MINA SA BAYAN NG CATANDUANES@ SINO ANG MAKINABANG SA MINA??

Lovely_Sophie's picture

SINO BA TALAGA ANG NAKIKINABANG SA MGA NAG MIMINA?

Bakit kailangan sirain ang ating mga kalikasan para lang sa ikakabuti ng iilang tao, mga naka upo sa posisyon at mga negosyante mapag samantala. Hindi na mabilang ang mga lugar sa ating bansa na nasisira ang mga kalikasan dahil sa mga mining companies.

Kung sasabihin ng mga iba dyan na nakakatulong nga ito sa mga tao para magka trabaho, oo nga nagkaktrabaho yung mga ibang tao pero magkano lang ang ipinapasahod nila sige nga 200 - 400 pesos per day? Kapalit ng PAWIS, DUGO, at BUHAY NG MGA TAO.

Kapag wala nang mamina ang mga mining company anong ginagawa nila? Umaalis nalang sila bigla at iniiwan ang lupang kanilang pinaminahan na nakatiwang wang at ang mga taong sabi nilang makikinabang ay basta nalang din sila iiwan wala na rin silang pag kukunan ng pangkabuhayan dahil sinira na ng mga mining companies ang mga lupang dapat sana pag kunan na ikabubuhay ng mga tao.

Yung sinasabi nilang kabutihan ay pansamantala lang paano yung pang matagalang epekto nito.
Hindi naiisip ng mga nasa Gobyerno specially ang mga nasa Department of Environment and Natural Resources and Department of Energy. Kasi hindi naman sila ang maapektuhan dito.. OK, lang sa kanila kasi nakinabang na sila.. Anong pakialam nila kung masira ang kalikasan, kung masira man ang kalikasan wala na sila paki alam pati na rin sa mga tao.

MINA

Lovely_Sophie's picture

Isang malaking katanungan nga yan sa ating mga kababayan...Sino ba ang nakikinabang sa pagmimina na iyan...at bakit sinasabi ng mga nasa posisyon na alagaan ang kalikasan para sa kinabukasan eh kung sila mismo ang nagbibigay ng pahintulot para makapag operate ang isang mining company ,huwag nila sabihin na para sa tao ang ginagawa nila... oo nga pansamantala makakatulong ang kumpanyang iyan pero pagkatapos nyan puro problema na ang maiiwan dahil sa pagkasira ng kalikasan... Mag-isip isip naman huwag ka masyado masilaw sa pansamantalang ginhawa.

Sana magising din ang gobyerno para hindi masira ang kalikasan. Hindi makaka pag operate ang mga mining company na yan kung walang pahintulot.

MINAHAN ISSUE - DOE & DENR

amore's picture

GISING NA GISING ANG GOBYERNO, KASO AYAW IDILAT ANG MGA MATA SA MGA OBLIGASYON NILA. KUNDI ANG BINIBIGYANG PANSIN LNG KUNG SAAN SILA MAY MAPAPAKINABANGAN. (pls. take note hindi ito haka-haka or kuro kuro kundi ito’y isang REALITY SHOW, as in transparent na talaga!) How we can support the government if the government not helping us to protect our environment, instead of that sila pa ang magiging tulay para masira ang ating ISLA?

There is hope if people in government will begin to awaken to protect & avoid giving permit to the miners company. Understanding the laws of nature does not mean that we are immune to their operations.

Obviously, so many catanduanganon’s are fighting there own rights to save the environment!

Calling your attention: concern staff from DOE & DENR
So, think twice bago kayo magprotest sa inyong ahensya. Ano ba ang pangunahing layunin nyo? Kayo ba ay concern sa mga taong naninirahan d2 or concern kayo sa kikitain sa coal mining? Aber, ipaliwanag nyo ang purpose nyo kung saan na hindi maapektuhan ang mga kalikasan at hindi makakaperwisyo sa mga tao.

Oppss..REMINDER! With regards to my message, Please take it in the right perspective ok? Don’t get me wrong. I am just a concerned who is seeking a right answer for this unclear matter.

"DETERMINATION CAN OVERCOME ALL OBSTICALS."

benjamin abalos

eman's picture

madami tayong umaastang benjamin abalos sa ating gobyerno paboritong linya "may 200 ka dito". sa pinaplanong mina sa catanduanes sino kaya ang abalos???? sino kaya ang walang hiyang personalidad ang naglalaway sa pera???? sino kaya ang isusuko ang integridad at prinsipyo???? sino kaya ang nagbuno ng mahabang panahon sa pag-aaral ngunit hindi man lang maintindihan ang simpling katagang " breathable air, potable water and liveable communities "?????

kung gusto nyong maging pasig river ang pajo and bato river pumunta kayo ng manila di namin kayo kailangan mga eng eng!!!!!