" The word of God"----- Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sa paniwalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga ito ang nagpapatotoo tungkol sa akin ngunit ayaw naman ninyong lumapit sa akin upang kayo'y magkaroon ng buhay. Jn. 5:39/40. --- Sapagkat ang salita ng Dios ay buhay at mabisa , higit na matalas kaysa alinman tabak na magkabila'y talim, Ito'y tumatagos maging sa pinaghihiwalayan ng kaluluwa at espiritu, ng kasukasuan at ng utak sa buto , at nakatataho ng mga iniisip at binabalak ng tao. Walang makapagtatago sa Diyos, ang lahat ay hayag at lantad sa kanyang paningin, at sa kanya tayo magsusulit. Heb.4:12-13. --- Lahat ng kasulata'y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa maling gawain, at sa pag akay sa matuwid na pamumuhay. Sa gayon ang lingkod ng Diyos ay magiging handa sa lahat ng mabubuting gawain. 2Tim. 3:16-17. ----- Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako tulad ng inaakala ng ilan, Hindi pa niya tinutupad ang pangakong iyon alang-alang sa inyo . Binibigyan pa niya ng pagkakataon ang lahat na makapagsisi at magbalik loob sa Diyos, sapagkat hindi niya nais na kayoy mapahamak. 2Pet.3: 9. ----- Kaya nga mga kapatid alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y namamanhik sa inyo, i-alay ninyo ang inyong sarili bilang handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya, Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito, Mag-iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos- kung ano ang mabuti, nakalulugod sa kanya at talagang ganap. Rom. 12:1-2. ---- "Makinig kayo" wika ni Jesus "Darating na Ako" mapalad ang tumutupad sa mga hulang nilalaman ng aklat na ito" . Pah. 22:7. ---- Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, Kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos. Mat. 4:4. ---- Mawawala ang langit at ang lupa ngunit ang mga salita ko'y hindi magkakabula. Mat. 24;35. ---- Sinabi sa kanya ng panginoon, Magaling! tapat at mabuting alipin! Yamang naging tapat ka sa kaunting halaga pamamahalain kita sa malaking halaga, makihati ka sa aking kagalakan. Mat. 25:21. !!!!!! GOD BLESS YOU !!!!! ..
Ayaw Niyang Makinig sa Akin
" Nasukol ang isang babae sa pinakamataas na palapag ng isan nsusunog na gusali. Hinadlangan ng apoy at usok ang bawat labasan. Nang dumating ang mga bombero, isa sa kanila ang umakyat sa isang hagdanan tungo sa bintana kung saan nagsisigaw ang babae para matulungan . Iniunat ng bombero ang kamay at pinalapit ang babae para iligtas. Ngunit nang makita ang layo ng bababaan, nagpanik ang babae at umurong sa silid. Nagmakaawa ang bombero para huwag lumayo hanggang di na maabot ng tutulong. Napilitang bumaba ang bombero naluluha na nagsabi "Ginawa ko ang lahat para kumbinsihin siyang magpatulong at maligtas ngunit ayaw niyang makinig sa akin". Nagpaalala sa akin ang mga salitang ito ng espirituwal na kapahamakang sasadlakan ng maraming tao. Sabik patawarin ni Jesus ang kanilang kasalanan ngunit nagmamatigas sila sa alok Niyang kaligtasan. Sa pagtangi ng mga tao na maligtas., magagaya sila sa babaing namatay sa sunog ganoong pwede namang maligtas siya. Kaibigan , ngayon din manampalataya sa Panginoong Jesus! Inaanyayahan Ka Niyang lumapit sa Kanya (Mat.11;28)"Lumapit kayo sa Akin kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan ay kayoy bibigyan Ko ng kapahingahan". Huwag nawang maging isa ka sa sasabihan ni Jesus na "Ginawa Ko na ang lahat para iligtas ka ngunit hindi ka nakinig sa Akin". .... Pananampalataya ang kamay na tatanggap ng kaloob ng Dios..... Huwag kang mag atubili .Ang tag-ani ay lilipas na. Sabik basbasan ka ni Jesus, May panganib pag ipinagpabukas-bukas.--- Our Daily Bread.---
Spiritual encourage, mag-add
Spiritual encourage, mag-add po kayo ng mga testimony na ginawa ng Panginoon Diyos na kabutihan sa ating buhay. mga bible memory verse, passage story. (ITO PO ay mahalaga sa mga OFW tulad ko na malayo sa mga mahal sa buhay at sa Panginoon ipinagkakatiwala ang lahat ng bagay).. " Alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawa kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti"... Rom.8:28. // Kaya nga, Kong kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos. 1Cor.10: 31" ... Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng ibang tao, Tapat ang Diyos at hidi niya ipahihintulot na kayo'y subukin ng higit sa inyong makakaya, Sa halip, pagdating ng pagsubok . bibigyan niya kayo ng lakas upung mapagtagumpayan iyon. 1Cor.10:13" .... God bless You....
Encourage....
ang saro lng na masasabi ko dakula ang pagkamoot ning diyos sa sato gabos.. He will never leave us... basta keep on praying lng kahit anong problema.. always thanks to GOD...
Saka ko na sabihin so testimony ko.. halawig ning marhay
"Study nature, love nature, stay close to nature. It will never fail you if you will not destroy the nature"