, nilinaw kahapon ng ng Manila Electric Company (Meralco) na hindi malawakang blackout o pagkawala ng supply ng Meralco circuit ang nangyari sa NAIA nitong Linggo kundi isang internal technical problem na nakaka¬apekto sa communication system ng paliparan.

Sa isang press statement, sinabi ni Ricardo Buencamino, Executive Vice President at head ng Meralco’s Networks group na ang supply ng kanilang kuryente sa Sunvalley circuit na siyang nagbibigay serbisyo sa radar station ng NAIA gayundin ang Mali¬bay circuit na nagseserbisyo sa air traffic control tower kamakalawa ay normal naman at hindi nagkaroon ng anumang power disruptions.

Habang ang circuit naman umano nila mula sa Parañaque substation na nagbibigay serbisyo sa NAIA terminal 1 and 2 bagama’t nagkaroon ng kaunting power disruption ngunit agad rin naman itong naibalik ilang segundo lamang ang nakalipas.

Kaugnay nito, nagalit ang Malacañang sa nangyaring radar breakdown sa NAIA kamaka¬lawa kung kaya bukas sila sa posibilidad na magtanggal ng mga airport authorities base sa magiging resulta ng isinasagawang im-bestigasyon.

Sinabi ni Deputy Presi¬dential Spokesman A¬nthony Golez na kung may kapabayaan sa nangyari ay hindi sila mangingimi na patawan ng kaukulang parusa ang sinumang mapapatunayang nagpabaya sa tungkulin dahil ang nangyari umano ay mala¬king perhuwisyon hindi lamang sa mga pasahero kundi may malawak din umano itong epekto sa turismo at seguridad ng bansa.

Kaugnay nito ay pinagsusumite ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang airport authorities at Civil Aeronautics Admi¬nistration ng official report sa insidente sa lalong mada¬ling-panahon upang maka¬gawa umano ng aksyon ang Office of the President upang hindi na maulit ang nasabing insidente sa hina¬harap.

NAIA Airport

Kung sa security ang pag uusapan safe tayo diyan kasi todo bantay ang mga aviation securities natin. Maliban na lang kung may nakagawa diyan sa loob ay mismong mga nasa loob niyan ang makikipagsabuwatan o ang tinatawag nating inside job. Kung power failure mas lalong di ako naniniwala maraming station yan na puwedeng magbigay kaagad ng power maliban din sa mga back up ng generators at mga batteries. Kahit pa nga di gumana ang buong airports ay may natitira pa tayong 2 option para makalapag at makalipad ang mga eroplano natin. Maaring sabotahe ang nangyari diyan sa loob o sabwatan mismo ng mga empleyado. Di rin naman pwedeng sabay-sabay na mag failure ang radar na siyang nagmomonitor sa outgoing/incoming plane. Bakit kinakailangan nating magpadivert ng mga biyahe kung ang radar lang ang nasira. Buo naman ang paliparan at wala namang banta ng terorista. Pakiliwanag nga to CAAP at ATO?

Pag gusto maraming paraan. Pag ayaw marami dahilan..

Sabotage?

Kung sabotahe ang total shutdown ng airport ay napakalaking issue ito dahilan sa malaking breach in security ito sa ating paliparan at aviation. Paano nangyari ito na sa kaloob-looban ng paliparan ang mga kagamitang apparatus para sa operasyon ng control tower at radar ang nadisable? Nagkaroon bang access dito ang mga taong di authorisado sa area na ito? Ano ba ang safeguards nila sa mga restricted areas ng paliparan? Pero hindi nakakapagtaka iyong ZTE NBN whistle blower nga na kidnap sa sanitized area ng airport.