Not a Black propaganda.. juz portraying the truth

An Acknowledgment for:
"WALANG BAHID O WALANG BUDHI?" producer

"Pitong mga magsasaka ang walang awang pinatay ng araw na iyon-- Nobyembre 16, 2004 (naganap ang isang madugong masaker sa Hacienda Luisita). Bakit kinailangan silang paputukan ng mga pulis at sundalo? Armado ba silang mga magsasaka? Ang tanging sandatang dala lang naman nila ng mga panahon na iyon ay ang kanilang demokratikong interes.

KAILAN PA NAGING MALI ANG PAGIIT PARA SA TUNAY NA REPORMANG AGRARYO? KAILAN PA NAGING MALI ANG PAGIIT PARA SA KARAGDAGANG SAHOD DAHIL HINDI NAKASAPAT SA PAMILYA NG MGA MAGSASAKA ANG SAHOD NA Php 9.50 KADA ARAW?"

Siguro sa kasalukuyang sistema ng lipunan na umiiral ngayon - lahat ng paggiit sa demokratikong interes ng mga mamamayan ay mali... Sana nga ay hindi.

Sana nga ay maitama ang mali, maibigay ang lupaing ipinagkait ng pamilyang Cojuangco-- pamilya nina Nonoy Aquino-- na dapat sa mga napunta sa mga magsasaka. Sa paglipas ng panahon at sa pagdaan ng maraming presidente at administrasyon sa gobyerno, nabaon sa limot, nabaon sa panibagong batas na maaring pabor lamang sa mga mayayaman at makapangyarihan.

"KAMING MGA API AY MAG TOTOONG TAGAPAGMANA NG ISANG BAHAGING LUPAING SINASAKUPAN NG HACIENDA Luisita.. Ito ay aming lupa, ito ay aming buhay. Hindi kami mawawalan ng pag-asa dahil gabay namin ang katotohanan at panalangin."

____________________________

Dahilan ng paglaban ng mga magsasaka...

Hindi naman talaga pag-aari ng pamilyang Cojuangco ang lupain sa Hacienda Luisita. Inagaw lang naman nila an 6,453 na ektarya ng Tabacalera at Central Azucacera de Tarlac sa pamamagitan ng pag-utang sa Central Bank noong 1957.

Dahil nga sa kinamkam na ng pamilya Cojuangco ang malawak na lupain ng mga magsasaka, at dahil sa wala na ring nagawa ang mga magsasaka dahil maliliit na tao lamang sila ay wala na silang nagawa kungdi pumayag na maging manggagawang bukid nalang ng Hacienda. Ang mga manggagawng bukid ng Hcaienda ang bumubuhay at nagpapaunlad sa produksyon ng buong Hacienda.

Ngunit kahit na sila ang nagtaguyod dito; hindi pa rin naging makatao ang trato sa kanila... Isang manipestasyon lamang ito kung gaano kabulok ang kasalukuyang umiiral na sistema ng ating lipunan..

_________________________

Ito ang sabi ni Noynoy sa kanyang kandidatura, "LIMANG taon na lang at ibibigay na namin ang lupa ninyo. Iboto niyo po ako sa pagkapangulo."

Bakit pa kailangang maghintay ng limang taon? Dapat taong 1967 pa ibinigay sa mga manggagawang bukid ang lupain sa Asyenda Luisita. Dhil ito ang naging kasunduan. PANGAKONG HINDI NABIGYAN KATUPARAN NG MGA AQUINO.

Nang lumuklok bilang presidente ng PILIPINAS si Corazon Cojuanco- Aquino noong 1986, IPINANGAKO NIYANG IPAPATUPAD ANG GANITONG REPORMA KAHIT SA KANYANG ASYENDA.. pERO NOONG 1988, NAGBAGO ANG KANYANG TONO: ipaiilalim na lang daw sa Stock Distribution Program ang buong asyenda.

Baliw na lang ang maniniwala sa mga ganitong kasinungalingan ng mga Conjuangco at Aquino. Kataksilan ang ginagawa nilang yaon sa mga magsasaka at sa buong Pilipino. Puro na lang paasa ngunit wala naman palang dapat asahan dahil ito'y puro kasinungalingan. Pangakong palaging napapako.

WALA AKO, TAYO, AT BUONG MASANG pilipino na dapat asahan sa pamilya Aquino at Cojuangco. Kung mayroon lang sanang batas na magbibigay hatol sa mga taong ganito ng parusa sa mga taong ganito.. HUSTISYA ANG KAILANGAN..

KAILAN PA ANG TUNAY NA PAGBABAGO KUNG HINDI NGAYON?
SINO PA ANG KIKILOS KUNG HINDI AKO? KUNG HINDI TAYO?

ngayong eleksyon, inaasahan ko kayong mga botante na maging wise o matalino kayo sa pagpili ng mga kandidato. (Ako'y hindi pa botante kaya kayo ang inaasahan naming mga susunod na henerasyon, kaming mga kabataan na nag-aasam ng maginhawa at may hustisyang pamumuhay) Hindi porke iyon ang kilala ng nakararami, hindi porke iyon ang mataas sa survey ay doon ka na rin. Magkaroon ka naman ng maayos at sariling desisyon! PANAHON NA PARA SA TUNAY NA PAGBABAGO AT AKO'Y NANINIWALA NA ITO'Y MAGAGANAP NGAYONG 2010..

KUNG MARAMI SANANG MAKADIYOS SA GOBYERNO,
KUNG HINDI DINODIYOS ANG PERA,
KUNG HINDI GINAGAWANG PERAHAN ANG PULITIKA,
KUNG WALANG MGA SINUNGALING NA MGA MAMUMUNO,
KUNG WALANG SAKIM SA POSISYON,
KUNG MAY MGA TAO SANANG MANININDIGAN SA KATUWIRAN, HUSTISYA, AT KATOTOHANAN,

BAKA MAYROONG PAG-ASA..

The Red's

Another Propaganda from the left!

Ang mga totoong maiingay ay hindi sa hanay ng mga HLI workers bagkus kundi sa hanay ng mga makakaliwa. Gumagawa sila ng issue tulad ng HLI para i-justify ang kanilang hilaw at bulok na pakikibaka.

Stock Distribution Option (SDO) ay produkto ng dalawang beses na referendum. Ito po ang napagkasunduan ng dalawang partido ( the Cojuangco's and the HLI workers) Ito ay legal.

'... SAHOD NA Php 9.50 KADA ARAW?"... ' Ay isang uri ng panlilinlang. Isang uri ng black propaganda na walang basehan. Sino'ng normal na tao ang papatol sa 9.50 kada araw na sahod?

The Red@arikdik

Dave's picture

I agree.. look, I have been asking these red guys about the PTC... no one has answered me.

Sahod? e yong PTC nio?

matabang o matabag?

protector's picture

para saen tabi su 6M pesos na pigkubra ni Satur Ocampo sa mga nag welga sa Luisita kang Nobyembre 2004? Ngata man ta kaepuhan nyang magkubra sa mga para-oma na sabi niya pigapakilaban ninda? Ano baga talaga ang tuyu ni Satur, matabang o MATABAG?

9.50 x 30 days = 285/mo

eman's picture

Here's The Plain Truth About Hacienda Luisita. Please click the link: http://noypi-ako.com/the-plain-truth-about-hacienda-luisita/

Thanks