News,April21-26,2010

KRISZLE_TEOPE's picture

1. Candidates Forum Provincial Level, Mas Naging Kontrobersyal

Abril 20 inere sa radyo at napanood ng marami ang Candidates Forum Provincial Level na ginanap sa Virac plaza. Ang mga partisipante ay mga kandidato bilang bokal, bise gobernador, gobernador at konggresista. Gaya ng Municipal Level, ang unang parte ay pagpapakilala ng sarili. Sumunod ang forum kung saan sinagot ng mga kandidato ang mga tanong na hindi lamang galing sa panel kundi binigyang pagkakataon din ang mga nanonood na magtanong.

Sa Congressman, dumalo si Verceles, Sarmiento at Sanchez. Sa Gobernaor, naroon si Santiago at Gianan. Sa Bise Gobernador, si Teves at Aquino. Kapuna-puna naman ang hindi pagpunta ng magkakaalyado sa Partido Nacionalista na sina Wong, Cua at Villaluna. Sa hindi pagpunta ni Cua, sabi nila, nabigyan ng pagkakataon si Santiago para masolo ang mikropono. Sinabi niya na pag siya nanalong Gobernador, isusulong niya ang Republic Act 9344 na naipasa noong 2006 at RA 9262 noong 2004 o Violence Against Women and Children Act para hindi na kailangang pumunta pa sa mainland Bicol ang mga naabuso para sa rehabilitasyon.
Sa forum, sinabi naman ni Verceles na ang pinakamahirap na desisyon na kanyang ginawa sa kanyang termino mula pa 1992 ay ang pagresolba sa mga demand o problema ng Probinsiya. Pero sa mga desisyong ito, aniya, wala siyang pinagsisisihan sa dahilang marami naman daw ang kanyang mga nagawang proyekto. Ang sabi ni Sarmiento, siya ang tunay na Catandunganon sa apat kaya siya ang pinaka-kwalipikadong maging Congressman. Sinabi niya na hindi dapat mag vote buying dahil ang pera ang pinaka ugat ng lahat na problema sa probinsiya. Sagot naman ni Sanchez, ang Catanduanes dadalhan niya ng kabuhayan hindi paghahanapbuhayan. Ang Virac, sabi ni Sanchez, kun titingnan ang land area hindi pwedeng maging siyudad, pero pag siya nanalo, gagawin niyang metro area ang Virac, San Miguel, Bato at Baras na isang developmental strategy para sa cityhood ngVirac. Kapuna-puna din ang linggwaheng Ingles bilang medium na ginamit ng karamihan sa mga sumasagot.

2. Tri-Ex Cable Channel Ginagamit na Medium o Materyal sa Pangangampanya ng Partido Nacionalista

Noong Abril 13 una ng inere sa local cable channel ang video clip ng may-ari nito na kumakandidato rin para bise-gobernador na si Vincent Villaluna. Sa 10-minute video clip na ibinackground din ang kanyang campaign jingle, pinakita ang kanyang mga litrato noong siya pa ang nakaupo sa puwesto, mga taong kanyang natulungan, ang kanyang pamilya, mga napuntahan, at mga kuha habang siya ay nangangampanya sa kasalukuyan.
Makalipas ang ilang araw inere na din ang isang documentation video para kay Joseph Boboy Cua na kanyang kaalyado bilang gobernador sa parehong partido, ang partido nacionalista. Pinamagatan itong ASSET AKO. Sa video, ipinakita ang pamilyang pinagmulan ng Gobernador, buhay na sinimulan, mga pinasukang eskwelahan, ang kanyang kursong tinapos, at mga negosyo bago siya pumasok sa pulitika gaya ng pamamalakad ng 18 barko, JC Cua Group of Companies, RSL Bus Line, Eastern Island Shipping Lines, Regina Shipping Lines, Virac Home Realty Corporation, Powerdrive Motors, Ocean Coast Shipping Lines, Powerzone, Realty and Development Corporation, Caltex, Island Gasoline Station and Manila Hemp. Ang mga negosyong ito na pinakita sa cable channel ang sinasabing nagbigay parangal sa gobernador bilang Outstanding Tax Payer noong 2004 at Outstanding Businessman in the Bicol Region. Ang inaasahan na susunod na mag-eere sa local cable channel ay ang kanilang kaalyado pagka-Congressman na si Cely Wong.

3. Idoy Tablizo, Hindi rin Pabor sa Vote Buying

Nauna nang nagpahayag si dating Vice Mayor Raul Panti na hindi siya pabor sa vote buying. Sa Candidates Forum noong nakaraang linggo, narinig ng lahat si Cesar Sarmiento na nagsabing hindi dapat mag vote buying. Ilang araw makalipas, sa pamamagitan ng kapatid na si William, si Idoy Tablizo na kandidato pagka-Mayor ng Virac ay hindi rin umano pabor sa vote buying. Puspusan na rin si Idoy sa pangangampanya nagyon kung kaya, ang kapatid na si William ang humaharap sa mga bisita kapag wala ang arkitekto sa kanyang bahay sa Cavinitan. Malaki ang suporta ng kampo ni Idoy sa partido Liberal partikular sa kandidato pagka-presidente na si Noynoy Aquino, at partner nitong si Mar Roxas.
Ang pulitika ngayon sa probinsiya, sabi ni William ay ibang iba sa dati. Karamihan daw nagyon kapag nakaupo na sa puwesto inuuna ang proyektong imprastraktura. Noon, lalo na sa panahon ng rehimeng Marcos, sinabi niya na kapag may infrastructure project, nag-aattend sa sesyon ang contractor ng proyektong ito, iniexplain sa lahat ang plano o budget. Sa ngayon, sa kanyang nakikita, kapag may proyektong imprastraktura, ang mismong pulitiko, contractor kaya hindi aabot sa 40% ang napupunta sa proyekto.
An Barangay daw noon, nagbibigay ang bawat isa ng kung anong pwedeng maitulong kapag may proyekto. Ngayon, kahit umano Barangay Matanda ang iniisip solicitations sa malalaking tao. Dagdag pa ni William, bilang serbidor ng Barangay Cavinitan sa loob ng 20 taon, siya naging onesto pagka Punong Barangay kaya sinabi niya na kapag nanalo ang kapatid na si Idoy, magiging maganda ang sistema ng pulitika sa Virac.
Tatlo ang maglalaban na Mayor sa Mayo 10, ang kanyang kapatid na si Idoy, ang dating Mayor na si Cito Alberto at ang kasalukuyang nakaupo na si Santos Zafe.

4. Partido Nacionalista, Humingi ng Dispensa sa Hindi Pagdalo sa Candidates Forum Provincial Level

Ang hindi pagpunta ng magkakaalyado sa partido na sina Wong, Cua at Villaluna noong Abril 20 sa ginawang Provincial Level Candidates Forum ay nagbigay ng mga pinaghalo-halong reaksyon, mga hakahaka, spekulasyon at kung anu-ano pang kuwento galling sa publiko. Makalipas ng sumunod na linggo ay humingi ng dispensa ang partido nacionalista sa pamamagitan ni Boboy Cua at Vincent Villaluna. Ipinaliwanag ng galawa kung ano ang dahilan ng kanilang non-attendance. Ang sabi ni Cua, bago pa man gawin ang forum, naramdaman na nilang biased ang nasabing pagtitipon. Isang mapagkakatiwalaang tao umano ang nagsabi sa kanya na ang kalabang si JAS ay pinagsolicitan ng mga media personalities na nag-organisa nito. Ibig sabihin, sabi ni Villaluna, “it’s like putting nacionalista party on trap” pabor ki JAS. May nakapagsabi din pagkatapos ng forum na hindi daw binasa ang karamihan sa mga tanong kay JAS na siyang naroroon noon. Dapat daw, alinsunod sa patakaran, plataporma ang sinasabi sa forum hindi paninira o pag-atake sa kalaban lalo na dahil wala sila ng mga panahong iyon. Ang sabi naman ng iba, ito ay isang stratehiya ng partido nacionalista para makakuha ng simpatya sa publiko.

5. Madam Nimfa, Ipinagtanggol si JAS

Sa speech ni Madam Nimfa, ang nanay ni Joseph Santiago, sa ginawang pagtitipon noong huwebes sa lugar ni Conching Co para sa mga Visaya o Cabireza, sinabi niya na tinbinigyan niya ng magandang ugali ang kanyang anaki. Na gusto niya lang proteksyonan ang probinsiya laban sa imperyo ng kabilang partido. Hindi daw matalikuran ni JAS ang Catanduanes kahit pa kinukuha na siya ng kanyang mga kapatid sa Amerika. Sinabi ni Madam Nimfa na kahit magkano, walang ginastos si JAS sa konstruksyon ng kanilang bahay sa Gogon sa dahilang ito ay galling sa kanyang mga anak sa ibang bansa. Kaya hindi raw totoo na ang anak niya ay nag-abuso sa posisyon pagka-congressmnan. Na walang kahit sinuman ang lalaban sa pag-abusong ito kundi si JAS lamang.
Ang sabi naman ni Santiago, kung siya man ay lagging nasa Manila, ito’y natural lamang dahil nasa Manila ang opisina ng Congressman pero sinabi niyang sinisigurado niyang makadalo kung posible sa bawat imbitasyong nakakarating sa kanya. Sinabi niya sa harap ng daan-daang tao na dapat ang oras ng gobernador hindi nahahati sa trabaho at negosyo. Na pag-umaga ang kausap kapitan ng barangay, pag-hapon kapitan nin barko.
Malayo na ang napuntahan ng patutsadahan ng magkabilanga kampo. Pero ang totoo, anuman ang gawin ng dalawa, tao pa rin ang madedesisyon kung sino sa kanila ang tama sa pwesto.

6. Salvador Gianan, Padagos an Kandidatura

Padagos an pangampanya ni Salvador Gianan pagka-Gobernador. Sa saiyang harong padagos an pagtuwang kan saiyang mga kapamilya, panao nin badong gianan cap, paggibo nin campaign materials buda pag-entertain kan mga nag-aabot na bisita. Naglilibot naman an saiyang jingle na madadangog sa poblasyon. An sabi ni Salvador siya pobre pero daeng personal na interes kaya malaog sa pulitika.

7. Partido Nacionalista, Nag Proclamation Rally sa Bato Kasu Udma

Pinun’an sa may parteng Ficelco an motorcade alas 2 nin hapon kasu udma. Naglibot ini paikot nin poblasyon nin Bato hanggang makaabot sa plaza alas 4 na nin hapon. Nahiling ta an mga kandidato nin Bato sa Partido Nacionalista. Opisyal na naiproklamar sina Juan Rodulfo para Mayor, Arturo Tarnate para Bise Mayor, buda sa Sangguniang Bayan sina Jaime Besa, Armaggedon Buebos, Roberto Tasarra, Romeo Terobias, Antonio Tribiana, Evan Vargas. Nahiling ta man na presente an tolong magkaalyado na si Wong, Cua buda Villaluna kaibahan an mga bokal sa East District na sina Wilfredo Santelices, Edwin Tanael, buda Rene Vega.
Samantala, sa mga oras man na ito sa Batalay Bato, nasa saiyang harong si Mayor Leo Rodriguez nagpapameeting kan saiyang mga lideres kaibahan an saiyang agom. Kampante si Rodriguez sa saiyang kandidatura, kan hapoton manongod sa kalaban na si Jhonny, saiyang sinabi na an mga akusasyon na pigbabato saiya puro panguyag man sana.

Kriszle Teope, nagbabareta.