vhenj's blog

Mr. DJ

Sa tuwing nakikita ka
Puso ko ay kay saya
Anong sigla, tunay na maligaya
Ano nga bang meron ka?

Simpleng paghangang umusbong
Sa paglakad ng panahon
Ano ba itong puso ko
Kay daling nahulog saiyo

Nakahanda akong magdusa
Mapatunayan lang na mahal kita
Ang ibigin at hangaan ka
Labis na sa’king nagpapaligaya

Alam kong ika’y may pagtingin
Ngunit bilang kaibigan lang din
Ako ay maligaya na rin
Sapagkat iyong napansin

Ang dalangin ko lamang
Sa Poong may lalang
Ika’y ingatan at gabayan
Sa pagpapari mo kaibigan!

Gabay

Marami na ang lumisan
Marami na rin ang dumaan
Ngunit may isang araw
Ika’y dumating sa ‘king buhay

Sa mundong puno ng pagdaramdam
Problema ko’y sa’yo ipinaalam
Maging ang aking pangarap
Ay ipinaalam sayong lahat

Ikaw ang gumabay
Lakas ng loob sa aking buhay
Panahon man ang lumipas
Alam kong hindi ito kukupas

Buong puso akong nagpapasalamat
Sa mga tulong na natanggap
Iminulat mo ang aking mata
Upang lalo ko pa Siyang makilala

Ngayon ay nalilinawan
Ang puso ko’t isipan
Huwag madaliin ang isang bagay
Kailangan itong paghandaan

Salamat saiyo aking kaibigan

Kuya

Minsan ako’y nag-iisa
At walang makasama
May mabigat na problema
Dulot ng mapaglarong tadhana

At ikaw nga’y dumating
Sa oras na ako’y may pasanin
Ikaw ang gumabay
Upang ako’y hindi bumigay

Hindi mo ako pinabayaan
Sa oras ng aking pangangailangan
Nagsilbi kang ikaw
Sa puso kong mapanglaw

Sa maikling panahong pinagsamahan
Itinuring mo akong kaibigan
Sa hirap man at sarap
Naging gabay sa aking pangarap

Isa sa hindi ko malilimutan
Ang ating mga pinagsamahan
Mananatili tayong magkaakbay
Sa ating mahabang paglalakbay

Simpleng tulang isinulat

Syndicate content