“Siguraduhin ninyo na ito ay hindi dadaan sa gobyerno”

donna_quintana's picture

“Siguraduhin ninyo na ito ay hindi dadaan sa gobyerno”
Ni: Donna Quintana
PIGLAS-TUGON Internasyunal
Tripoli, Libya
10 Oktobre 2009

Sapagkat ang gobyerno ng Pilipinas ay hindi tumutugon sa mga lehitimong hinaing ng sektor mangagawa, napipilitang lumuwas ng bansa ang ating mga potensiyal at de-kalidad na propesyunal, skilled at unskilled workers sa pagnasang maiahon sa kahirapan ang pamilya’t mga mahal sa buhay. Ang umiiral na hindi-pantay na batas sa paggawa ang siyang nag-udyok sa ating mga kababayan na lisanin ang Pilipinas para hanapin sa dayuhang lupa ang simple at disenteng pamumuhay na ipinagkait ng ating bulok na estado. Bagama’t hindi lubos na alam ang posibleng magiging kahihinatnan ng pakikipagsapalaran sa ibayong dagat, pinili pa rin nating pumalaot para maibsan ang kahirapang humahagupit sa bawat sulok ng mga ating tahanan. Oo nga’t marami ang nagtagumpay, ngunit marami rin ang nabigo’t nagbuwis ng buhay. Marami ang nabiktima’t inabuso pisikal, sekswal at sikolohikal, ngunit ang masakit nito’y mismong ang embahada’t konsulado ng Pilipinas ay tila nakikipag-sabwatan sa mga dayukdok at salarin para mapagtakpan ang krimen. Bulto-bultong kaso ng mga inosententeng OFW ang patuloy na pinabayaan ng ating gobyerno na kadalasa’y naging dahilan para mabaon sa limot ang ginintuang pangarap ng ating mga mahal sa buhay.

Sabi nila mga Bagong Bayani (daw) tayo. Bakit patuloy nila tayong hinuhuthutan at pinababayaan? Dahil sa ating mga remittances, sumisigla ang naghihingalong bayan. Ngunit ang bunga ng ating pagpupunyagi ay pilit pang inaangkin ng reaksyunaryong gobyerno. Inaako nila na ang paglakas ng matamlay na Piso ay dahil diumano sa kanilang economic programs. Tayo ay nagpapadala ng pera hindi dahil sa udyok ng gobyerno at pamimilit ng sinuman, bagkus dahil sa sinumpaang obligasyon at pagmamahal sa pamilya.

Sa ngayon, sadsad ang dati ng lugmok na kabuhayan ang ating mga kababayan dahil sa pagragasa ni Ondoy. Hindi malirip ang naging epekto ng naturang kalamidad dahil na rin sa sa korapsyon at kabulukan nag ating panlipunang sistema. Pinaglumaan na ng panahon ang mga gamit, pasilidad at ekepahe ng PAGASA at mga pangunahing Rescue Groups. Ang mga kalsada at drainage systems ay isinawalang-bahala rin kapalit ng mga personal at pulitikal na interes. Higit sa lahat, ang pondo para sa kagalingan ng masa ay napupunta lamang sa bulsa ng mga buwitre at buwayang walang habas kung magpasasa sa yaman ng bayan.

Sapagkat hungkag sa pagtulong ang reaksyunaryong pamahalaan, tayong mga OFW ay nagkaisa at nagkapit-bisig para tugunan ang hinagpis ng ating mga kababayang sinalanta ng ngitngit nang kalikasan. Sa tulong ng ating kapwa Pilipino at ibang lahing nagmagandang-loob, tayo ay nakalikom ng malaking halaga (pera, goods, medisina, damit atbpa.) para sa ating pagtugon sa hinaing ng mga kababayang biktima ng nagdaang kalamidad.

Sa kasagsagan ng ating paghingi ng tulong, hindi-hindi ko makakalimutan ang karanasan na lalong nagpatibay sa aking pagkatao. Sa tuwing magpapaabot ng tulong ang ating mga kababayang OFW, mayorya sa kanila ang nagpahiwatig ng labis-labis na pagkabahala. Naniniguro sila na ang kanilang tulong ay hindi dadaan sa anumang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas!

Ito ay larawan ng kawalang-tiwala ng mga OFW sa ating bulok na estado. Unti-unti na silang namumulat sa reyalidad ng lipunang Pilipino. Itinatakwil na nila ang korapsiyong naka-ugat sa sistemang nagpapahirap sa ating bayan. Kaya saan man akong pumunta, alam kong muling aalingawngaw sa himaymay ng aking isipan ang katagang binitwan ng ating mga kapwa OFW, “siguraduhin ninyo na ito ay hindi dadaan sa gobyerno……”

Mabuhay ang sektor-mangagawa!
Mabuhay ang Migranteng Pilipino!

Dayuhan Tulong Wala rin Tiwala sa Pamahalaan?

ilaya's picture

Ang bagong ulat ng Abs cbn Tv patrol news sa dayuhang nagbibigay ng halagang pera at relief goods mula sa Europa ay hindi na ibinibigay sa pamahalaan ang nasabing tulong para maiwasan ang kurapsyon. Ibinigay na lang ang tulong sa pamamahala ng NGO na Sagip Kapamilya. Isa lamang ito ng katunayang walang tiwala at sampal sa pamahalaang Arroyo.

Kawalang Tiwala

ilaya's picture

Maraming ulit ng nangyari sa ating mga mamayan na ang mga relief goods na ibinigay ng mga dayuhang bansa na ipinamahala sa pamahalaan ay ibinulsa lang at ang iba ay napunta lang sa mga tindahan sa Divisoria. Gaya ng mga bagong kumot galing sa Europe at America. Mga corned beef napalitan ng mumurahing sardinas. Mga yellowcorn flour nadiskubre ng mamayan na pangfeeds na lang ng mga baboy ng mayor makaraan ang anim na buwan makalipas ang kalamidad. Walang kunsensya ang mga buwitre at buwaya sa mga nagugutom na mamayan. Tama lang na ingatan natin ang ating mga donasyon at ipamahala sa mga NGOs at simbahan. Huwag ng ipagkatiwala sa pamahalaan at gamitin pang kanilang pang paguwapo at pangpaganda lalo na darating na naman ang eleksyon.

Buti pa ang NGO

Kagaya ng dalawang malaking Networks natin ang ABS-CBN 2 at ang GMA-7 ay walang humpay na tumutulong sa mga sinalanta ng 2 bagyong nagdaan. Bakit nagagawa nilang tumulong nag umpisa sila ng pa piso-piso lang pero may long term plan sila. Asan ang gobyerno natin? Asan ang mga tax na ibinibigay natin? Lalabas lang ba sila kapag mag-eeleksiyon na at saka ipamumudmod sa tao ang mga pera nila para ibili ng mga boto nila? Asan ngayon ang mga kakandidato at ang mga nag-aambisyong lumahok sa mundo ng politika? Ngayon natin higit na kailangan ang tulong at maipakita ang kanilang kakayahan. Naghahanda siguro para sa susunod na halalan. Huwag na natin asahan ang ating gobyerno at noon pa wala na kong tiwala sa kanila. Dapat huwag na talagang idaan sa kanila ang ibibigay mo at tiyak mabubulsa lang.

Pag gusto maraming paraan. Pag ayaw marami dahilan..

Kunsensya

amore's picture

ang mga donations ay para sa flood victims ngayon kung ibubulsa ning mga gobyerno para gamiton sa pangangampanya ay isang malaking pagnanakaw ng pera sa mga mamamayan.

Kunsensya na lng ang magpapatigil sa kanila sa maling gawain.

Kasabihan:
Bicol my version : Daeng nagmina sa kinaban na daing pig-agihan ning kalamidad.
Tagalog: Walang humipo sa uling na walang naulingan.

tama

tama ka dyan amore nimaka sangatos na beses.

Walang Kunsensya

Kung ang ibang bansa ay wala ng tiwala sa ating gobyerno, kahit man lang sa pagtulong sa ating mga kababayan, sino pa kaya ang tutulong?