Noong Kapaskuhan ng taong 1879, isang walang sinasampalatayanang reporter sa Boston (US) ang naka-obserba ng tatlong batang babae na nasa harapan ng isang iskaparate ng tindahan na puno ng laruan, Isa sa kanila ay bulag. Narinig niyang inilalarawan ng dalawang kasama sa bulag na kaibigan ang hitsura ng mga laruan, Hindi kailanman niya maisip na mahirap magpaliwanag sa isang hindi nakakakita ng bagay na nakikita. At iyon ang naging diwa ng isinulat ng reporter sa diaryo. Makalipas ang dalawang linggo dumalo siya sa isang pulong na pinangungunahan ni Dwight L. Moody, ang kilalang ebanghelista. Ang pakay ng reporter ay makakita ng pagkakasalungatan ng itinuturo ng ebanghelista. Nagtaka siya ng gamitin ni Moody ang kwento niya tungkol sa batang bulag at dalawang kasama bilang halimbawa sa paglalarawan ng isang katotohanan. Sabi ni Moody;" Tulad ng batang bulag na di makita ang hitsura ng mga laruan, ang hindi Ligtas na Tao ay hindi rin makita si Cristo sa buo Niyang kaluwalhatian". Noong unang Pasko, iilan lang ang nakauunawa kung sino talaga si Jesus. Maraming nakaririg ng balita ng mga pastol tungkol sa Sanggol at namangha, ngunit di nila mismo nakita ang Sanggol sa sabsaban bilang anak ng Diyos. Ngayon, marami ang di nakakakilala kung sino talaga si Jesus dahil sila'y espiritwal na bulag. Kung isa ka rito, hingin sa Diyos na buksan ang iyong mata. Manalig na si Jesus ay namatay para sa iyong kasalanan. At magtiwala sa Kanya. Mabubuksan ang iyong mga mata, at makikilala kung sino Siya talaga -- Herb Van Lugt. Ang Diyos ang nagsabi "Magniningning ang ilaw sa Kadiliman"-(2 Cor. 4:6.). Anong klaseng Bata itong natutulog, Sa kay Mariang kanlungan? Pinupuri ng mga anghel sa tamis ng awit May mga pastol na nagbabantay--Dix. Marurunong na Tao ay Naghahanap pa rin ngayon kay Jesus. (OUR DAILY BREAD). God Bless
Recent comments
13 hours 39 min ago
3 days 11 hours ago
6 days 19 hours ago
1 week 1 day ago
2 weeks 2 days ago
2 weeks 5 days ago
3 weeks 6 days ago
5 weeks 4 days ago
5 weeks 5 days ago
8 weeks 1 day ago