Batuhan ng issue nina Santiago at Cua, mas lalong umiinit PDF Print E-mail
Virac, Catanduanes – Batuhan ng maiinit na isyu ang naging hudyat sa pagsisimula ng campaign sorties nina incumbent Governor Joseph C. Cua at gubernatorial candidate Joseph Santiago sa Plaza Rizal ng Virac.
Sa proclamation rally noong Marso 27, ginunita ni gobernador Cua ang maraming alaala ng Plaza Rizal.
Ayon sa kanya, sa lugar na iyon nabuo ang pagsasama nila ni Congressman Joseph Santiago sa pulitika at bilang magkaibigan. Sa lugar na iyon din umano ipinahayag ni Santiago na hindi nito lalabanan si Cua sa pagka-gobernador. Ngunit sa lugar ding iyon narinig ng taumbayan ang umano'y pambabatikos sa kanya ng kongresista at deklarasyon ng political war.
Naging emosyunal si Cua habang inilalahad sa pamamagitan ng powerpoint ang tila sine na mga clippings ng samahan nila ni Santiago. Kasabay ang tunog ng kanyang campaign jingle ipinakita sa powerpoint ang 53 punong barangay ng Virac na isa-isang nagpahayag ng suporta sa gobernador.
Ayon kay Cua, masyado umanong naantig ang kanyang kalooban sa presensya ng mga Punong Barangay.
Binigyang diin sa talumpati ng gobernador ang umano'y utang na loob na maituturing at ang pagkapanalo nila ni Santiago sa 2007 elections. Inungkat din nito na naging taksil umano sa usapan ang solon nang ipangako nito na siya ang dadalhin. Bagaman nangyari umanong manalo sila ngunit sa dalawang bayan lamang at hindi sa buong lalawigan naging overwhelming ang resulta.
Itinanggi ni Cua ang isyu tungkol sa business monopoly. Lahat umanong uri ng negosyo sa Catanduanes ay may ka-kompetensya.
Bilang isang negosyante, sinabi nito na may sarili umano siyang pera para matustusan ang kanyang pamilya, ngunit si Santiago ay ipinanganak umano na hindi mayaman, may iisang total gas station lamang sa Maynila.
Isa umanong insider ang nagsabi sa kanya na sa kasalukuyan ay may hawak itong salaping umaabot sa 500-M. 200-M na siyang inilaan upang gastusin ng kongresista sa halalan.
"At this point I would like to make an appeal para sa gabos, akoon nyo ang kwarta because that is people's money," ayon sa gobernador.
Sa kabilang dako, sa proclamation rally noong Lunes, Marso 29, inihain ni Santiago sa publiko ang isa ring powerpoint presentation na pinamagatang PLUNDER IN CATANDUANES.
Unang item ay ang dokumentadong paglalahad tungkol sa umano'y nangyaring magnetite mining sa bayan ng Bagamanoc.
Ginamit sa presentation ang programang Bandila ni Korina Sanchez at ang pagsisikap ng Bandila Team na kilalanin ang mga taong nasa likod ng Shun Fong. Sa dokumentong nakalap ng congressional office, lumitaw ang pagkakaugnay ng pamilya Cua sa mining. Isang Peter Cua ang may naka-pending na application for mining sa Sorsogon. Ayon sa kongresman, maaring gumagamit lamang ng dummies ang pamilya Cua.
Over-fishing of crablets through crab center ang sumunod na isyu. Masyado umanong kinakawawa ang maliliit na crab farmers sa northern part ng probinsya. Binibili umano ng crab center ang mga crablets at ang center naman ang nagpapalabas nito sa iba't-ibang lalawigan.
Iniugnay rin kay Cua ang rampant illegal logging sa loob ng 3 years. Sa administrasyon umano nito, tinatayang nadoble ng limang ulit ang iligal na pagpuputol at pagpupuslit ng mga kahoy.
Hiningi ng solon ang kapatawaran ng publiko dahil nagkamali umano siya sa pag-endorso sa incumbent governor (Cua) noong nakaraang halalan.
"I am tired in politics, but I cannot stand idly by watching Catanduanes being rubbished and raped. Kung arog caini an lider na sacong huhubunan nin poder mabuwelta ta mabuwelta si Cong. Santiago," pagtatapos ng solon.
Recent comments
1 day 9 hours ago
1 week 3 days ago
1 week 6 days ago
1 week 6 days ago
2 weeks 2 days ago
2 weeks 6 days ago
3 weeks 1 day ago
3 weeks 1 day ago
3 weeks 6 days ago
5 weeks 22 hours ago