1st Runner Up, Essay Writing Contest - Secondary: Entry #1

Dave's picture

“Ang Mina At Ang Ating Kalikasan”
SUZANNE S. VERGARA

15 years old
Tubli, Caramoran, Catanduanes
Tubli National High School
Coach: Jesusa San Juan

“Ang kapaligiran ay para sa tao at ang tao ay para sa kapaligiran” – isang makatotohanang pahayag na nagpapahiwatig at nagpapaalaala na ang mga tao ay may tungkulin sa kanyang kapaligiran. Kapaligiran”- isang makatotohanang pahayag na nagpapahiwatig at nagpapaala-ala na ang tao ay may tungkulin sa kanyang kapaligiran. Kapaligiran – isang yamang kaloob ng Maykapal na dapat nating pangalagaan gaya ng pagmamahal na inuukol natin sa ating sarili.

Ang ating lalawigan ay sagana sa likas na yaman. Mabibilang dito ang kagubatan na katatagpuan ng iba’t ibang klaseng punongkahoy, sari saring ibon at iba’t ibang magagandang tanawin na umaakit sa mga mata ng mga dayuhan. Biniyayaan din tayo ng maberdeng kabundukan at malinaw na karagatan. Ngunit masakit mang isipin ang ating paraiso ay unti-unti nang naglalaho dahil sa walang pakundangan at maling paggamit ng kalikasan dahil sa sarili nating kapakinabangan.

Ang walang pakundangang pag-aabuso sa ating kapaligiran ay ang dahilan kung anumang kalamidad ang nananalasa sa atin ngayon. Nandiyan na ang walang humpay na pagtatapon ng basura kung saan saan, pagtotroso, paggamit ng dinamita sa pangingisda at ang pinakamatinding suliranin ng ating probinsya ay ang pagmimina. Masasabing ito ang salot na sisira at gugupo sa ating islang pinakamamahal. Ngunit ang salot ay maaaring masugpo, walang dahilan para sumuko.

Kung tutuusin, marami nang binalangkas at inaprubahang batas para masugpo ang mga baluktot na gawaing ito ngunit tila ba isang tuksong di-mapigil pigil ang mapanirang gawaing ito. Ngunit huli na ba ang lahat? Panahon na para sa pagbabago. Magkaisa tayo!

Bilang isang mag-aaral, ano ba ang dapat nating gawin para makamit ang inaasam nating pagbabago? Magkapit-kamay tayo para sa hinahangad nating pagbabago. Bigyan nating pansin ang mga salot na ito. Magkaroon tayo ng sapat na kaalaman sa pagpapaunlad ng ating kapaligiran. Makibahagi tayo sa iba’t ibang proyekto at institusyon na mahigpit na tumutuligsa sa gawaing ito. Bilang isang kabataan, tumulong tayo kahit sa isang munting paraan.

Hindi makatarungang ipagkibit-balikat na lang natin ito. Kailangang kumilos na tayo!

Nasa kamay natin ngayon ang inaasam nating pagbabago. Pangalagaan at protektahan natin ang ating kalikasan. Isipin natin ang darating na panahon. Bigyan nating pagkakataon na malasap ng susunod na henerasyon ang kagandahan ng ating kalikasan.

Nakasalalay sa ating mga kamay ang pangangalaga sa ating pinakamamahal na tirahan: ang islang Catandungan.

wowwwww

lindzeubranunez hello!
congrats......
"zuzanne vergara"(my pamangkin sa tuhod)
buda sa coach." ma'am" ....manay susan....(my tiya)
neo asa high school pa ako, perming piga taram ning among principal
sarong "urgolio" nanaman ning atong eskwelahan....
ask kolang poh kong anong tataramon ang urgolio sir!
"TUBLI NATIONAL HIGH SCHOOL" ...URAGON...

urgulio

nonoytukawsabato's picture

hi lindz, kung dai ako nasasala ang boot sabihon nin urgulio garo "pride" ang boot sabihon.Hararom na marhay yang urgulio na pwedeng kumbinasyon nin pride,honor boda happiness.