Minsan tinatanong ko sarili ko kung bakit iniisip ng maraming tao na papala sila ng pera sa call center at BPO. Siguro nakakalula ang sweldo lalu na kapag nanggaling ka sa minimum wage o pag kailangan talaga ng pamilya mo ang pera. Pero kung iisipin mo, ganun din naman. Kasi sa call center at BPO malaki ang sakripisyo mo sa kalusugan...di maiiwasang mag-graveyard shift ka o halos matulog na sa opisina pag may deadline ang kliyente. Lumalabas na ang extrang pera mo e para sa pa-ospital mo. Bukod dito, underemployed ka pa dahil talaga namang malayo ang pagiging taga-sagot ng telepono sa pagiging lisensiyadong accountant, engineer, o kaya naman nurse. Nakakatawang isiping nasasabi ko ito sa isang public forum na ganito gayong isa ako sa libo-libong BPO employee sa Pilipinas. Nakita ko kasi yung article sa Catanduanes Tribune na sinasabing maraming taga sa atin ang pwede pumasok sa BPO (http://www.catanduanestribune.com/Apr-25-2007/TopStory/Detail.aspx?newsI...). Nalungkot ako. Kasi maraming call center ang unti-unti nang lumilipat ang focus...inaayos na nga maraming kumpanya ang kanilang mga website para maging mas kapaki-pakinabang sa kanilang mga customer. Pag dumami ang mga kumpanyang pupunta sa ganung direksiyon, maraming pinoy ang mawawlan ng trabaho. Pagkatapos nun, saan na sila pupulutin?
Dapat lawakan natin ang ating mga isipan sa bagong ideya at imahinasyon. Dapat kung nagpaplano tayo (on our own) ngayon ng 5 years, dapat ang plano ng gubyerno, including local govt officials, is 25 years. Iniisip ko, sa dami ng pwedeng gawin sa probinsiya natin e ang pagiging call center agent ay secondary lang dapat sa isip ng maraming opisyal para tapusin ang kahirapan ng marami sa ating mga kababayan. Marami pang pwedeng pagkakitaan. Mayaman ang probinsiya sa agricultural products. Kahit bagyuhin ang probinsiya, pwede pa din nating ibangon ang sektor na ito. Madaming opportunity sa agri...ornamental fish (big hit sa china, japan at korea), aquaculture (seaweed for export to japan), kape, abaca, and other agri products na madali nating ayusin sa ating probinsiya. Bukod sa export, malaki ang shortage sa pagkain dito sa Pilipinas, ilang milyong tao ang pwedeng maging market mo pag ganun? At isa lamang yun sa mga naiisip ko. Iba pa ang pwedeng gawin pag turismo ang pinag-usapan. Mas malaking pera yan, sa totoo lang. Ang kelangan lang e ayusin ang mga programa at tigilan ang pamumulitika at pangngurakot ng ilan. Mas marami makikinabang at masmaraming giginhawa ang buhay,di lang para sa susunod na 5 taon pero higit pa.
True. Puro trapo ang asa
True. Puro trapo ang asa gobyerno. Magagaling lng kumurakot at maging accountant sa kaban ng bayan..
arizona cpa
I hope the newly elected
I hope the newly elected officials can read what the two of your said.
Dave Pogi
BPO & OFW mentality
This BPO & OFW mentality ang nakakahadlang sa pag asenso ng bansa. Kailangan ng bansa ay isang industrial/ manufacturing based industry gaya ng china , india, malaysia, korea & vietnam ( vietnam is the next tiger economy leaving behind phil.). Ang BPO & OFW industry ang nagpapasama sa kalagayan ng ekonomiya ng pilipinas dahil sa sila ang nagpapalakas ng peso vs dolyar. Ang malakas na peso ay masama sa export industry na siyang kailangan ng pilipinas para umasenso. Nagpapamahal din sa local labor ang malakas na peso at dahil dito ayaw itaas ng gobyerno ang minimum wage. Kaya huwag kayong magsaya kung sinabi ni madam president na ang palitan ng dolyar sa peso ay $1 = P25 na. Hindi ka pa rin makakabakasyon sa america dahil wala ka nang trabaho. Sabagay, pwede ka namang maging alila, gardener, tsuper, etc. sa vietnam, china o india......
GDP growth that will extend to the masses
agree ako sayo na kelangan magkaroon tayo ng mas malakas na industriyal o manufacturing sector. sa tingin ko, pag lumaki ang sektor na ito, mas mararamdaman ng maraming pilipino ang asenso. idagdag mo na din ang paglaki ng agriculture sector...karamihan pa rin ng pinoy e nasa agri. mali kasi ang perspective ng mga opisyal at mga pilipino, in general. ang piso at stock market ay mga factor lang ng GDP ng bansa...hindi sila ang nag-determine ng buo at tunay na kalagayan ng ekonomiya ng pilipinas. lalabas ngayon ang growth ng agrocultural sector. i-post ko dito kung anong report meron ang dept. of agri...kasi kung anong behavior ng agri, yun ang malamang tatahakin ng ating GDP...
ang piso...bow
maraming usap-usapang nakikialam ang bangko sentral sa halaga ng piso....binibili nila ng binibili ang dolyar para umangat ang halaga nito. kawawa talaga ang exporters. accdg to sergio ortiz luis, isang opisyal ng asosasyon ng mga exporter, P45 to $1 ang threshold nila...e paano pa kung magtuloy-tuloy itong pag-improve ng piso? e ang projection for 2007 is P46 to $1...wala na talagang kikitain ang mga exporter. isa lang naman ang dahilan kung bakit gusto nila lumakas ang piso...para makabayad ng utang ang pilipinas...para mas marami silang makubra. tsk, tsk, tsk...puro talaga walang utak minsan ang mga opisyal natin. si pgma? ekonomista pa man din pero parang walang alam. hirap kasi dahil dami siya binabayarang utag...utang na loob.
He he he... Bago pa ba yan?
He he he... Bago pa ba yan? Eto at marami na namang walang utak ang papasok sa gobierno ngayong eleksion...
Hello, Garci?
Dave Pogi