Ang Mina at ang Kalikasan
SHANE RAE S. PRIMAVERA
12 years old
Belmonte, San Andres, Catanduanes
San Andres Central Elementary School
Coach/Guardian: Armen Somido
Tayo ay rinegaluhan ng Diyos ng isang paraiso, ang kalikasan. Kaya kailangan natin itong ingatan, pangalagaan at pagyamanin. Sabi nga ng iba, “Ang pagtatanim ng puno at ang pangangalaga ng ibang likas na yaman ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapaligiran, isa sa mga tungkulin ng mamamayan.” Gaya ng iba, ang Catanduanes ay inihandog sa atin nga Maykapal kung kaya’t kailangan natin itong panatilihin. Nagawa na ito n gating mga ninuno kaya magagawa natin ito ngayon. Ngunit paano kaya natin mapapanatili ang likas na kagandahan ng Catanduanes ayon sa pangarap ng bawat Catandunganon?
Isang magiting na manunulat si Gariel Garcia Marquez ng Columbia ang nagwika, “May pagkakataon pa at pag-asa ang ating mundo upang muling ibalik ang likas na kagandahan at kasiglahan nito. Kung nasaan ang binigay sa kadiliman ay mapapalitan ng liwanag. Ang karahasan ay mapapalitan ng kapayapaan at pagkakaisa at ang mamamayan ay magtatamasa ng minimithing kasaganaan at kaunlaran sa anumang larangan.
Ang Catanduanes ay mistulang isang paraiso dahil sa likas na kagandahan nito. Ngunit lahat nang ito ay mawawala kung tayo ay magiging pabaya at kung hindi natin iisipin ang kahalagahan n gating kalikasan. Kalian lang ng pagmimina sa ating lalawigan. Ngunit ang pagmiminang ito ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng ating kalikasan. Kailangan nating isaisip na ang yamang mineral ay hindi mapapalitan kaya kailangan natin itong gamitin ng maayos at sa mabuting paraan. Ngunit hindi naman ibig-sabihin ay hindi na natin ito gagamitin kundi ay gamitin lamang kung mapapakinabangan ng maraming nangangailangan.
Tayong mga mamamayan ay may magagawa upang mapanatili ang binigay sa atin ng May Likha. Isa na diyan ay ang “3Rs” o “Reduce, Reuse and Recycle”. Reduce o ang ibig sabihin ay pagbabawas ng pagtapon ng basura. Isang halimbawa nito ay kung gagamitin natin muli an gating mga gamit na mapakikinabangan pa at kung tayo ay mag-raracycle, mababawasan ang mga basurang tinatapon natin. Reuse naman o ang ibig sabihin ay paggamit muli. Isang halimbawa nito ay ang mga bagay-bagay na ginagamit natin sa pang-araw-araw. Kung maari pa natin itong gamitin, huwag na muna natin itong itapon dahil kung gagawin natin ito, mababawasan na ang mga basurang itinatapon natin, mababawasan pa ang gastos natin sa pang-araw-araw at Recycle o ang ibig sabihin ay paggamit muli ng patapong bagay sa paggawa ng panibagong kagamitan.
Isa pa sa mga magagawa natin ay ang “segregation” o paghihiwalay ng nabubulok sa di nabubulok na basura. Sa pamamagitan nito, mas madali nating maisasaalang-alang ang 3Rs. Ang di-nabubulok na basura ay maaari nating i-recycle at ang nabubulok na basura naman ay gagawin pataba upang mas maging maayos at maganda ang tubo ng mga pananim. Marami pa tayong ibang magagawa upang mapangalagaan ang ating kakalikasan.
May mga ahensya din ng pamahalaan na tumutulong upang maging mas matagumpay ang pagpapanatili natin sa kagandahan n gating kapaligiran. Ang DENR o Department of Environment and Natural Resources ang nangangasiwa o nangangalaga sa ating kalikasan. Ang BFD naman ay nangangalaga sa teritoryong kagubatan n gating lalawigan. Ang BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay nangangalaga sa yamang tubig na makikita sa ating lalalwigan. At higit sa lahat, ang BMG o bureau o Mines and Geosciences na nangangalaga sa yamang mineral ng lalawigan. Ang lahat ng ito ay nakatutulong upang mapangalagaan at mapanatili ang ating kalikasan sa kanyang mabuting kinalalagyan.
Kapag patuloy tayong nagging pabaya, maaaring mangyari sa ating lalawigan ang nangyayari sa ibang lugar ngayon. At habang hindi pa huli ang lahat, kailangan ay magawa natin ang mga bagay-bagay na makabubuti sa ating kalikasan. Mahalaga ring matandaan natin ang kahalagahan ng yamang mineral. Ang kailangan lamang nating bawin ay tandaan ang mga katagang “NO-TO-MINING! SAVE ENVIRONMENT! SAVE CATANDUANES!
Note: Essay is composed of 604 words, way above the allowed maximum of 500 words.
@ sir dave
Baga gagurang na talaga tabi kamo. Yung edad nin bata dili ako maniwara na ang edad ay 2 yrs old lamang aram ko mali sana ang butang pakiklaro lamang. Mabalos po tabi.
A man Voyager
@amanlayog
Ikaw na amanlayog ka, pwede man na ihari-hari ikurahaw pa man na gagurang na kita! Yae pagpakita sa ako ta sisigyapoton taka to....
Pero salamat sa pag pagilomdom ninyo idad kong 12!
Dave
Si sir Dave talaga
Si sir dave talaga lalong pigapadayaw yung pagkagurang. Pano man daw ako masisigyapot e galupad ako hehehe. Maghanda ka na sana nin bandara na panligot ta baad magtugpo ako diyan sa hagotan mo.
A man Voyager