Jerry B. de Leon's blog

OFW's (by Jerry Javier)

Jerry's Notes|Notes about Jerry|Jerry's Profile
HINDI MAYAMAN ANG MGA OFWsShare
Thursday, April 15, 2010 at 2:03am

Big size MGA KABABAYAN PLS READ, LALO SA MGA OFW...

Quote
Sa may asawa, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak na OFW.
At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa...
Nais ko rin ibahagi sa inyo, ang natanggap kong email na ito.
Maaaring makatulong ito upang lalong maintindihan ng bawa't isa ang tunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW (Isa ako sa milyun-milyong kababayan natin). Tiyak na may mapupulot tayong aral dito.

Mga Pangalan ng Lugar sa Amin

Gotgot
Higadan
Kabatuan
Sabang
Kanlinaw
Barsuan
Kipaoy
Larod
Bahod
Pailig
Sumingit
Canlibas
Litgit
Katakdamuran
Lanag
Layug
Tubotubo
Yato
Pugtangnan
Burod
Ilaya
Ilawod
Huyonhuyon
Tampongan
Quemoy
Kanlubi
Kanpungod
Bonbon

Ang Pulis

Sa aking pagmamasid at pamamalagi sa Taiwan ang pulis ang siya kong napagtuunan ng pansin. Halos araw-araw ay nakikita ko sila sa daan. Talaga naman lagi sila naka-uniporme at bihira silang may dalang baril o talaga naman na meron lang talaga silang allowed na pwede magsukbit ng baril. Karaniwang nakikita ko sa kanila ay batuta lamang at silbato. Napag alaman ko na ang batuta ay may lamang teargas na sa isang pindot lang sa buton at itinutok sa kalaban o sa masamang loob na mga sampung metro ang layo ay kayang pabagsakin at patulugin.

Pagkontrol sa Paglobo ng Populasyon

Ang bansang Taiwan ay isa sa mga umuunlad na bansa at isa sa mga dahilan ng kanilang pag unlad ay ang pagkontrol sa paglaki ng kanilang populasyon.

LUSONG ( sadong simbolo nin buhay ko)

Ang "lusong" na piga-istorya ko sadong matugas buda dakurong kahoy na pinaghurma nin baga apa yo tuho na bukong sagad hanggang ilarom. Ikan mga arho na pwedeng pantugbok sa mga babayuhon mo pwedeng paray, bagas, mga pagkaon at mga bagay na puwedeng bayuhon. Syempre buko yan kumpleto kung mii yung nigo, bithay buda mga kilaraw na loogan nin mga babayuhon lalo na kung paray.

Mga Display image

Gusto ko lang po malaman at curious ako kung bakit iyon ang napili ninyong display images at yung iba ay wala. Umpisahan ko sa akin. Ang ibig sabihin ng picture ko "kung ok kayo ok din ako" nakathumbs up. Yung iba kasi may pusa, may bulaklak, mukha nila, me paa, me nakatalikod at yung iba wala lang.

Mga Pagbabago sa Aming Baryo

Taon 1984 pagkatapos kung grumadweyt sa high school ay lumayas ako sa aming baryo para hanapin ang kapalaran sa ibang lugar. Di na kasi ako kayang papag-aralin ng nanay dahil nilayasan kami ng aming tatay at sumama sa ibang babae. Grabeng hirap at sakit din ang dinanas ko para makapagtapos ng pag-aaral ng colleges. Ang limang taong kurso ay kinuha ko ng pito dahil sa akoy nag working student lamang di ko kinahihiya dahil yun ang totoo. Nakakuha naman ako ng magandang trabaho at nakarating na rin ng ibat-ibang bansa sa pamamagitan din ng trabaho.

Keylan kaya?

Keylan kaya magkakaroon ng isang pagtitipon ang Forum na ito? Keylan ko kaya makakadaupang palad ang mga pasimuno nito lalong lalo na si sir Dave, str, cai at ang iba pa. Keylan ko kaya makikita ng mata sa mata ang mga nagagandahang gurls at ang magigiting na mga boys nitong CF? Keylan kaya?

deleons

Pansinin ninyo mga taga CF dumadami na kaming mga de leon. Di lang common ang apelyido namo kundi nakararamog na kami.

Mga Hanapbuhay

Mga hanapbuhay sa ato na dili dapat paglimutan enot : ang "Paraoma" sugna sa pagburad nin binhi, paghumog sa tubig, pagsigni sa butangan, pagkarinar nin sasabuwagan at pagsabuwag, pag arado, pagkarinar nin labo na tatanaman, pag-anas, pagtartag, pagtagdok paggibo nin pagdoronan, magpatubig, mag spray ng mga pantigbak sa kurisap at mga awot na gatubo, paghawan, paghari nin mga awot, paghurat sa pag ani, pag-asyab,paghakot nin inasyab, pagguron, pagwagwag, pagbutang sa sako, hakuton sa baray, pagparid, pagburad, pagbayo o kaya ipamolino, bagas na pwede ng iluto at pwede mong kaunon o ipabakar.

BAYBAYON (THE SON OF A BEACH)

Formatted by dave

Nakaabot na ako kung saan saan na mga lugar pero di ko makalimutan kung saan ako pinanganak lalo na ang baybayon. Sabi ng mga magulang ko dito sila nag nagligawan, nagsumpaan, bumuo ng mga pangarap at dito rin sa tabi ng baybayon itinirik ang aming bahay. Dito rin ako nabuo at nagkaisip. Natatandaan ko pa maliit pa ko paglabas ng bahay ay makikita mo agad ang lawak ng tubig dagat, ang pagsikat ng haring araw, ang isla sa harapan, sa bandang kaliwa ang mahabang baybayon papunta ng sabang at pagtingin ko sa bandang kanan makikita ang mahabang baybayon pa rin na hinahati ng maitim na buhanginan na kung tawagin sa amin ay "amargaha" bago ka makarating ng batuhang lugar na may malaking bundok.

Syndicate content