flashback

Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN...

Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang;
10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a:
Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.
Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana;
Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;
Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak...
Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep na Willy's noon.
Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong, "sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan) ; sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.
Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.
Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)
May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo;
Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.
Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology.. . di ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw!
Sana pwedeng maibalik...
Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob...
Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara.. . Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo...
Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...
Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.
Noong wala pang mga drugs at malls.
Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.
Tayo noon... Doon ...
Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan;
Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa
"Mga Aninong Gumagalaw"
Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na
kabisado natin, kasi wala namang calculator.
Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama ;
Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae;
Inaasbaran ng mga suberbiyo;
Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.
Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton
sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?
Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?
Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;
Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ang lukaok, susuwi at espada?
Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata...
Estigo santo kapag nagmamano.
Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at sa "kapre";
Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!
Yung crush mo?
Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay -alembong, taeng-kabayo o biscocho?
Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel;
Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba,
mas masaya kung inuyat;
Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos
na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.
Madami pa...
Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas
sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin...
Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.
Lipstick mo ay papel de hapon;
Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;
Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan...
May mga program kapag Lunes sa paaralan;
May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.
Di ba masaya? Naalala mo pa ba?
Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon...
Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon...
Di ba noon...
Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito?
Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"...
Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten...
Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;
Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.
Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit na Royco.
Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa
KAPAYAPAAN!
Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!

Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas, ibig sabihin lang niyan ay.......... ...
MATANDA ka na! he he he... pero kung hindi ka maka-relate, padala mo na lang sa akala mo ay kapanahunan nya ito para maalala din niya at mangiti rin siya.

this was sent oto me by one

this was sent oto me by one of my fraternity brod....napungaw ako ninyo mabasa ko to...naiisip ko na mas magayon pa paran ung buhay ninyon...simple lang ang mga kaogmahan pero kuntentado yang mga taho...ano daw ma eksperyesyahan pa daw to nin mga kabataan ninto?

ninyon pati looking forward sa baraylehan sa kalsada..ga kudar lang nin sasa buda mapamada....masupasupa nin juicy fruit o gaogom nin snow bear...

HAHAHAHA!!!

anne d. merioles's picture

habang binabasa ko yung mga naisulat mo kuya... natawa tlaga ako promiz...!!! mabuti nalang solo na lang ako d2 s ofiz kung hndi mapagkakamalan akong eng-eng... hehehehe!!!!

26 years old palang ako ... at gaya nga ng nasabi mo... gusto ko ding i-share ung mga karanasan ko.. nung kabataan ko ...

f l a s h b a c k ..........................................

uso pa nuon ang dasal sa mga chapel sa simbahan... pag dae kang darang plastick... yo bado mo okay na para butangan ning mga sopas, utap, ibos etc. hehehe!!!

pag walang pera parents ko nuon.. pang lagay ko pang exchange gift ay baltik o aiza na ikan picture ni aiza na masarig ang uro....hahahaha!!!

pag mi kami piga tugutan nina papa na magbarag-barag.. maagi kami nin pugto ko sa bintana.. mina lukso ngani kami....

kan kami kadigi pa...pag mabakasyon kami kina lola tapos mi na kabakar ning isda si lolo.. okay na sa amo yo taw-yo na ikan kalamansi.. wow!! siram...

uso kaidto ang palabas sa betamax sabi ning pinsan ko ... "matan-aw kita ning sine sa banggi" mahagad na kami ning sintimos ki lola para makapanuod nin pelikula...

pag gusto namo magkaikan nin kwarta nin mga pinsan ko maparpag kami nin sugbo nganing maipabakar nimi....

pag tapos na ang bakasyon... pabaron ni lola alkansiya - dawhang masarig na pulbo na puno nin sentimos

simple lang ang buhay nuon... kahit simple pero masaya.. ala kang problema d katulad ngayon nagssweldo ka nga naman ng malaki pero halos parang kulang pa dahil sa credit card... loan sa bangko.. bayad sa linya sa cellphone.. bayad sa internet....shopping sa mall... tsk..tsk..tsk... sobrang higpit ng competition.. tsk...tsk..tsk...

flashback......

Milms's picture

***Noong wala pang ATM Machine sa Virac wala kang makikitang mahabang pila sa labas ng mga banko.........ngayon pagkahaba-haba ng pila na puro nakabilad sa araw dahil magwiwithdraw lang sa ATM machine na palagi namang offline...........
Reminders to all who are planning to have a vacation in Catanduanes: Magpasiguro na po kamo nin imo niyo.....dai niyo na pag-asahan na mag-withdraw thru ATM sa Virac ta maaabala lang po kayo. Lalo na po sa ngayon na madalas na ng brown-out sa atin...........

***Before we used to ride on a bike kung pupunta kung saan...ngayon uso na doon ang "butterfly"(motor)....................at ito pa ang masaklap..........karamihan sa mga drivers daing mga drivers license............

***Dati doon sa amin pagsumali ka sa Amateur singing contest magpapa-audition ka muna sa gitarista bago ka kakanta sa entablado but now dai na uso ang gitara........mga CD na ang gamit kan mga contestant................

***Dati after the wedding ceremony sasabihon kan Padi sa groom: "You may now kiss the bride".............pilang beses akong naging principal sponsor sa wedding.............ni saro dai lamang sa mga Padi ang nagsabi kaan. Dai na daw an uso ngonian?

***Sa amin uso pa rin ang padasal at uso pa rin ang pagtandan sa mga gadasal. Na-experience ko pa ito last month pa sana. Meron kasing novena sa amin every night before mag-fiesta. Since malapit kami sa church...pagmag rimate na ngani ang kampanaryo.........gamu gamo na ang 2 kong aki ta gusto nang mag iba sa prusisyon dahil naumok sindang grabe magpatandan...he he he he. Dai pan o kaan uya sa Germany. Malla pigasundan pa pati kan aki kong 1 yr & 9 months so gatao nin tandan ta pigagawgaw so saiyang sumbrero para lang panoon ning tandan....ha ha ha ha ha
***But I had observed na pati yong mga sitsirya like boy bawang, chips, sitaron piga tandan na ngonian unlike before mga ginalpong pang suman, pinoronan, saka mga galyitas.......

***Dati paggailinuman ang barkada adyan na man ang gitarista...ngonian......MAGIC MIC ang uso.......he he he he

***Sa inuman naman dati ang uso GIN.............ngonian MATADOR..............

***Sa mga larong pambata naman:
Dati uso pa ang larong Dyolen, so gapa-shoot sa butas sa lupa.....ngayon di na raw uso un....ang uso na ngayon ay yong tatsi ning dyolen........he he he he

***Dai na ako ning naheling na aki na gakawat nin bingkay, ilinter, tumbang preso..........ang uso ngayon sa mga bata gameboy at games sa computer or cellphone.

***Pero uso pa man ngonian ang pabayle sa plaza pati ang nakidayo sa ibang lugar. Malla pati sa San Vicente, Virac naabot mi nin pakibayle...............maski maullan sige........he he he he

***at ang walang sawang mag-ulam ng piniritong "langkoy"(espada fish) every breakfast..............uhhhhm SARAP!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Uso pa man an ngonian....

Sarap talaga ang simpleng buhay sa Catanduanes!

Ting Sorreda-Funke

http://www.philippinischer-kulturkreis.de
http://www.friendster.com/tingsorreda

maorag

shog's picture

sa tanaw ko c fireman asa otsenta nato....hehehehe... pero maorag yang pag ka tirada mo ning flashback ha....
ikan pa yan dyan sado.. pag abot ning mayo boda ma santacruzan na...kinaniyang aragawan yan pagdara ninyo krus boda dawhang bituon na asa inotan.. tapos pag manartag na ning painuman.. ung mga tortaringa boda bordigos.... inanong aragawan... pagkatapos pag ikan kinasar mangga pakikaon, sa arakoak ning saging ang igagibong plato. pag paribod ikan pang potos na dara.....

yan ang mga magayon na barikan kutana hehehehehe

nougat

bahi's picture

may alam akong nabibilihan pa nang nougat. sa quiapo sa mga chinese na maliliit na tindahan.

bida ka fireman. galeng! naubusan ako nang ideya para magsulat. naikuwento mo na lahat. hehehe.

gumagapang ang liriko. isa isang hinahabi ang masasayang sandali ng nakaraan.

keep the fire burning!

flashback

sadong malinaw n pagkakaiba ninyon sa ninto,hantong pagahurutaan nato dito.arasman ta man ninyon kun baga maka kuninto kita sa internet.pero mas gusto ko man siempre u ninyon,simple sna ang buhay.ninto,sbi ngani, "it's complicated." hehe!

2 parasira

anne d. merioles's picture

"its complicated" pang frndztr po hehehe...

iyo po .... grabe na po ka kumplikado ang buhay ngunyan compared kaedto...

grabe naman pati ang competition.... sori ka kng paluway-luway ka... mahuhuri kang tlaga...

kurumustahan

paz's picture

Ninyo mga panahon kami ga ireskwela pa sa elementary, mahanap kami nin burilan ta piga banli nin papel. Bago mag luwas nin classroom piga kontrata na yo kaklase ta ma sipa nin lastiko. Pag kadakor ka nin lastiko status symbol na yon. Pwede ka ng magyabang na ikaw an ganador sa sipa. piga bariog pati sa liog boda ga panaw panaw sa tinampo ta ga hanap naman nin ka paninyaw.