1st Runner Up, Essay Writing Contest - Elementary: Entry #2

Dave's picture

“Pagtutol sa Pagmimina”
KORINE CARMELA P. GUALBERTO

11 years old
292 Eastern Cavinitan, Virac, Catanduanes
Catanduanes State Colleges Laboratory Schools
Coach/Guardian: Rosemary Gualberto

Narining mo na ba ang salitang “pagmimina”? Alam mo ba ang ibig sabihin nito? Ano ang mga mabuti at di-mabuting naidudulot nito sa atin at sa kalikasan? Kung hindi mo alam ang mga kasagutan, samahan mo ako sa aking pagsusulat ayon sa aking kaalaman na tungkol sa pagmimina.

Ang pagmimina ay isang Gawain na ginagawa sa kagubatan na kung saan ay kinukuha ang mineral ng lupa na lubos na nakakasira sa ating kapaligiran. Ang mga mineral na maaaring makuha ay ginto, tanso, pilak, tingga, copper, zinc at nickel.

Marami ang mga di-mabuting naidudulot sa atin at sa kapaligiran. Una, madaling maagnas ang lupa sapagkat wala na itong mineral. Panglawa, ang mga basurang kemikal ay nakalason sa mga tao, hayop at halaman. Pangatlo, ang mga ibang halaman ay kanilang tinatanggal para walang halaman na kukuha ng mineral na kanilang kukunin. Pangapat , nababawasan ang mga lugar na pwede ng taniman. Panglima, kapag bumagyo kumakalat ang nakakalasong kemikal sa lawa, dagat, ilog at kung saan-saan pa.

Meron ding mga mabubuting naidudulot ito. Una, nagbabayad ng buwis ang namamahala ng isang minahan at nagiging dagdag kita ng gobyerno na ipinagagawa ng mga istraktura tulad ng tulay, kalsada, parke, paaralan at iba pa. Pangalawa, nabibigyan ng trabaho ang ibang mga tao para ipangsuporta sa kani-kanilang pamilya. Ngunit hindi mababayaran ng anumang salapi an gating kalikasan.

Sa aking pagsasaliksik, marami ng minahan ang nagtatagumpay sa unang sampung taon. Ngunit kalaonan sumasara lang naman. Ang iba nama’y nagpapatuloy ngunit delubyo ang dala. Tulad ng nangyari sa Marinduque. Kumitil ito ng napakaraming buhay at sumira ng mga kabundukan.

Sa aking nabangit sa itaas ipinapahiwatig ko ang malaking pagtutol sa pagmimina. Alagaan natin ang kalikasan. Huwag nating abusuhin. Dahil gumaganti ito at pwedeng buhay natin ang kunin. Ating tutulan ang pagmimina. Sagipin ang kalikasan.

Note: Essay is composed of 296 words, way below the allowed minimum of 300 words.