Prayer

arnold's picture

"Una sa lahat ipinakiki-usap kong paabutin ninyo sa Diyos ang inyong kahilingan , panalangin, pamanhik, at pasasalamat para sa lahat ng tao. Gayon din ang gawin ninyo para sa mga hari at ang mga maykapangyarihan upang makapamuhay tayo ng tahimik at payapa, marangal at may kabanalan. Ito ang mabuti at nakalulugod sa Diyos na ating tagapagligtas, na ang ibig ay maligtas ang lahat ng tao at maka-alam ng katotohanan. Sapagkat iisa ang Diyos at iisa ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus na naghandog ng kanyang buhay upang tubusin ang lahat. Siya ang katunayan ng banal na layunin ng Diyos at nahayag sa takdang panahon". (1 Timoteo 2:1-6).------- "Pasakop kayo sa mga nangangasiwa sa inyo, Silay may pananagutang magbantay sa inyo. at magbibigay sulit sila sa Diyos ukol dito. Kung silay susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad sa kanilang tungkulin. Kung hindi sila'y mahahapis, at hindi ito makabubuti sa inyö". (Hebreo 13:17)..