Need help po

Please, i need help po. Nasa taiwan po ako ngayon at ako poy may lahing bugao. Need ko po sana malaman ung mga streets na meron ang bugao, bagamanoc, catanduanes. Galing po dito ang nanay ko at matagal ko na po syng di nakikita, may nabanggit po mga kamag anak ko tungkol sa street ng tamang address pero diko na matandaan msyado baka sakaling pag narining ko ulit maalala ko. Ang tagal po ng di pagkikita namin ng nanay ko ay simula ng akong pinaampon nya sa isang mabuting pamilya. Nais ko po syang hanapin, sana po matulungan nyo ko. Salamat po!

I can help you

(mssge from jerry deleon through taypongard, edited by dave)
I can help you. Maliit lang ang Barrio Bugao at lima lang ang street nito. Yung isang street ay kinain na ng tubig dagat. At ito na ang baybayin at malaking sea wall. Yung main street ay pangalan ng isang presidente kung minsan naman pangalan ng isang santa. Yung isa Kimoy st. May bagong st maliit (unknown st) at malapit sa school na dati puro pandan ang tanim ngayon ay hilera na ng kabahayan. Yung isa na dati ay popular name ay Higadan (dahil nasa tabi ng malaking bundok) ngayon na ipinangalan sa presidente Magsaysay at humiwalay sa Bugao which is isang maliit na Baryo na ngayon at me kapitan. Pag magpapadala ka ng sulat no need to mention the street just put. Bugao Bagamanoc Catanduanes and put the name of the person. Maliit lang ang baryo na ito at halos magkakakilala mula ilaya at ilawod. Pwede mong sabihin sa kin pangalan at maaaring kilala ko pa ito. O kung medyo nahihiya ka i-pm (private msg) mo na lang sa akin.