Ni REY MARFIL nin Abante
“God save the Philippines from Joseph Ejercito alias Joseph Estrada.”
Ganito tinapos ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson ang kanyang 10-pahinang pri¬vilege speech kahapon sa Senado na tumagal ng 40-minuto kung saan inilatag nito ang kanyang nalalaman hinggil sa pagkatao ni dating Pangulong Joseph Estrada at personal na karanasan bilang opis¬yal sa ilalim ng administrasyon ng huli.
Sa panimula pa lang ng kanyang talumpati ay umupak na agad ang senador sa muling pagdidiin kay Estrada bilang si ‘Jose Velarde’ bilang patungkol sa kontrobersyal na kaso noon ng jueteng payola kung saan na-impeach ng Kongreso at nasentensyahan sa kasong ‘plunder’ si Estrada.
Bilib na bilib kay Erap
Unang binalikan ni Lacson ay kung paano siya direktang napailalim kay Estrada noong bise presidente pa lamang ito. At ito ay nang itatag ni noo’y Pa¬ngulong Fidel Ramos ang Presidential Anti-Crime Commission (PACC) na inilagay sa superbisyon ni Estrada na hinirang namang anti-crime czar.
Dito ay nagkaroon umano siya ng pagkakataong personal na makausap si Estrada kung saan paulit-ulit umano nitong sinasabi na ang numero unong problema ng bansa ay corruption dahil ninanakaw nito ang yaman ng bansa na dapat ay napapakinabangan ng mahihirap.
“Having been born to poor parents myself, he struck me as the man our country needed to lead our people. Needless to say, I was impressed,” ani Lacson.
Dahil napakaganda ng mga sinasabi ni Estrada tungkol sa anti-corruption drive, nakuha umano ng noo’y bise presidente ang suporta ni Lacson kung kaya’t matindi ang gina¬wang kampanya ng huli para manalo, kabilang ang pagbabantay sa dayaan noong 1998 election.
“My men and I went around the whole country - Luzon, Visayas and Mindanao - talked to as many field commander¬s and chiefs of police, so that they would not allow themselves to be used as instruments to cheat Mr. Estrada out of sure victory,” ani Lacson.
Unang duda
Nagsimula umanong tubuan ng duda si Lacson sa tunay na pagkatao ni Estrada ay nang hindi nito tuparin ang pangako kay dating Southern Command chief Lt. Gen. Joselino Nazareno na hihira¬nging Armed Forces of the Phi¬lippines (AFP) chief oras na mahalal sa kapangya¬rihan.
“I brought him to Vice President Estrada to make his personal commitment to guard the votes in Mindanao and made Mr. Estrada promise to consider him as the next AFP Chief of Staff when he becomes president,” pagbabalik-ta¬naw ani Lacson.
Sa kabila ng pangakong gagawing APF chief of staff, kamuntikan pang hindi na-appoint si Nazareno, ayon kay Lacson, dahil meron ibang napi¬pisil si Estrada, taliwas sa naunang pangako.
Hirit sa jueteng
Maging sa sariling posisyon bilang PNP chief, kamuntikan pa umanong hindi na-appoint si Lacson matapos ang deretsahang pagkontra sa jueteng ope¬rations.
“He called me to talk about what I thought would be my possible appointment as Chief, PNP. Instead, he expressed his thoughts on jueteng and how he intended to deal with it during his presidency,” ani Lacson.
Sa kanilang pag-uusap, direktang hiningi ni Estrada ang pagpapatuloy sa juteng operation at kinasangkapan ang mga gobernador upang mailusot ang request nito.
“He said: “Ping, iniisip ko, pagbigyan na lang natin itong jueteng. Alam mo, ang mga governors at mayors, lalo na ‘yung mga tumulong sa akin sa eleksyon, wala sila ng ka¬tulad sa President’s social fund na galing sa Pagcor. Marami silang gastusin at sa jueteng lang nila pwedeng kunin ang pera,” kuwento pa ng senador.
“Shocked and surprised, I retorted, ‘Sir, ilegal ‘yan. Saka presidente na kayo. Dapat huwag na kayong makialam sa jueteng. Larong lupa pati iyan.
Sasabog kayo diyan at masisira tayo pareho’,” pagpapatuloy ni Lacson.
Dahil sa binitawang pahayag at pagkontra sa jueteng, nadismaya aniya si Estrada at hindi na¬tuloy ang pag-appoint bilang PNP chief
“Visibly dismayed and irritated, he said, ‘Sige, saka na lang tayo mag-usap.’ He walked me to the main door of his house and used another tack:
‘Saka, Ping, ‘yung mga tao natin dati sa task force, gusto ko rin silang bigyan ng monthly allowance’,” anang mambabatas.
Bago magpaalam, ito’y muling sinabihan ni Estrada na pagbigyan ang jueteng at huwag nang gambalain ng kapulisan subalit pinanindigan ang naunang pagkontra sa plano ng dating amo.
Huling hirit bago ang appointment
“By that time, I had rea¬lized jueteng had always been the deal breaker in getting my impending appointment and must be the reason why I was not appointed in June of 1998,” dagdag nito.
Nangyari lamang ang appointment bilang hepe ng PNP, kinagabihan kung saan bumigwas ng ‘hu¬ling hirit sa jueteng’ si Estrada, kapalit ng paghirang sa kanya.
P20M payola ‘kinubra’
Nang maupo bilang PNP chief, natigil aniya ang P5 milyong payola ipinagkakaloob sa nakaupong hepe na inaabot mismo ni noo’y Ilocos Sur Gov. Luis ‘Chavit’ Singson.
Sa kanilang pag-uusap ni Estrada, ipinagbigay-alam ni Lacson ang pagtabla sa P5 milyong pa¬yola kada buwan mula sa jueteng operations.
“It was also during that conversation when I told him I was aware of the monthly P5 Million “S.O.P.” being given by Gov. Chavit Singson to the Chief, PNP as part of an organized payola, and that I was waiving it, therefore would not accept it.”
Makalipas ang apat na buwan, ikinagulat ni Lacson na harapang sini¬ngil ni Estrada si Singson tungkol sa buwanang payola sa PNP chief na kanyang tinanggihan.
“Three or four months after my assumption of office, I learned that Mr. Estrada asked Gov. Singson to remit to him retroactively the monies inten¬ded for the Chief, PNP,” kwento pa ni Lacson. “He told Gov. Singson: ‘Gov, baka akala mo, hindi ko alam na hindi kinukuha ng bagong Chief,PNP ang para sa kanya. Ibigay mo rin sa akin ‘yan’.”
Pinag-initan na
Dahil hindi naman umano nilubayan ni Lacson ang anti-jueteng campaign sa kabila ng mga pa¬kiusap sa kanya ni Estrada ay nagsimulang umasim ang kanilang relasyon.
Una ay nagkaroon umano ng ‘unspoken declaration’ sa kanya sa Malacañang bilang ‘persona-non-grata’. Hindi na rin umano sinasagot ni Estrada ang kanyang mga tawag na pawang may kinalaman sa trabaho.
Dumirekta rin umano si Estrada sa kanyang mga su¬bordinates, partikular sa PAOCTF, sa pagbibi¬gay ng mga utos at pagpapatrabaho.
Kasunod nito ay nagbaba umano ng written order si Estrada kay noo’y Local Government Sec. Alfredo Lim na nag-aalis sa kanyang (Lacson) kapangyarihan na magtalaga at magtanggal ng mga opisyal sa provincial at regional level.
Naging bukas na kaala¬man umano sa gabinete ang umasim na relasyon nila ni Estrada kung saan minsan pa siyang kinausap ni retired Gen. Angelo Reyes hinggil dito.
“Then AFP Chief of Staff Gen Angelo Reyes took pity on me and gave his advice, ‘Pare, Commander-in-Chief natin ‘yan. Pagbigyan mo na muna ngayon at saka ninyo na lang pag-usapan ang problema ninyo ni Presidente.’ I answered him, ‘Sir, question de prinsipyo ito. Ako ang nasa tama sa labang ito. Tanggalin na lang n’ya ako, pero hindi ako bibigay dito’,” salaysay ni Lacson.
Pakikialam sa negosyo
Hindi lamang umano jueteng ang pinagkaabalahan noon ni Estrada dahil may isang insidente umano na pinanghimasukan din nito ang negosyo, partikular ang bentahan sa shares ng PLDT.
“In August 1998, in the early part of Mr. Estrada’s abbreviated presidency, Mr. Alfonso Yuchengco was pressured to sign conveyance of his 7.75% PTIC (Philippine Telecommunications Investment Corporation) holdings, equivalent to 18,720 shares to Metro Pacific, represented by Manuel V. Pangilinan,” pagbubunyag ni Lacson.
“Mr. Yuchengco, I also learned later, was pressed to sign a waiver of his right of first refusal over the PTIC shares of the Cojuangco-Meer group,” anang mambabatas kung saan isa umano sa ginamit na pamumuwersa ay ang pag-frame up diumano ng ilang pulis sa anak nitong si Tito sa isang drug case.
“Sa inyo, Ginoong Pangulo ng Senado, mga pinagpipitaganan kong kasamahan at sampu ng pamilya Yuchengco -- wala po akong kamalay-malay sa pangyayaring iyan. At kung halimbawa mang sa akin iniutos ni Mr Estrada ang gawaing iyon, ay siguradong hindi ko po susundin,” diin ni Lacson.
Pati smuggling
Hindi pa umano rito natapos dahil maging ang paghihigpit ng kanyang hukbo sa smuggling activities ay iginapos ni Estrada.
May isang pangyayari umano na nakaposte sila ang kanyang mga tauhan sa labas ng Customs zone sa Port Area, Manila ay pina-pullout sila ni Estrada. Dahilan upang makapuslit ang 20 40-foot container van na naglalaman umano ng fully-dressed chicke¬n mula sa China.
Nasundan pa umano ito ng pagpasok sa bansa ng mga puslit na bigas mula naman sa Vietnam.
Out sa Dacer-Corbito murders
Tiniyak din ni Lacson sa kanyang talumpati na wala siyang kamalayan sa anumang operasyon, kung mayroon man, sa pagpapatahimik kay publicist Salvador ‘Bubby’ Dacer.
Ikinatuwiran nito na mula nang umasim ang kanilang relasyon noong taong 2000 dahil sa jueteng ay dumidirekta na ito sa PAOCTF.
“Yet, on so many occasions, and I have persona¬l knowledge on this, du¬ring his presidency, he was gi-ving direct orders and ins¬tructions deep into the layers of the entire government bureaucracy, the PNP and the PAOCTF included,” ani Lacson.
Nag-iwan din si Lacson ng katanungan kay Estrada kung sino sa mga tauhan sa PAOCTF ang direktang inu¬utusan, partikular sa panahong persona-non-grata o bina-bypass siya bilang PNP chief.
May ‘part 2’ pa
Matapos ang 40-minutong talumpati ay humingi pa ng panibagong pagkakataon si Lacson sa liderato ng Senado na maituloy ang ikalawang bahagi ng kanyang privilege speech sa susunod susunod na Martes, Setyembre 22.
Jinggoy, babanat din
Bagama’t tumayo sa podium si Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada ay tumanggi naman itong i-interpellate si Lacson. At sa halip ay nagbi¬gay ng babala na kung hindi nito ititigil ang paninirang puri sa kanyang ama gamit ang mga kasinunga¬lingan umanong inihayag ay siya naman ang tatayo at magpi-privilege speech ngayong araw upang ilabas naman ang lahat ng kanyang nalalaman laban sa kapwa senador.
Sa isang panayam ng TV Patrol kahapon ay mariin ding pinabulaanan ni dating Pangulong Estrada ang lahat ng paratang sa kanya ni Lacson.
Wala umanong katotohanan ang alinman sa mga ito, lalo na ang sinasabing panghihimasok niya sa negosyo. (With Boyet Jadulco)
Erap/Hirap
O ayan tinabla na si Erap ng kanyang kaibigan gaya rin ng pagtabla sa kanya ni Singson. Ewan ko ba kung bakit marami pang naniniwala sa kanya. Maaring idolo siya dahil isang artista, mga cronies, mga nabibiyayaan at nakikinabang sa kanya, yung mga naloloko niya na siyay para sa mahirap. Ang pamilya natural yan ang unang kakampi. Pero mag isip naman kayo isinuka na ng bayan yan nasa inyo na yan kung gusto niyo ulit kainin. Makukulong ba yan kung talagang wala siyang kasalanan? Kaya lang naman nakalabas yan dahil sa utang na loob na kung hindi dahil sa kanya di siya magiging presidente. Yung mga boboto mag-isip naman kayo at wag ng pa bobola. Lalo tayong maghihirap.
Pag gusto maraming paraan. Pag ayaw marami dahilan..
Batuhan Ng Putik
Dating magkaibigan ngayon nagbabatuhan ng putik buti ito sa takbo ng ating politika para talagang umiwas na ang ating mga politiko sa pagkukutsabahan para lokohin ang ating bayan. Tuloy-tuloy na sana ito sa kasalukuyang presidente gaya ni Arroyo at Neri o Arroyo at Chavit. Ganda ang mga susunod na palabas kung mangyayari ito lalo na lulubog na ang barkong sinasakyan nila. Alam naman natin mga rat nga nag-jujump ship mga tao pa kaya.