PALABRA DE HONOR " SA TAONG MAY HIYA ,SALITA!Y PANUNUMPA"

Hindi lamang ang pagtupad sa mga nabitiwang salita ang nais nitong ipahayag sa ating lahat. Gusto rin nitong ipamulat sa bawat isa sa atin ang pagkakaroon ng "Palabra de Honor" ng isang tao. Napili ko ito pagkat ito ay isa sa mga mabubuting kaugalian na dapat nating taglayin. Kaugaliang di dapat kalimutan at ipagwalang bahala. Maganda rin itong panggising sa mga taong nanunungkulan sa gobyerno na walang ginawa kundi paikutin tayong mga mamamayan sa pamamagitan ng matatamis na salita at pangako na pawang mga kasinungalingan lamang. Mga politikong puro salita at wala namang gawa. Politikong sagana sa pangungurakot. Maganda rin itong maging pamandyan para sa bawat isa sa atin. Sapagkat kadalasan sa ating pakikisalimuha sa ating kapwa ay nakakalimot tayo sa tunay na halaga ng salitang ating binibitiwan. Kadalasan din tayo ay nakalilimot sa pagiging matapat sa ating kapwa ay nakalimot tayo sa tunay na halaga ng salitang ating binibitawan. Minsan tayo ay nangangako subalit atin namang di tinutupad ito hanggang humantong sa pagsisinungaling upang matakpan ang nagawang pagkakamali. Makatutulong din ito upang ating higit na maunawaan ang pagpapahalaga sa damdamin ng iba, dahil kung marunong kang magpahalaga sa iyong kapwa at sa kanyang damdamin at may pagpapahalaga ka rin sa iyong sariling dangal iiwasan mong makasakit ng kalooban ng iba dahil nga sa di mo pagtupad sa iyong salita. Tunay ngang maganda ito pagkat nakakatulong ito sa ating pagkatao at personalidad at magpapalalim ito ng ating pagtingin sa ating kapwa. Subukan natin isabuhay ito pagkat siguradong di tayo magsisisi pagdating ng panahon.

PANGAKO-- (Palabra de Honor)

arnold's picture

" Kung mangangako ka sa Diyos, tuparin mo agad. Ayaw niya ng mayabang, kaya tuparin mo ang iyong pangako sa kanya. Mabuti pang huwag ka nang mangangako, kaysa mangangako nang hindi tutuparin. Huwag mong pabayaang magkasala ka dahil sa iyong salita, alalaon baga' y mangangako ka at babawiin mo pagkatapos. Sa ganyan galit na galit ang Diyos, Kung magkagayon, hindi ka niya pagpapalain sa anumang iyong ginagawa. Kaya gaano man karami ang walang kabuluhan mong salita at gawa, magkaroon ka ng takot sa Diyos". (Mangangaral 5:4-5,6,7.)-- Namumuhay tayo sa kapanahunang hindi na gaanong binibigyan ng kahalagahan ang pagtupad sa pangakong binitawan. Marami tayong naririnig, na kapag may ipinakitang lubhang nangangailangan, o kung minsan naman ay dahil sa may nagawang namumukod na kabutihan o kagandahang-loob ay nagpapadala kaagad ng tawag at sasabihing magbibigay. Maganda! Subalit ang nakalulungkot nga lamang, ito ay hanggang sa pangako, na siyempre ay ikatutuwa at inaasahan ng mga kinauukulan, Subalit hindi nagkaroon ng pagtupad. Ang lalo pang higit na marami ay mga lalaking nangakong pakakasalan ang kasintahan subalit ng makuha na ang gusto ay nawala na lamang at sukat. At maging ang marami sa nagsumpaan, nangako sa isat-isa sa hirap at ginhawa, sa yumaman o maghirap, ay magsasama. Subalit di iilan ngayon ay iniwan na ang asawa. Hindi sana ito makita sa ating mga mananampalataya. Tulad ng sinabi ni Pablo.ang Oo ay maging oo, at ang Hindi ay hindi. Mapanghahawakan ang Pangakong binitiwan. May isang Salita. PALABRA de HONOR.---- Ang Kilalang manunulat na si C.S. Lewis ay nagsabing tinupad ng buong taimtim ang kanyang ginawang pangako. Sinasabi sa kanyang talambuhay na dumanas siya ng matinding hirap upang matupad ang pangako na ginawa niya sa isang kaibigan. Ito ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig. Nakita niya ang pagkabahala ng kanyang kaibigan para sa pamilya, laging laman ng isip nito kung sino ang magtataguyod sa kanila kung saka-sakaling siya ay mapatay. Ganoon na lamang ang pagmamahal nito sa kanyang pamilya, at upang mapanatag, nangako si Lewis na kung anuman ang mangyari sa kaibigan, pangangalagaan niya ang mga ito. At habang ang digmaan ay nagpapatuloy, napatay ang kanyang kaibigan. At totoo sa kanyang pangako, pinangalagaan at tinulungan ni Lewis ang pamilya ng kanyang kaibigan, Ngunit nakalulungkot, gaano mang pagmamalasakit at tulong ang ginagawa ni Lewis ang asawa ng kanyang kaibigan ay may masamang ugali. Ito ay mapagmataas, mataray at walang pagpapasalamat, Gayon pa man, patuloy na nagpapatawad at umuunawa si Lewis. Hindi niya ginawa na kadahilanan ang mga kilos nito upang talikdan ang kanyang pangakong ginawa. Mahirap subalit dahil nga naipangako, kanyang tinupad. ---- Sa Banal na Kasulatan ay may mga nasulat tungkol sa mga nangako, mga tumupad at gayon din ang hindi tumupad.-- (GAWA 5:1-11- Si Ananias at Safira-)- (HUKOM 11:1-40- Si Jefte na nangako kung siya magtagumpay sa digmaan ihahandog ang kasambahay na unang sasalubong sa kanya).... PALABRA DE HONOR.

Callous at Kapal ng Mukha!!

ilaya's picture

Sad to say kawawa ang bayan at kinabukasan ng ating kabataan ay lalong dumidilim sa mga aral at nakikita sa ating mga nanunungkulan sa ating pamahalaan. Word of Honor wala na sa ating mga na nunungkulan at linimot na mga salitang ipinagako ng sila ay nangangampanya pa lamang. Resign ang sigaw ng bayan pero manhid at kapal ng mukha nanatili sa puwesto kahit isinusuka na ng mamayan. Mabuti pa mga sabungero maski walang panunumpa tinutupad at pinapahalagahan ang salita at walang tinatakbuhang obligasyon.