Rosas
Ikaw ang aking
natatanging bulaklak
Dito sa hardin
ika'y nagbibigay galak
Namumukod-tangi
ganda mong busilak
Nagbibigay liwanag
sa buhay kong payak
Sa 'yong pagsibol
taglay ang kagandahan
Hinubog ng panahon
heto ka't nananahan
Bulaklak sa hardin
aking pinakaiingatan
Dito sa aking puso
sa tuwina'y babantayan
Maligayang Araw ng mga Puso mga ka-CF!!!
Ayos!!!!!
Ayos!!! Maurag man!!!