Mga Pagbabago sa Aming Baryo

Taon 1984 pagkatapos kung grumadweyt sa high school ay lumayas ako sa aming baryo para hanapin ang kapalaran sa ibang lugar. Di na kasi ako kayang papag-aralin ng nanay dahil nilayasan kami ng aming tatay at sumama sa ibang babae. Grabeng hirap at sakit din ang dinanas ko para makapagtapos ng pag-aaral ng colleges. Ang limang taong kurso ay kinuha ko ng pito dahil sa akoy nag working student lamang di ko kinahihiya dahil yun ang totoo. Nakakuha naman ako ng magandang trabaho at nakarating na rin ng ibat-ibang bansa sa pamamagitan din ng trabaho. After 20 years ay umuwi ako sa baryo namin di lang para magbakasyon kundi para kunin na rin ang aking ina at kasama niyang bunso kong kapatid para dalhin sa bagong tinitirhan ko. Pagdaong ng bangkang de motor na sinasakyan ko sa baybayin ay laking gulat ko dahil ang baybayin ay maliit na at ang batosantik na dati ay natatawid ko lang pag namimingwit ako ay napakalayo na sa pampang. Linga ako sa paligid maraming bata ang sumalubong sa akin wala akong kilala isa man. Linga ulit ako sa paligid pilit hinahanap ng mata ko ang bahay namin. Diko makita parang naligaw yata ako wala na yong isang kalye. Tinanong ko yung isang bata kung asan na yung kalye ang sabi yun o tinuturo yung dalampasigan na doon na mismo humahalik yung alon. Namutla ako ibig sabihin ang kalye nilamon na ng dagat di yung bahay namin ganon na rin. Parang gusto ko ng sumigaw tawagin ang nanay. Buti may nakita akong matanda na namukhaan ko tinanong ko kung saan na nakatira at binanggit ko ang pangalan ng nanay. Itinuro naman kaya lang di niya maiwanan yung ginagawa kaya pinasamahan ako sa dalawang bata. Bitbit ng isang bata ang bagahe ko at sinunong naman ng isa pang bata yung bag na dala ko. Tingin ako sa paligid habang naglalakad papunta sa bahay na tinuro. Sementado na ang kalye at nadaanan ko ang mga tao tinginan sa akin. Estranghero na ko sa baryong sinilangan ko walang tumawag ni isa man sa pangalan ko. Tumigil kami sa isang maliit na bahay. Ito na siguro ang bago naming bahay dahil nakilala ko ko pa yung mga tabla at mga haligi ng dati naming bahay. Dala ng pananabik halos pasuntok ko ng kinakatok yung pinto kaya lang walang nagbukas. Me nakarinig sa malakas na pagkatok ko at sinabihan ako na walang tao nasa bukid daw at nangangahoy. Gusto ko sanang puntahan ang kaso di ko alam kung saang bukid pupuntahan. Nagkasya na lang akong umupo sa hagdan at binigyan ko ng tig-bente pesos yung batang may dala sa bagahe ko na tuwang-tuwa naman na nagtakbuhan. Iginala ko ang aking paninigin sa paligid parang pamilyar na sa akin ang lugar na kinatitirikan ng bahay namin. Ito yung lugar dating bahay ng lolo at lola ko pero bakit ang liit na at ang mga bahay ay halos dikit-dikit na at wala na ang dati malawak na garden na dati napapalibutan ng bakod na kawayan. Wala na rin ang malaking bahay ng lolo at lola. May lumapit na tao tinanong ang pangalan ko at bakit hinahanap ang nakatira sa bahay na yun. Nong sabihin ko pangalan ko biglang umalis at kumaripas pa ng takbo. Sa isip ko bat biglang kumaripas ng takbo may nasabi ba ko na nakakatakot. Yun pala kaya pala nagtatakbo para ipamalita na dumating ako. Nagulat ako biglang dumami ang tao para na kong artista pinagkakalumponan. Marami na rin akong namumukhaan at nakikilalasa mga dumating. Gulat pa nga yung mga bata dahil nasasabi ko ang pangalan ng kanikanilang mga magulang. Kaya yung ibang nakakarinig na kumbinsido na ako na talaga yun. Ayon ang simula tanungan na at kumustahan may nagdala na ng inumin. May nagdala na rin ng pulutan. Kaya lang dahil sa sarado pa sa bahay na pupuntahan ko. May nagsabi na don daw kami sa videokehan. Pinakiiwan ko ang aking bagahe sa kapitbahay na kakilala ko na. Binagtas namin ang kalsada sementado na rin. At napansin ko sa gilid ay may mga poste na ng koryente at me ilaw na rin. Dati gasera lang ang gamit noon ngayon pala may koryente na sa lugar namin. Pumasok kami sa isang pinto na katabi ay tindahan. Nakita ko sa loob me mga mesa rin katulad ng mga videokehan din sa Maynila. Tinanong ako ng mga nakasama ko kung ano orderin ko ang sabi ko beer dahil akala ko wala abay meron pala di dati noon ang iniinom ay gin, shoctong, anisado , paog at tuba. Iba ang ang inorder ng kasama ko tuba dahil sabi nila matagal na kong di nakakainom nito tama sila. Ipinasauli ko yung beer at tuba na lang ang ininom namin. Marami din pala maoorder na pulutan. Sabi nila kung gusto ko raw magtable sabi ko meron ba dito nyan. Sabi oo raw marami daw bagong dating mga taga-ibong daw. Di ko akalain ganito na pala sa amin. Maya-maya may tumawag sa kin dumating na raw yung nanay ko. Nagpaalam ako sandali at sinabi ko na babalik ako. Binagtas ko ang sementadong kalye pabalik sa bahay parang tinatambol ang dibdib ko ano na kaya ang itsura ng nanay pagkatapos ng dalawampung taon? Nakita ko ang dalawang babae pilit na binubuksan ang nakatrangkang pinto ng bahay lumapit ako at nagmano sa nanay. Lumingon siya sa akin at matagal akong tinitigan parang hindi na niya ako makilala. Sabi nong katabi nyang babae si manoy yata yan? Ikaw ba yan nono? Sabi ng nanay ko, tumango lang ako at kinabig ko na siya ng yakap sumabay na rin ng yakap yung dalaginding na yung bunso ko pa lang kapatid. Mga ilang minuto pa kumalas na rin ang nanay at tinanong ako kung keylan dumating? Sabi ko kanina lang. Di malaman ng nanay kung ano ang dadamputin. Pinapasok na ko ng nanay sa bahay at pinakuha ko naman sa kapatid ko ang mga bagahe ko sa kapitbahay. Kahit maliit ang bahay maayos naman ang paligid. Kumustahan, balitaan habang naghahanda ng hapunan ang nanay. Me napansin ako sa kusina may gripo na kami. Dati umiigib kami sa balon at mga jet matic pump na karaniwan ay bigay ng mga kandidato ngayon pala may tubig na pala sa amin at diretso na sa paminggalan at me banyo na kami ha sa loob ng bahay na dati ay hinukay lang na balon na nilagyan ng dram at nilagyan ng butas at doon kami umeetsas kaya lang malayo yun sa kabahayan. Ngayon medyo sosyal na at me shower pa. Ang sabi ng nanay ang pinapadala ko raw pera ang pinagawa niya ng banyo. At yung iba ay ibinibili niya ng mga gamit. Kumpleto na rin ng mga kasangkapan para ring bahay na sa maynila. Karamihan din ay padala ko. Kung dati ay tabla ang dingding namin ngayon ay gawa na sa hollow block. Yung bubong namin na dati gawa sa tikrad ngayon ay yero na.
Naghain na ang nanay ang ulam namin ay inang-ang na agingayon at kanoos na bigay ng kapitbahay na pinag iwanan ko ng bagahe. Masarap ang kain ko kasi ngayon lang ulit ako nakatikim ng ganoong klaseng luto. Di ko na nabalikan ang iniwang inuman kanina. Marami kasi ang nagpuntahan sa bahay para kunyari makita ko pero ang pakay pala inuman din. Nilabas ko yung inumin na dala dala ko ang nanay ang unang tumikim at tuluyan ng tinagay at umiikot sa iisang baso. Tinatagayan din ako kaya lang tumatanggi ako at sawa na ko sa inumin na yan gusto ko yung iba. Kaya nagpabili ang nanay sa kapatid ko. Bumalik ang kapatid ko ang nabili ay tanduay at ursus mamili daw ako di raw siya nakabili ng tuba dahil naubos na kanina siguro yung ininom namin nong dumating ako. Uminom na rin ako kaya lang hinahaluan ko ng sopdrink. Tumagal ang inuman hanggang alas dos ng madaling araw. Pinauwi na ng nanay ko ang mga nagsipag inom. Matulog ka na sabi ng nanay. San ako matutulog? Itinuro niya ang maliit na pinto at sinabing sadya kong ipinagawa ang kuwarto na yan alam kong darating ka isang araw. Pumasok ako sa kwarto. Mangha ako maliit lang pero maayos me kamang de kutson at nakaayos ng mga gamit inayos pala ng kapatid ko habang nagiinuman. Paglatag ng katawan ko sa kama naimadyin ko noong araw ala kaming kwarto tabi-tabi kaming matulog maraming nakalatag na banig na yari sa kargumay at sa sahig lang kami natutulog. Nakabukod lang ng moskitero ang nanay at tatay at kaming magkakapatid ay isang malaking kulambo na natatanglawan lang ng gasera o kung minsan ala pa dahil naubusan ng gaas. Mga dalawang oras lang siguro ako nakatulog. Bumangon ako at hinagilap ang maleta ko na may lamang mga damit. Nagsuot ako ng panjogging balak ko pumunta ng baybayin para mamili ng isda sa mga nanhukot at naglawod kagabi. Gising na rin pala ang nanay ang sabi magkape ka na at bibili lang ako ng pandesal sa panaderya. Nagulat ako may panaderya na sa amin. Nakabalik ang nanay dala ang nakaplastik na pandesal. Mag almusal ka na diyan sabi ulit at hinanap ng mata ko ang kalderong lagayan ng kanin at kawali na lutuan ng isda. Napansin pala ko ng nanay. O anong hinahanap mo? Di ba tayo magluluto ng kanin at ulam? tanong ko? natawa ang nanay. Pandisal lang at kape ang almusal natin anak. Nalungkot ako ang inaasahan ko mag aalmusal ako ng heavy. Yung may kanin na may ulam na pinamarsahan na kataway, sarisaring isda na nahuli sa hukot, pinangambitan, isdang galing sa paglawod, pinangilawan sa hunasan lalo na yung tibogok, pinanarapan, pinag agahidan, binanwitan o kaya galing sa fispond ng mga tiyuhin ko na pasayan, kinis o mga bangus na maliliit. Mabilis na lang na nagtimpla ng kape na hinaluan ko ng malamig na tubig kumain ng dalawang pirasong tinapay at hinigop ang kape at lumabas ng bahay. Tinanong ako ng nanay kung san pupunta ang sabi ko sa baybay mamimili ng isda. Patakbo-takbo na ko sa daan sandali ko lang narating ang baybayin. Tahimik pa ang paligid. Di gaya dati na marami ka ng taong makakasabay papunta ng baybay para mag-abang ng mga nangisda at yung mga pupunta sa bukid. Una kong pinuntahan ang batuhan sa gilid ng bundok. Ala akong makita na batuhan pagtingin ko sa kaliwa ko nakita ko ang mahabang seawall na riprap ng malalaking bato na nilagyan ng semento sa ibabaw. Doon pala napunta ang mga bato. Ang sea wall pala na yun ang pumoprotekta sa aming maliit na plaza ngayon at halos nasa harap ng simbahan. Dati malaki ang aming plaza ngayon kinain na pala ng dagat. Nakita ko naman lumaki ng konti ang aming simbahan at gumanda. Umibabaw ako sa sea wall at doon tinakbo ko ang haba maiksi lang hindi sapat para maprotektahan ang aming baryo. Tinalon ko ang dulo puting buhangin na ang naapakan ko. Nakita ko nagsisidaungan na ang mga bangka na galing pangisda. Tinanong ko yung unang bangka kung marami silang huli ang sabi konti lang nakabili ako ng isang malaking danoy. Pumunta pa ko sa ibang bangka at bumili ng isda mahal ang presyo nila di narin nalalayo sa syudad. Bumaba lang yung presyo ng may makakilala sa akin. Yung iba pa nga nagbigay ng walang bayad yun pala mga dati kong kaklase sa highschool. Punta daw sila sa bahay para inuman. Nagdagdag pa ng pampulutan. Kaya lang di gaya dati kokonti na lang ang huling isda yung iba halos ala pa nga kaya lang marami na ang mga may bangka di tulad dati na iilan lang. Bitbit ko na yung ibang isda at nagpatulong ako para madala yung ibang isda na nabili ko sa bahay. Andami naman niyan aanhin ba natin yan? Lutuin para sa tanghalian at yung iba gawing pulutan at me bisita ko mamya at mag iinuman kami. Nagbihis ulit ako at nag tsinelas palabas ng bahay. O saan ka pupunta? sabi ng nanay. Diyan lang ulit sa baybay babalik lang ako sa tanghalian. Balik ulit ako doon sa may mga pondohan ng mga bangkang de motor. Tinanaw ko ang kalawakan ng dagat at ang isla sa tapat. Gumawi ulit ang tingin ko sa buhanginan maputi pa rin kaya lang napansin ko ala na ko halos makitang gukoy na nagtatakbuhan pag may tao. Masarap ang gukoy hinuhuli namin ito gamit ang liwanag ng buwan. Magsisiga kami sa buhanginan at doon iihawin ang gukoy. Konti na rin lang ang daraynay sa gilid ng dalampasigan ang puno ng pandan na dati halos nakabakod para protektahan ang baryo. Masarap ang bunga ng pandan pag hinog na at yung parang pili nut sa loob nito. Ito ang lagi kong kinakain nong bata pa ko. Iilan na lamang ang puno ng boton. Ang bunga ng boton ang ginagamit naming panlason sa mga isda sa mga tibo (pool) pag hunas (kati) ang dagat. Kinukudkud namin ito bato at presto malalason ang isda at mahuhuli namin. Pumunta ako sa may bandang me tubig at hinubad ko ang aking tsinelas at sinimulang kahigin ang buhanginan. Matagal kong ginawa yun at nakita ko rin ang aking hinahanap ang bogetes kaya lang madalang na. Dati noon pag nanguha ako halos isang timba mga isang oras lang akong kumakahig. ngayon isang dakot lang ang aking nakuha. Hinubad ko ang aking damit at binuhol ko ang dulo na siya kong gagawing lalagyan ng mga makukuha ko. Kati na ang dagat at lumusong ako. Manghuhuli ako ng kasag, karimbobon, komokom, burbungkang at mga seashell na makakain. Mga dalawang oras halos akong naglakad sa me gilid ng pampang. Limang kasag, anim na komokom, dalawang karimbubon. at isang burbunkang lang ang aking nakuha wala rin akong nakuhang seashell. Lahat iyon inilagay ko sa damit nakabuhol. Pumanhik na ko sa pampang at patakbo na halos ako sa buhanginan pabalik sa bahay. Tamang tama ang dating ko palabas na ang nanay para hanapin ako. Nilagay ko sa palanggana ang mga nahuli ko at naligo na ko sa banyo. Paglabas ko nakahain na ang kapatid ko. Nagbihis lang ako at umupo na sa mesa. Ang ulam namin danoy, duwar, bogiw at siliw. Marami akong nakain at inantok agad ako kaya pumasok ako sa kwarto at naidlip. Ilang minuto lang nagising ako dahil mainit. Brownout sabi ng nanay palagi dito sa atin nangyayari yan halos araw-araw kaya yung ibang appliancess natin di magamit. Ala akong magawa kundi lumabas nagpunta ulit ako sa baybayin. Kati na pala ang dagat. Parang sementado na ang malawak na hunasan. Naglakad ako balak ko manguha ng mariwbariw. Bihira na ko makakita ng mga starfish, ng mga sahang, ng mga kutibas at barat, ala na ring makapa yung paa ko ng mga bukapato tilad at marami pa kong di nakikita na dati nakakalat lang sa hunasan. Karamihan na lang halos nakikita ko ay yung itim na tayong (sea urchin). Pumunta ako sa isang maliit na tibo para tingnan kung mga may nakulong na isda. malayo pa ko nakikita ko maraming isda kaya lang paglapit ko ala na ko makita nakatago na lahat. Noong araw pag lumalapit ako sa tibo makikita mo ang ibat-ibang klase ng isda. Maaamo pa sila at lumalangoy na para bang ginaganyak ka pang hulihin sila. Ngayon para na silang nakakita ng multo tuwing lumalapit ang tao. Nakukuha at nahuhuli ko sila gamit lang ang aking kamay ngayon sinubukan ko ala akong nakuha. Nagkasya na lang ako sa pagkain ng napulot kong mariwbariw. Maya-maya nakita kong unti-unti ng tumataas ang tubig kaya nagpasiya na akong pumunta sa baybayin at balak ko mamili na lang ng isda sa mga parabuso. Sa sampu na nakita kong parabuso dalawa lang ang pinalad na makakuha ng kogita. Pinilit ko pa ngang bilhin at minahalan ang presyo makuha ko lang. Bitbit ulit ang nabiling kogita uwi ulit ako ng bahay at ipinalawag ko sa nanay at ipinaluto at gagawin kong pulutan. Maya-maya may nagbebenta sa amin ng mga pinagbalengan mga toros at ibat-ibang klase ng isda. Halos pakyawin ko lahat. Di ko pinaluto sa nanay pina agonan ko na lang at dadalhin ko pa sa maynila. Dumating ang hapunan marami na naman akong nakain dahil sinabawang toros na may kayampi at kugita na tinuktok at tinawyuan ginawang adobo. Maya-maya dumating na rin ang mga mangingisdang kaklase ko noong highschool. Nagsimula ang inuman kantahan kuwentuhan at mga bidahan. Natigil lang ang inuman ng may muntik ng magsuntukan dahil sa kalasingan kaya inutusan ko yung mga kaklase ko na iuwi na muna yung lasing at sa ibang araw na kami ulit mag inuman kaya lang wag na sa bahay kasi nerbyosa ang nanay. Nang mawala na ang mga tao natulog na rin kami. Kinabukasan medyo tinanghali ako ng gising dahil sa puyat at inuman kagabi. Di ko na nadatnan ang nanay at pumunta na raw sa oma para magtinda ng tuba at ipalit ng palay. Matagal ng ginagawa ng nanay yun kahit noong andoon pa ko. Nagkape muna ko at kumain ng pandesal na nakalagay na sa pinggan na nasa mesa. Sabi ko makapasyal nga sa palayan panahon na naman pala ng anihan. Nagbihis ako at nagpaalam sa kapatid ko na susundan ko ang nanay. Binaybay ko ang alam kong dati daanan noon. Ibang-iba na sya kesa noon marami na ring nagagandahang bahay na konkreto ang pagkakayari. Dumaan ako ng batuhan malapit sa suba medyo dumami na ang batong nakatambak at lumapad na ang daanan. Dumaan ako sa may bandang sementeryo. Nakita ko wala na ang mga kahuyan na dati pinamumulutan namin ng ibat-ibang kahoy. Andoon pa rin naman ang mga puno ng niyog kaya lang yung iba ay halos wala ng dahon at matatayog na. Dito kami dati nangunguha at nabubuka ng konggotan. Dito rin kami muntik ng mahuli ng me ari na hinabol kami ng itak. Bihira na rin ang nakita kong butas na tinitirhan ng arikunay. Dati dito ako naglalagay ng atipil at pinapandaw ko pag umaga bago pumasok noon sa eskuwela. Wala na rin ang madawag at madamong lugar kung saan dati kaming nagpapastol at nagbakero ng mga kalabaw. Wala na rin ang mga puno ng lipata, mayapi, adgao at marami pang kahoy na tumutubo malapit sa suba. Dumaan ako ng tinampo malawak na rin at paminsan minsan me mga dumadaan na rin na mga sasakyan di kagaya dati na mga kalabaw na may hila ng kangga o kaya naman nagbotong ng kahoy at mga boronsina na galing sa bukid. Natatanaw ko na ang palayan yung iba nagapas na at ang iba malapit na ring anihin. Binaybay ko na ang pilapil kung saan itinuro ng kapatid ko kung nasaan ang nanay. Nalungkot ako dahil ala na yong mga tubog na dati pamingwitan ko ng mga hito, labnay, puyo, kasili, tibyos at mga harwan. Ginawa na ring palayan at yung sapa doon senemento na na inaagusan ng tubig na galing irigasyon. Ang sapa na yun ang kuhanan ko ng mga hipon na pamain sa bingwit at dito rin ako kumukuha ng suso, tabagwang, karimpi at mga ogama. Ang maraming nakikita ko na lang ay maraming kuhol na dati ala naman dito. Ipinag patuloy ko na ang paglalakad. May nakikita akong maraming taon doon na siguro may anihan. Di na nga ako nagkamali dahil may nasalubong akong tao at napagtanungan na galing doon. Nakalapit na ko don sa gumagapas. Ganuon pa rin pala ang pagagapas gamit pa rin ang asyab. Nakita na ko ng nanay at tinawag niya ipinakilala ako sa mga andoon. Kasalukuyan niya ng tinatagay ang tinda nyang tuba. Napansin ko me tresher na roon. Sa loob loob ko di na pala masyadong mahihirapan ang mga tao sa paggiik dahil makina na pala ang ginagamit kumpara noong araw. na paa ang ginagamit, kamay para ihampas kung me kalabaw ka paiikutan mo at nangangailangan ka pa ng mga banig o trapal na pansapin. Naupo ako at masaya ko na silang pinapanood at nakikitagay din ako kasama na ang mga kumustahan at kuwentuhan. Pero napansin ko karaniwang mga bata ang nakikiani at bihira ang matatanda. Naalala ko tuloy noong bata pa ako tuwing may anihin andon ako hindi para makiani kundi manguha ng mga tira sa pamamagitan ng talim ng lata na tinatawag naming sugot at pag halos tapos na ang giikan ay pagwawagwag ang tirang mga palay sa dayami at sinasahod lang ng dalang sako. Ang nakukuha ko noon ay ibenebenta sa tindahan at ang pera ay binibigay ko sa nanay na siya naming ginagamit na pambaon naming magkakapatid. Natapos ang anihan at ang ibingay sa nanay ay isang sakong palay kapalit ng isang galong tuba. Pinasan ko yung isang sako sinubukan ko kung kaya magaan naman pala. Sabi ng nanay sa tinampo mo ilagay. Nagtaka ako lahat ng mga sakong may laman palay ay nasa gilid na ng daan. Nasagot ang tanong ko ng makita ko ang isang ford fiera na siyang naghahakot. Dati kailangan mong pasanin hanggang bahay ngayon pala me sasakyan ng nagdadala. Sabi ko hay salamat kala ko mahihirapan ako. Binagtas na namin ang kahabaan ng tinampo. Iba na ang dinaanan namin. Dumaan kami sa katabing baryo namin. Malaki na ang inasenso ng lugar marami ng nagagandahang bahay at me sarili na silang plasa na dati wala at halos kasinglaki na rin ng baryo namin at sementado rin ang kalye. Marami na rin ang me tindahan. Marami ang bumati sa nanay ko at tinatanong nila kung sino ako. Sinasagot ko naman sila dahil yung iba ay mga kakilala ko naman. Pag matanda nga nadaanan namin syempre mano ako at bati. Marami ang hindi na nakakikilala sa kin lalo na yun mga bagong tubo at hindi naman taga roon at dayo lamang. Nagpatuloy kami sa paglalakad kaya lang sa mga tao roon ang lagi bukambibig ay di ba tayo iinom o magpainom ka naman bagong dating. Nakarating kami ng bahay at nauna na pala doon yung isang sakong pinasan ko. Pinasok ko sa bahay at naupo ako at binuksan ko ang isang beer na tira kagabi. Sabi ng nanay kumain na muna tayo at nakahanda na ang hapunan. Umupo nako sa mesa at tiningnan ko ang ulam. Manok na tinangladan na may papaya, angor na nilubihan at ilid-ilid na walang sabaw. Tataba ako nito sa loob-loob ko. Napasarap na naman ang kain ko. Para matunawan kinuha ko ulit ang beer na nabuksan ko na kanina at lumabas ng bahay malapit sa may punong talisay na may nakapaikot na upuan. Umupo ako sa upuang kawayan napansin ko nagsisimula ng lumiwanag ang buwan. Siguro maraming maglalarong mga bata sa kalye. Gaya dati na pagkatapos ng hapunan unahan kami sa paghugas ng pinggan para payagan kami ng aming magulang para makapaglaro sa kalye. Paborito naming laro ay ang tumbang preso, taguan pung, mangunguha ng gukoy at ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang paglalaro ng kaliring (laro gamit ang bao ng niyog). kahit higschool na ko noon ay naglalaro kami nito dahil kung sino ang matalo ay magpapakain ng suman o kaya ay gagawa ng tinuktok (ito yung bigas na binayo ng pino at ibabalot sa dahon ng saging pakorteng apa lulutuin gamit ang gata ng niyog at hinaluan ng buko ng niyog na kinayas. Ito rin ang oras na nagliligawan ang mga binata at dalaga lalo na sa parte ng baybayin. Matagal na kong nakaupo inaabangan ang mga batang lalabas ng bahay pero bakit parang tahimik na tahimik. Lumabas pala ang nanay at ang sabi pumasok ka na at darating na yung mga taong labas. Ang nanay naman nagpapatawa pano magkakaroon ng mga taong labas dito isla ito at anong kabuhayan naman ang makukuha nila rito. Ayaw mong maniwala mamya tingnan mo pupunta sila rito para manghingi ng mga kung ano-ano lalo na yung may mga tindahan. Dati nga yung ipinapadala mo nagtayo ako ng maliit na tindahan itinigil ko dahil halos gabi-gabi hinihingan ako ng isang kaha ng sigarilyo e ano pa ang tutubuin ko pati puhunan ubos. Ganon ba sabi ko kaya pala wala ng nagsisilabasang bata kasi takot sa mga taong labas na yan. Dahil masunurin ako kaya pumasok na ko baka mapagkamalan akong dayo o kaya ay militar na nagmamanman. Doon ko na ipinagpatuloy ang pag inom ng beer sa loob delikado na pala dito sa baryo namin. Maya-maya nga biglang nagsitahulan ang aso tanda na may mga dumadaang tao. Sumilip ako ng bahagya sa bintana at nakita ko ang mga dumadaang pangkat naaninag ko sa liwanag ng buwan di ko masyadong maaninag ang mga mukha nila pero yung mga suot nila katulad ng sa fatigue ng sundalo. Saglit silang tumigil sa malapit na tindahan dalawang bahay lang ang pagitan sa amin. Ngayon ako naniniwala sa nanay kaya ginanyak ko na silang doon na tumira sa akin kung ganito na pala sa amin.
Kinabukasan maaga akong nagising tulad ng dati magkakape ako kaya lang ala pang pandesal. Tulog pa ang nanay at ang kapatid ko. Lumabas ako para ako na lang ang bibili para malaman ko kung saan ang panaderya. Nilakad ko ang kalye papunta sa ilawod pero di ko makita ang bakery hanggang marating ko ang dulo ng kalye. Humantong ako sa fishpond ng mga kapatid ng lolo ko. Andoon pa rin naman ang malawak na fishpond kaya lang parang napabayaan na at butas-butas na ang mga dike at wala na ang gate na kawayang inaagusan ng tubig tuwing low tide at high tide. Sagana dati ito sa bangus, pasayan, kinis, maruparo, sikag, mubrad, hibat-hibat, batlongan, hipon agarsik, parto at kung ano-ano pang isda ng suba. Sa labas ng gate doon kami dati kumukuha ng fry na ibenebenta namin sa mga malapit na bayan at baryo gamit ang kaskong walang katig na hila ng bangkang de motor. Kasama lagi ako sa pagbebenta dahil ako ang tagabilang at tagasandok gamit ang butil ng mais. Yung iba ay inilalagay namin sa 1x2x2 metro kwadradong hukay para palakihin at maging fingerlings at inilalagay namin sa styro foam na tubig at benebenta namin. Nakita ko ala na rin ang halos 2 ektaryang sasahan at mga puno ng bakawan na siyang itlugan ng mga nabanggit na mga isda. Kahit ang katabing palaisdaan na pag aari ng isa ko ring kamag anak ay puro tubigan na rin ang aking nakikita. sayang nasira siguro tuwing may dumaraang bagyo. Gumawi pa ko sa parteng papunta ng sabang. Nakita ko wala na rin ang dati bermuda grass tinayuan na ito ng iskuwelahan at me mga bahayan na nalaman ko sa isang bata na baryo noknok daw ang tawag sa lugar na iyon. Dito dati ang palaruan ng mga iskwelahan sa amin lalo na pag may zonal meet kalaban ang mga may eskwelahang baryo rin. Dito rin ang pinakamalaking camping site na pinagtatayuan ng mga tent tuwing panahon ng scouting. Nakain na halos ng dagat at naging tirahan ng mga tao. Kahit ang kahuyang tinatatawag naming gaket ay ala na kong makita puno kundi mga damo na lang. Dito ako laging nagpupunta kumukuha ng tambanogaw na ginagawang holen at ipinapambala sa tirador. Bihira nga tao ang pumupunta dito dahil maraming tinik ng sapinit at me panakot ang matatanda na baka maibhan ng engkanto pero ngayon lantad na siya kahit yung malaking puno ng balite di ko na nakita. Gumawi na ko sa baybayin papuntang sabang gusto kong tingnan ang iba pa. Tanaw ko na ang mahabang baybayin pero bakit ganito halos tanaw ko na ang dulo kung saan ang bukana ng labasan ng tubig ng malaking ilog at tatlong naglalakihang fishpond dito lumalabas papunta ng dagat. Huminto na ako roon kasi malalim kung papunta ako sa kabila. Gumawi ang tingin ko sa tinatawag naming kawaagan dito tanaw ang malawak na tubig. Dito kami nag aambit, nanarap, namintor, namimingwit at sa gilid nito may mga pool na maliit at malaki na kinukuhanan namin ng tuway, bagongon, sakat sakat, ogama at iba pang isda lalo na yung mga hipon, bangus, pasayan at parto na nakakalabas sa mga palaisdaan. Dito rin dumadayo yung mga tagaibang lugar dahil maraming nakukuhang kabuhayan dito. Gumawi ako sa bandang kaliwa dito ang daanan at shortcut pabalik kaya lang me mga dadaanan putik at kaunting tubigan yung iba malalim pala dahil high tide. Mangilan-ngilan na rin lang ang ang nakikita kong puno ng bakawan. Nadaanan ko ulit ang palaisdaan hanggang makabalik na ko sa gitnang kalye kung saan alam kong doon nakatira ang kapatid ng lolo ko na nagmamay-ari ng palaisdaan. gusto kong itanong kung bakit ala ng nagaasikaso ng palaisdaan. Kumatok ako sa isang bahay pero hindi ako sigurado kung iyon na kasi maliit na bahay na lang ang nakatirik kumpara dati noon na malaking bahay. Binuksan ako ng isang lalaki na nakilala ko na tiyuhin dahil hindi naman halos nagbago ang itsura kaya lang ako hindi na niya makilala kaya nagpakilala ko at pinapasok naman. Kumustahan at balitaan at nagpakuha pa ng gin. Habang umiikot ang baso. Naitanong ko kung bakit napabayaan na ang palaisdaan. Ang sabi niya simula ng bagyo ng bagyo at mamatay ang tatay niya ay wala ng magasikaso dahil ang mga kapatid niya nasa maynila na. Siya na rin ang naiwan at naging tagapagmana nito na siyang nagbabantay. Lagi naman daw niyang inaayos kaya lang tuwing me bagyo lagi siyang lugi dahil nasisira ang mga dike at nakalalabas ang laman nito. Hanggan sa maliit na lang ang kaya niyang mantinahin sa gilid dahil kulang na siya sa panggastos at itinuro pa niya kung saan parte at ang pinupulutan namin ay doon pala galing. Dumating doon ang kapatid ko may nakapagturo pala na andoon ako at tinatawag na ng nanay para sa tanghalian. Sinabihan ko yung kapatid ko na mauna na at dito na ko manananghalian kasi nagpaluto ng kinis, parto at mubrad ang tiyo galing doon sa maliit na palaisdaang tinuro niya. Doon na rin kami sa iniinuman namin hinainan ng pagkain ng maybahay ng tiyo. Bagaman masarap ang handa hindi gaanong katabaan ang mga kinis at maliliit ang parto na parang agarsik. Marami pa kaming napagkuwentuhan ng tiyo lalo na kung bakit nawala ang mga bakawan dahil ito raw ang ginagamit na panggatong ng mga may bakery sa amin dahil matagal daw maubos ang baga at nagliliyab kahit bago pa lang kuha. Tungkol naman sa nipa at sasa ito raw ang ginagamit nila para makagawa ulit ng bahay tuwing masisira pag dumadaan ang mga bagyo. At yung palaisdaan lagi raw ninanakaw ng tao yung mga lamang isda sa loob minsan pa raw pati yung gate na kawayan sadyang binubutasan ng mga magnanakaw at yung mga salbaheng ala magawa kundi manira. Hindi rin naman niya mabantayan lahat at wala na rin daw siyang sapat na puhunan para maipagawa ang mga nasirang dike kaya halos napabayaan na. Pati na yung pagkandidato niya para maging kapitan ng barangay ay naikuwento niya kung paano siya namuhunan at nadaya ng mga kalaban. Ganito na pala talaga sa baryo namin kahit kapitan lang me dayaan na rin pala di gaya dati medyo hindi pa lantaran at halos kilala at magkakamaganak din kaya sports pa noon kung sino matatalo. Inabot na ko ng gabi at medyo tinalaban na ko at hindi ko na rin maintindinhan ang ibang kuwento kaya nagpaalam na ko at sa susunod naman. Pasuray-suray ko ng binagtas ang kahabaan ng kalye papunta sa bahay ganun pa man magalang pa rin akong bumabati sa mga nadadaanan ko at nagmamano sa matatanda lalo na yung mga nakakakilala pa rin sa akin. Nakauwi naman ako at diretso kong ibinagsak ang lasing kong katawan sa higaan. Di ko na nakuhang kumain ng hapunan dahil sa dami ng nainom at nakaing pulutan.
Kinabukasan nagising ako na masakit ang ulo. Humingi ako ng kape sa kapatid ko. Sabi sa akin humingi ka ng gamot doon sa clinic at puntahan mo yung asawa ng pinsan natin na siyang midwife at nurse doon at magpakilala ka rin. Pumunta nga ako at nakita ko ang maliit na clinic malapit sa simbahan at na meet ko yung midwife na sinasabi na siyang nagbigay sa akin ng alaxan. Dati pag me sumasakit ang ulo ko bumibili ako sa tindahan ng cortal, biogesic o kaya aspirin. Ngayon me libre na palang gamot sa clinic at me nars pa. Nakita ko marami rin nakadispley na gamot. Napansin ko me nakasukbit na cellphones sa bulsa ang nars. Tinanong ko kung me signal ba rito at pwede tumawag. Ang sagot ay abay oo me cellsite na malapit sa bayan kaya me signal na rito yun nga lang hahanapan mo ng magandang lugar kung saan malakas ang signal. Nagpaalam kaagad ako at umuwi ng bahay hinalungkat ko ang bag ko hinanap ang cellphone ko na ini-off ko ng nagbibyahe sa pagaakalang di ko magagamit sa baryo namin. Nakita ko kaagad binuksan ko at rumehistro ang dalawang bar. Kaagad kong tinawagan ang kapatid ko sa maynila at nakontak ko naman. Masaya kong ibinalita sa kanila ang bakasyon at ang mga pagababago sa baryo at nakausap din nila ang nanay at ang bunso naming kapatid. Di pa ako nakuntento tinawagan ko pa yung dalawa ko pang kapatid na nasa ibang bansa din. Tuwang-tuwa din sila at nakakausap na nila ang nanay. Syempre ibinalita ko ko rin ang bakasyon ko kaya lang naputol ala na ko load. Sabi ng kapatid ko bibili raw siya pati pala load may bilihan na sa amin. Nung tingnan ko wallet para kumuha ng pambili ng load nakita ko konti na lang pera ko. Tinanong ko yung kapatid ko kung baka may atm na rin. Si kuya naman sa city pa lang meron non pero me western union na sa bayan o kaya sa smart padala. E bakit di mo kaagad sinabi sa akin. Nagpapadala ako sainyo ng pera sa money order pa. Keylan lang nagbukas kasi yun. Bukas pupunta ako ng bayan para magpapadala ng pera panggastos natin. Iarkila mo ko ng bangka. Si kuya talaga di mo na kailangan ang bangka me byahe na ng auto dito araw-araw dun ka sumakay. Kung marunong ka mag motor ihihiram kita sa pinsan natin don ka nalang sumakay. Hindi na pala kalabaw ang gamit sa amin kundi motor na ang sinasakyan. Kinagabihan tinawagan ko ang kapatid ko para padalhan ako ng pera. Kinabukasan ng madaling araw ginising ako ng kapatid ko at dadaan na raw ang mga jeep na pupunta ng bayan kaya naghilamos kaagad ako at di na nakapaligo at inihanda ko ang isang bag. Narinig ko yung busina ng sasakyan yun pala ang laging naririnig ko tuwing madaling araw. Tumapat na sa amin ang jeep dahil pinasabi na pala ng nanay sa mga kamaganak din namin na me ari ng jeep na bibiyahe ako at ireserba ako ng upuan sa unahan. Nagpaalam na ko sa nanay at kapatid at nagsimula ng bumiyahe ang jeep. Ang purpose ko talaga kaya sa unahan ako sumakay para makita ko ang dadaanan papunta ng bayan. Nakita ko ang ang dinadadaanan sa pamamagitan ng headlight ng sinasakyan ko dahil medyo madilim pa. Kita ko ang daanan rough road maalikabok at maraming bato-bato. Hindi gaanong mabilis ang takbo kasi minsan me parteng maliit ang daanan an halos kasya lang ang jeep. Inukit lamang ang daanan sa mga gilid ng bundok sa tingin ko binuldozzer lang. Nakarating kami ng bayan halos pumuputok palang ang araw. Kita ko rin ang malaking pagbabago ng bayan. Ang munisipyo, simbahan, plaza, kalye at mga bahayan ibang -iba na rin. Bababa na sana ako habang nagsasakay pa ang jeep sa top load kasi puno na sa loob ngunit naalala ko siguradong di pa nakapagpadala ang kapatid ko tatawagan ko pa. Kaya di na ko nagpababa at magpapadiretso na ko sa ciudad ganoon din kasi kesa maghintay ako sa maghapon sa atm na lang ako at makakapasyal pa ko ng syudad.
Napuno na ang jeep ng pasahero pati top load ay puno ng kargada at tao. Marami na rin namang pagbabago sa mga bayan na nadaanan ko ang iba ay sementado na at ang ibang daan ay kasalukuyang ginagawa pa. Hindi pa rin naalis ang pesteng alikabok kagaya pa rin dati. Ang nakalulungkot parang kumunti ang mga kahoy sa daan. Papasok ng syudad mas malaking pagbabago rin medyo lumapad ng konti ang kalye. Nakarating din ng syudad at bumaba ako sa malaking round about malapit sa pier. Nakita ko me jollibee na roon kumain muna ko. Paglabas ko maraming traysikel ang nakaparada at sumakay ako sa isa at napahatid sa pinakamalapit na atm. Nagsisi pa nga ko dahil napakalapit lang pala dapat nilakad ko na lang pero andon na saka hindi ko naman alam. Withdraw kaagad ako pagkatapos naglakad ako pagawi sa pier at namili sa mga tindahan na malapit don. Paglabas ko halos di ko mabuhat ang napamili ko kaya tumawag ako ng traysikel at nagpatulong sa pagkarga at paghatid kung saan ang sakayan pabalik sa aming baryo. Marami na rin pala ang mga sasakyan papunta sa lugar namin pwede ka na palang mamili. Me tatlo na yata ang talagang himpil ay sa baryo at meron naman na dadaan lang doon. Hinintay lang namin ang pagdating ng Ferry boat at marami na rin pa lang mga bakasyonista ang nagsidatingan tanda na malapit na ang mga piyestahan. Pabalik-balik na rin ako sa syudad na ito dahil sumasama ako dati sa tatay sa pagdeliver ng copra, bandara, banagan, tayong at ibat-ibang klase ng kabuhayan sa baryo na dinadala rito. Halimbawa pagkabenta mo ng copra at bandara ibibili mo ito ng mga paninda sa tindahan sa amin. Yung banagan at tayong naman ibebenta at gagawing pera. Bibili ng mga styrofoam, yelo at plastik na sisidlan. Mahirap nga lang magbuhat ng mga de kusturang sako noon na may lamang yelo na binalutan ng ipa ng palay para di matunaw agad. Napuno na ng mga pasahero at kargada ang mga jeep at isa-isa na silang nagsialisan. Doon ulit ako sa unahan pumuwesto para kita ko ang bawat madaanan. Tantiya ko halos limang oras din ang biyahe namin kasi halos sumakit din ang likod ko at palubog na ang araw bago ako nakarating sa amin at sa mismong tapat namin talaga ako ibinaba. Kaiba noong araw na kailangan dumaan pa kami ng dagat bago makarating ng bayan at saka ka palamang sasakay sa mga sasakyang pupunta ng syudad. Naalala ko pa nga yung bunso kong kapatid na namatay. Siguro kong meron nang daan kagaya nito dati na hindi na tatawid ng dagat sana nadala siya sa ospital at nalapatan ng lunas. Kasalukuyan kasing may bagyo noon kahit me bangkang de motor kami di kayang tumawid ng laot at wala pang clinic tanging mga gamot dahon lang na alam ng aking ina ang ipinanggagamot niya. Madali akong nakatulog dahil sa maaga kong paggising at pagod sa biyahe.
Kinabukasan tulad ng dati kape at pandesal ulit kasalo ko na ang nanay at kapatid ko. Kung sasama daw ako at pupunta sa bukid sa aming lati na di na nag dalawang salita ang nanay sa wakas makikita ko ulit ang lugar kung saan kami dati kumukuha ng mga ikinabubuhay. Dala ko ang bagong itak na binili ko pa sa syudad kahapon. Sinarado lang ng nanay at nagbilin sa kapitbahay at umalis na kami kasama ang kapatid ko. Habang daan malikot ang mga mata ko. Binagtas muna namin ang tinampo halos isang kilometro na ang nalakad namin. Tanaw ko na ang mga bundok pero bakit ganoon nagkulay kape na wala ng mga kahoy at mangilan ngilan na lang ang tumutubong mga damo. Ito dati ang pastulan namin ng kalabaw. Dati maraming cogon dito at sakati at maraming mga kahoy kung saan nangangahoy din kami rito. Wala na ang mga puno ng bigaho na ginagamit naming pambakod at dagwanan minsan pag namimingwit kami sa ilog. Ang puno ng tagbak na tinutuhog namin at ginagawang parang armalite na baril-barilan at pangsahig din namin sa ginagawa naming bahay-bahayan. Wala na rin ang mga puno ng catmon na inaakyat namin tuwing may kalabaw kaming nagsusuwag at tuloy kuha na rin kami ng bunga nito para kainin lalo na kung may dala ka ng asin. Minsan nagdadala pa ako sa school para ipamalit ng papel sa mga kaklase ko. Mangilan-ngilan na rin ang puno ng bayabas masarap ang hinog na bunga at yung manibalang nito. Dito dati ginaganap ang tulian sa mga bata dahil gamit na gamit ang puno at mga dahon nito. Ito rin ang gianagawang trumpo dahil sa kunat at tibay ng kahoy nito. Meron parin naman puno ng tubo-tubo kaya lang madalang na. Dati marami rin mga halaman dito tulad ng korombot at mga butobutones na pinambabala namin sa baril-barialng kawayan at pumuputok ito at pantal ang katawan ng parteng tatamaan. Ang matang uyang na ginagamit na pansumpit wag ka nga lang patatama sa mata at baka mabulag ka. Dito rin kami madalas nagpapaaway ng mga batang nagkapikonan at naghahamunan anupat marami akong karanasan dito sa lugar naiyon.
Bumaba na kami ng bundok at tatawirin namin ang ilog na malaki. Bumaybay kami sa gilid at dumaan sa mga pilapil at palayan. Nadaanan namin ang malaking irigasyon at inalis na ang harang na mga kahoy dahil pinawalan na ang tubig dahil panahon na ng anihan. Natatandaan ko dati dito kami madalas maligo bago pumanhik sa bundok at lati namin lalo na pag nakakulong ang tubig napakallim nito marami isda ang nakukuha pag namimimingwit kami rito. Natawid na namin ang ilog na halos lagpas tuhod ang lalim at nagsimula na kaming umakyat ng bundok. Sa bundok na ito medyo marami nang kahoy kaya lang maliliit na di tulad dati na pwede kang manguha ng panghaligi sa bahay. Sa ilalim nito makakakita ka ng uway, bikar, bamban, nito mga dahon ng mamon at kung ano-ano pa dahil sa salasalabat na mga kahoy na halos hindi mo mapapasok kung hindi ka gagawa ng daan. dinaanan namin ang isang falls kaya lang hindi tanaw at dinig ko lang ang lagaslas ng tubig dahil sa mga nakaharang na mga kahoy. Pagbalik ko na ulit pupuntahan ang falls. Ang dinaanan namin ay makitid na daan na halos dalawang dipa lang ang agwat para kang pumasok ng yungib dahil ang kabilaan nito ay lupa. Binagtas namin ang maliit na sapa pwede kang uminom dahil sa malinaw nitong tubig. Dito sa sapa nakakuha kami ng uragay, malalaking urang, mga palakang nakakain at marami ding isda tulad ng labnay at mga hipon. Natatanaw ko na ang lupa namin. Ang una kong nakita ang mga puno ng niyog. Malapit na ang duyap ng koprahan namin. Andoon pa rin naman ang agonan hinukay sa lupa at sinahigan ng mga kahoy. Maraming nakatambak pa rin na mga bao ng niyog at mga binalatang bunot tanda na ginagamit pa rin ito. Sinubukan kong akyatin yung isang niyog na mababa para kumuha ng buko at tingnan kung may matigas na niyog. Nakita ko yung ibang niyog hindi na kagaya dati na hitik na hitik sa bunga at makikitaan mo nakulay brown na at yung iba ay nalalaglag na at kinukuha na lang sa baba. Kabisado ko parin naman ang pagakyat kaya di katulad ng dati hiningal na ko medyo nagasgas ang parteng dibdib ko. Nakakuha ako ng buko at dalawang pirasong matigas na. Inilaglag ko at bumaba na ko. Biniyak ko ang ang buko at kinain namin at pagkatapos ay binalatan ang dalawang matigas na niyog na dadalhin namin pag uwi para igata sa uulamin namin mamaya. Pagkatapos namin lakad na ulit kami para tingnan ang taniman ng abaka. mga ilang metro rin ang layo bago namin narating. Mangilan ngilan na lang ang nakatanim hindi na kagaya ng dati na halos alang madaanan sa dami. Sabi ng nanay pinatataniman pa rin niya at pinahahagot sa mga pinsan ko. Andoon ang kubo na yari sa nilalang palapa ng niyog at ang sahig nitong kawayan. Nakakita ako ng mga kabute at pinakuha ko sa kapatid ko para isama sa gugulayin mamaya. Natatandaan ko noon pag isinasama ako ng tatay para magpahagot. Kinukuha ko ang mga hinog na bunga ng abaka kong tawagin namin ay moko. At yung iba ay may buto pero masarap kainin at nanghuhuli ako ng mga tiwtiw at dinadakma sa buntot. Pag nahuli ko tinatalian ko ng hibla ng abaka at pinalilipad. Nangunguha ako ng mga uraro lalo na yung may mga sungay at pinapaglaban ko. Pag nagsawa naman ako ang itim na langgam ang hahanapin ko. Pag nakakita ako dalawa ang huhulihin ko at at tatanggalan ng buntot at pagaawayin ko. Siyang siya ako pag nagkakagatan na sila. Minsan nangunguha ako ng kurapding sa mga kahoy na luma. Masarap ang gualy na kurapding lalo na yung gatainga na ng laki at lalagyan mo ng kahit anong isda. Dinaanan lang namin ang abakanhan at talagang punta namin ay ang malawak naming lati. Paglabas namin ng abakanhan ay nakita ko na ang lati medyo nalungkot ako kasi marami ng tumutubong damo at kokonti na ang mga tanim na mabibilang na lang sa palad ko. Dati walang panama ang kantang bahay kubo sa mga nakukuhang pananim sa aming lati na yun. Sabi ng nanay hindi na niya maasikaso saka lagi raw ninanakaw. Sabagay may tanim pa rin naman kamote, bonor, patyuka, mais, ularo at garyang sa bandang sapa sa ibaba. Andun pa rin ang tanim na saging, saba, pinya, payas, dumagta at syempre di nawawala ang siling labuyo. Bitbit ko ang sagad kinuha ko ang tinalimamg kahoy at nagsimula na akong mangamote, madalang na kaya natagalan ako tinulungan na ko ng nanay habang ang kapatid ko nangunguha ng ogbos ng kamote. Ng malagyan na namin ang sako at ang sagad gumayak ng pauwi. Kabiba ko ang sagad at sako naman ang sa nanay at yung kapatid ko bitbit yung dalawang niyog at yung nakuha niyang ogbos ng kamote at kabute nakalagay sa basket na yari sa yantok. Lakad na kami pabalik Natawid at naakyat na namin ang bundok na malapit na sa amin. nagpahinga kami doon tanaw ko ang kabuuan ng dalawang baryo, ang malawak na tubig dagat, ang suba, palayan, sementeryo, paaralan, sabang, hunasan at ang malaking bundok na katabi ng baryo. Sarap ng pakiramdam dahil sa presko nitong hangin na dumadapyo sa katawan ko. Para akong nakasakay sa eroplano. Ng makapagpahinga at medyo nagsawa na bumaba kami ng bundok at dumaan ulit ng tinampo sa gilid ng katabi naming baryo. Marami na ang nakakilala sa akin lalo yung iba naman roon ay mga kaklase ko na di na umalis at doon na rin nagsipagasawa. Di na halos ako nakikipagbatian dahil sa bigat ng dala ko. Pagdating ng bahay ay itinabi ko ang dala-dalahan at ang nanay ay nagluto na at yung kapatid ko naman ay umalis at ang sabi may kukunin lang daw. Sarap ng ulam namin kurapding na nilagyan ng sardinas at ogbos ng kamoteng sinahugan ng dinugang na toros na may gata. Halos di ako makatayo sa kabusugan ng matapos kumain. Labas ulit ako para magpahangin at mag-alis ng kabusugan. Kita ko pa rin ang papalabas na liwanag ng buwan. Pasok ulit ako at tinanong ang nanay kung meron pang nangambit at kung pwede akong sumama. Itinuro niya ko sa kalapit bahay namin na kaagad kong pinuntahan at nagsabi na sasama ko. Di naman ako nagdalawang salita at bandang alas-nuebe daw kami pupunta ng hunasan. Excited akong bumalik ng bahay at nagsuot ng sapatos proteksyon sa tilab, tayong at matatalim na bato. Bumalik ako sa bahay nung may-ari ng ambit at nakipagkuwentuhan habang nag-aantay ng oras. Natanong ko kung marami pang nakukuhang isda sa pangambit. Ang sagot niya meron pa rin naman pero di kagaya ng dati na sagana kahit sa anong klase ng isda ang honasan. Maya-maya umalis na kami at pasan namin ang ambit papaunta na kami ng hunasan kasama namin ang isang anak niya na nagsisilbing tagadala ng sakong lalagyan ng huli. Tinanong ko kung saan kami maguumpisa sa pinakamalapit yung parte na maraming kurapo. Inilatag na namin ang ambit sa tubig at sinimulang hilahin habang nakasunod sa akin ang anak niya at minsan tinutulungan ako sa paghila kasi hindi na ko sanay. Unang huli namin halos tatlong takal ng lata ng sardinas na malaki. Mga uyayhot, sangan, seahorse at ibat-ibang klase ng isda. Sabi nung me-ari maswerte daw ako. Sa loob-loob ko maswerte ba yun e tatatlong lata lang naman yan samantalang noon pag unang huli namin h kalahati agad ang sako lalo na pag panahon ng manamsi. Pangalawang huli namin halos ganoon din kaya lang maraming kasamang kurapo. Sabi ko lipat kami sa bumbon. Malayo rin ang hinilahan namin bago kami nakarating. Kokonti ang nakuha sa haba ng binaybay at hinilahan namin. Mga ilang hilahan pa at naramdaman ko na ang pagtaas ng tubig kaya nag-aya nang umuwi. Last na huli namin ay medyo maraming agingayon kaya tuwang-tuwa ako kahit medyo hilahod ng paa ko sa kahihila. Umuwi na kami at pinapartehan ang nahuli. Halos kalahating timba ang naging parte ko kaya lang parang di pa ko makuntento kaya binili ko na lang pati parte nung me-ari at nagtira lang sila para sa pananghalian bukas. Kinabukasan medyo naiba ang agahan namin kasi nagluto ng kamote ang nanay na may kinudkud na niyog at inang-ang yung maliliit na sangan. Kaya ganado akong kumain nagtanong ako sa nanay kung saan makakahiram ng agahid. Tiananong ako kung bakit kasi susubukan kung mamingwit sa dagat at gagamitin ko yung agahid para makakuha ng pamain na hipon o kaya agarsik. Hiniram ako ng kapatid ko dun sa tiyo kong may fishpond. Nagpahinga lang ako sandali at nagbihis. Dala ang agahid punta ko sa mga palayan na naanihan na at naghanap noong may tubig at maliliit na pool. Kaya lang naunahan na ko ng mga naghahanap ng pain din kaya kokonti lang nakuha ko at di kasya. Di tulad dati pag nagagahid ako ng hipon me kasama na kaagad pang-ulam dahil sa dami. Kaya lipat ako sa suba para agarsik na lang ang kunin. Pigtal ako ng mga sanga yung mga may dahon at inihelera ko sa tubig suba at dinamihan ko lang para madami rin ang huli. Yun ang akala ko dahil ng binalikan ko na halos tig-isa lang ang laman at yung iba wala pa. Buti na lang at napagawi ako sa may palaisdaan ng tiyo at nakita ako at tinawag. Doon niya na ko pinanghuli sa loob mismo ng palaisdaan sa mga gilid kahit paano nakaipon ako ng pamain ang sabi ko tama na to. Isinauli ko na yung agahid sa kanya at lakad takbo na ko papunta sa bahay. Sa wakas makakapamingwit na ko sa dagat. Ito ang paborito kong libangan dati bukod sa may ulam na kami paguwi ko yung sobra ibenebenta at kung minsan ay ipinapalit namin ng bigas. Dala ang makabagong dagwanan na binili ko sa syudad. Isinampay ko sa balikat ko ang lalagyan ng pamain at nagsimula na kong lumusong sa tubig. Nang sa inaakala kong dati puwesto at marami akong nahuhuli doon ako pumunta. Sabi ko sa sarili ko marami akong mahuhuli nito dahil hindi na kawayan ang dagwanan ko at mahaba ang tansi at puwede pang pahabain at marami akong dalang reserba na bingwit. Hagis, bato at hila at nakaisang daan na yata ako isang medyo malaki pa lang na ilid-ilid ang nahuli ko. At parami na pala ng parami ang namimingwit parang piyesta na sa tubigan. Meron din akong nakikita na nakakahuli. Di gaya dati ang nahuhuli ko marami lalo na yung dohor, katambak, tordokan, saragate, bogiw, at sarisaring isda at napupuno ko ang tuhugan ko. Para kong maiiyak sa sama ng loob kasi umuwi ako na tatlong dohor at dalawang maliit na katambak, isang ilidilid at isang paso. Imagine pag nakahuli ako ng paso ibinabalik ko pa yan sa tubig ngayon pinatulan ko ng dalhin dahil kokonti ang nahuli ng expert dati sa pamimingwit. Natawa pa ang nanay ng makita ang dala-dala ko. Ganunpaman siya na ang naglinis nito at lulutuin na raw at yun ang uulamin ko. Nagbanlaw ako at nagpalit ng damit. Kumain na ko ulam ang mga nahuli ko na nilagyan ng suha at sabaw. Masarap na rin kaya lang bitin. Idinagdag ko nalang ang inang-ang na agingayon na nakuha namin kagabi na para sa hapunan sana pero dahil marami pa rin ang natira. Kinahapunan ikot muna ko sa baryo. Marami na ang pumapansin at bumabati sa akin. Kaya lang karaniwan kong naririnig hindi ba tayo iinom? O magpainom ka naman bakasyonista. Tumatanggi ako at sa ibang araw na lang sagot ko. Napansin ko maraming bata ang naglalaro. Naalala ko naman noong kabataan ko. Ang patbon laro sa goma, kara cruz, lise, taksi, jolen, putbol, basketball sa maliit na ring at maliit din na bola, pitikan ng me balang papel, trumpo, brinco, espa-espadahan, autoautohan na yari sa walang lamang pulbos na nilagyan ng gulong na binilog sa lumang tsinelas at kung ano-ano pa. Paggawa at pagpalipad ng saranggola ang paborito ko lalo na pagbakasyon. Kahit pakikipag away sa kapwa bata ko rin. Maganda lang kasi noon talagang suntukan lang pero ngayon wala na yun. Pagpaligo sa dagat, sisiran, habulan, paggawa ng gabayan at pumunta sa laot, magsakaysakay sa sakayan habang nagsasagwan, mag dive sa malalaking alon at magpaguronggudong at magligidligid sa baybay, maggawa ng bolang buhangin at magpuya, gumawa ng buhanging pader sa malapit sa hinahampasan ng alon, magkarera sa paglangoy at sa mga alon napumuputi, luksuhan at dive sa mga nakakadaong na bangkang de motor o lantsa, manguha nin mga shell, starfish, magbatuhan ng kutibas o barat, magpahila sa lubid ng tumatakbong bangkang de motor, mamungkar ng mga batuhan pag lowtide at manguha nin mga mariwbariw. Anupat maraming gagawin at mapaglalaruan. Sa mga bata ang nakita kong pinaglalaruan ay mga tiks na pinipititik pataas kung tihaya taob me nanalo. Kaya lang mas marami akong nakita sa loob ng computer shop at naglalaro ng mga online games. Bihira na rin akong makakita ng binata at dalagang naglalakad. Me nakita akong kumpol ng mga kabataan me mga patalitali pa ng panyo sa ulo at yung iba ay ibang klase ang estilo ng pagkagupit at yung iba kalbo at ang karaniwan nilang kasuotan ay short na hanggang binti ang haba. Me mga dala silang gamit. Naitanong ko nga dun sa nakasunod ko kung bakit armado ang mga bata. Ang sabi mga frat daw ang mga bata inaabangan ang taga kabilang baryo at taga ilawod at nagkakaroon daw minsan ng gulo at habulan. Ang akala ko sa maynila lang meron niyan pati pal dito sa aming baryo meron na rin. Kaya lang ngayon lang sila lumalabas pag gabi hindi na dahil sa takot sa taong labas. Sabi ko wala bang ginagawa ang kapitan ng barangay. Pano sasawatain yan e yung mismong mga anak nila ang pasimuno. Sabi ko grabe na pala dito sa atin. Hindi na masaway ang mga bata ng kanilang mga magulang. Gumawi pa ko sa bandang ilawod at talaga nga may grupo din don ng mga bata na parang me inaabangan din. Pumunta ko sa isang bahay roon na dati maninisid namin ng banagan nagpatao po at nagpakilala ako. Medyo natandaan naman ako nong maninisid na medyo tumanda na ang hitsura. Kinumusta ko ang buhay ang sabi nakakaraos din naman kahit paano meron na rin daw siyang anak na nasa abrod na siyang nagpapadala na siya nilang ikinabubuhay at nagbabanagan pa rin siya. Sabi ko bakit di pa siya naghahanda kasi papalubog na ang araw at ganitong oras kami umaalis noon sakay ng bankang de motor papunta sa mga isla at sisiran ng mga banagan. Umaga kami umaalis. Nagtaka ako sa umaga na ba lumalabas ang banagan? tanong ko. Ang sabi hindi na sinisid ang banagan mas lalo akong nagtaka. Para di na ko magtanong pinaliwanag na niya. Sa umaga kami umaalis para pandawin ang net na parang sa bentor para tanggalin ang banagan na nakapalupot at nahuhuli at lalagyan namin ng pain at ibabalik ulit me mga palutang kami bilang tanda na meron kaming net doon sinisisid na lang namin tuwing me sabit. Ganon pala. Iba na rin pala ang paghuli sa banagan. Hindi kagaya dati na halos magdamag na sisiran gamit ang mga flashlight na de baterya at armado ng pana na de goma. Bago ako umalis pianadalhan pa ko ng mga ulo ng banagan na luto na siya kong inulam sa hapunan. Gabi naman ulit nakita ko yung kapatid ko papalabas ng bahay tinanong ko kung saan pupunta ang sabi manonood daw at may bagong pelikula ngayon. Sabi ko sama ko at gusto ko ring makita ang sinasabi niya. Di ko pala alam me sinehan na rin pala dito sa amin. Na dati bihira lang mapuntahan ng mga dumadayong nagpapasine. Dati sa bayan nung umalis ako me betamax na rin noon at dumadayo pa kami manood dahil don pa lang me koryente. Nagpaalam kami sa nanay at lumakad na kaming magkapatid lakad kami at pasok sa isang silong ng bahay na malaki. Bago kami pumasok nagbayad ang kapatid ko ng limang pisong coin at me sukli pang piso sabi ko mura pala. Hinawi ang tabing at nakita ko maraming upuan na bangko at me mga tao narin na nakaupo. Sa likod ang puwesto ng malalaki at sa bandang harap ang mga bata. Marami pa rin ang nagdatingan at halos puno na sa lapag na ang pwesto ng iba. Nakita ko inilabas ang malaking tv tantiya ko mga 29 inches ang laki ng screen. Isinunod ang player abay cd na ang gamit. Pinatay na ang ilaw at nagsimula na ang palabas isang lumang pelikula ang lumabas na napanood ko na. Kaya nagpaalam ako ng sa kapatid ko na babalik na lang sa bahay. Lumabas na ko ng bahay at nagsimula ng maglakad. Napadaan ako sa may tindahan may mga kabataang lalaki roon at hinihingan ako ng pang-inom. Sabi ko walang problema ilan bang kaya nyo. Para bang nayabangan ang isa lumapit at akmang manununtok. Buti maagap yung nasa tindahan ang sabi oy oy di mo ba kilala yan tiyuhin mo pa yan. Saka lang natigil ang lalaki at tinanong kung sino magulang ko. Sinagot ko naman at humingi ng sori. Pinabigyan ko ng dalawang boteng gin sa me-ari ng tindahan at binayaran ko. Nahihiya pa mandin na inabot at sinabi ko papuntahin yung tatay sa bahay bukas at mag-iinuman kami. Dumiretso na ko ng bahay medyo ilang na ko kasi parang di ko na kabisado ang lugar namin sa loob lang ng ilang taon mga pamangkin ko pala sa pinsan ang mga kumukursunada sa akin ng itanong ko sa nanay at puntahan pa namin. Nanermon pa ang nanay bago kami umalis at yung mga kabataan tuloy sa iniinom na gin. Kinabukasan maaga pa may kumakatok na sa bahay. Lumabas ako at sinino ang kumakatok. Yung binatilyo pala na muntik ng sumuntok sa akin at hila-hila ng tatay sa damit nakilalang pinsan ko. Tinanong ako kung sinaktan ako ang sabi ko muntik na. Tinadyakan at kinutungan ng malutong ang ulo na narinig ko pa ang lagatok. Naawa ako don sa bata. Ganito na pala ang pagkastigo ng mga magulang sa mga bata ngayon. Dati palo lang ang natatanggap ko sa tatay at lolo tuwing nakagagawa ako ng kasalanan. Pinadadapa ako at pinapalo ng uway na laging nakadispley sa ibabaw ng bubong sa itaas ng dapog. Estrikto ang tatay ko at lolo ko noon di ka lang mahuli sa hapag kainan at sa pag aalas sais ay pinapalo kaming magkakapatid sabagay tatlong lumalagapak sa puwitan namin. Pag tinamaan kami sa ibang parte ng katawan at nakita ng nanay sinasangga niya ito at inaaway ang tatay. Naranasan ko nga noon ng minsang hindi ako umuwi at nakitulog sa kalaro ko ng goma. Pinapakuluan sa akin yung goma at akmang ipapahigop sa akin yung sabaw e nakita ng nanay away sila ng tatay at nag alsa balutan pang nanay hila-hila ako at nagpunta kami ng menila. Sinundo rin kami at nangako ang tatay na hindi na niya gagawin yun. Napahinuhod naman ang nanay at umuwi na kami kasi naiwan din yung dalawang kapatid ko sa probinsiya. Inaya ko na lang ang pinsan ko na mag inuman para wag na niyang saktan ang bata. Nagpabili ako ng alak sa tindahan binigyan ko ng sandaang piso dala lang ang isang boteng gin di na nakabalik yung sukli. Nagsimula ang inuman at di pa rin talaga nawawala ang mga tao pag asan ang inuman kahit hindi kakilala makikiinom tatak na ng baryo yon. Sabagay ok lang mas dumadami mas okey mas masaya. Di pa nasiyahan ang pinsan ko nagpakuha pa ng videoke box itinanong ko kung magkano arkila sabi niya 200 pesos isang gabi na raw yun pero pwede raw hindi arkila kaya lang kailangan may 1 peso ka ihuhulog bawat kanta. Ba okey to a me negosyo na rin pa lang ganito sa amin. Inarkila ko na lang kesa mamroblema pa kami sa pesong panghulog. Masaya nang nag-iinuman habang nagakakantahan sumali pa nga yung mga bata at kapatid. Medyo natigil lang ng me dumaan na mga sundalo na nakasakay sa isang trak. Gulat ako akala ko me gyera na kasi talaga namang armado sila. Me nagpapatrulya na rin palang sundalo sa amin. Bumaba ang isang sundalo at nagtanong at kinausap ang pinsan ko ang sabi ng pinsan ko. Konting kasayahan lang sir kasi dumating itong pinsan ko at itinuro ako. Kinamayan lang ako at umalis na sila. Tuloy ang kantahan at inuman kahit yung maybahay ng pinsan ko nasusundo sana sa kanya at nagjoin narin nong malasing nagsasayaw na sa ibabaw nung mesa yung magasawa. Natuwa naman ako inabot na ng madaling araw yung iba di na makagulapay sa kalasingan at yung iba nag- susuka na. Yung mga bata nag uwian na rin. Di ko na rin namalayan kung paano natapos kasi nakatulog na rin ako sa bangko. Umaga ginising ako ng nanay at magkape na raw at lumipat na sa higaan. Kita ko yung mga kalat pa at yung ibang lasing na tulog pa. Salamat naman at walang gulo kahit na makalat. Uminom ako ng isang tasang kape at inilabas ko rin. Inakay na ko ng nanay sa kuwato sa higaan ko at natulog. Tanghali na ng magising ako kasi kumakalam ng sikmura ko. Wala ang nanay at dalawa kong kapatid kaya naligo muna at naghagilap ng makakain sa kusina. May sadyang inihandang pagkain naman akong nakita. Kaya lang halos hindi pa rin ako makakain dahil sa hangover kaya ipinasiya kong bumalik sa higaan at matulog uli. Nagising lang ako ulit ng may marinig akong boses tao ang nanay ko pala at ang kapatid ko. Galing kami sa bayan at bumili ng mga gagamitin natin sa fiesta di na kita ginising at lasing ka pa. Fiesta na pala sa isang linggo. Gusto ko na sanang magpaalam sa nanay kaso nagbago ang isip ko ng marinig yun. Matagal na panahon din naman pala na di ko na ma-experience ang okasyon na yun. Siyempre iba pa rin ang piyesta sa atin kaya kahit saan man kayo pumunta ay marami pa ring bakasyonista ang umuuwi sa atin. Ang pyesta sa atin kahit mahihirap ay naghahanda para mabigyang pagkain ang mga mamimyesta kakilala mo man o hindi. Maghahanda ba tayo sabi ng nanay. Oo naman sagot ko. At pagkatapos kumain ng hapunan saglit na nagpahinga at natulog na.

Hanggang dito na muna at yung tungkol sa pyesta ay matutunghayan ninyo sa mga susunod kong blogs and story.
Salamat sa mga nagbasa at babasa pa.

Nagbabalik na ALAALA.

marioalano's picture

Congrat s Mr JBL. nice story.. naalaala ko rin ang mga panahon ng kabataan ko sa kwento mo,sa tingin ko ito'y tugmang tugma sa mga 50 yrs plus na ngayn..Pero sa kwenta ko ng edad mo ngayon ayon sa kwento mo mga 39yrs old ka lng..Ilang taon ka n b? JBM? Habang binabasa ko nga ang story,aba tumbok mo ang mga dati ko rin ginagawa noon.lalo pag maliwanag ang buwan. naglalaro rin ng kariling at iba pa.Ayos ang mga detalye ng kwento mo,,pwede sa MMK.ipagpatuloy mo pa ang ibang karanasan mo na ma post sa CF. More Power.God bless
Bro. Mario

ur welcome!!

Bd ko sa martes 42 yrs old na ko. Grabe namang pang 50 yrs kita mo ciguro sa pic ko mas bata pa kong tingnan sayo.. Pag pinahuhulaan ko nga yung ages ko sa mga kasamahan ko rito sabi nila 28 ang pinakamababa at ang pinakamataas ay 35 ala pang nakahula ng eksaktong edad ko kung titingnan sa mukha at katawan pwera na lang pag alam mo yung birthdate ko.
Abuso la compianza del matal hombre!

matuod? baad ikaw man sana

Lenydls74's picture

matuod? baad ikaw man sana ang gataram ninyan!

Anong matuod?

Gahinarin ka nangman lenydls74. Pigatuod mo ako ha. Anong pigataram ko? Pigasurat to basaha na sana.

Happy B-day

marioalano's picture

WISH YOU THE BEST OF EVERYTHING ON YOUR B-DAY.MORE SUCCESS,GOOD HEALTH AND PROSPERITY. HAPPY B-DAY JBL

Thanks!!

Salamat sa bati sano ka mabakasyon ta mainom-inom lamang kita. Aagihan ta ka. Nahahawongan na kita, Nag iba na pano yo oro mo medyo makintab na. (jok)
Abuso la compianza del matal hombre!

Happy b-day

marioalano's picture

JBL, Happy b-day uli..plano ko mabaksayon sa nxt year na fiesta.yong baray namo dyan sa Bagamanoc ang sa kanan (too) primerong baray pag loog sa Bagamanoc.ang pamangkin ko na ang naka estar doon.. huray ng panahon na di ako naka paribod sa ato.kaya golpe na ang di ko midbib..asiin ka ninto ga work? ako ona oya sa Iran..magurang na baga ako,,sa sadong taon una senior citizen na ako..o sige tagay sa tuba or paog ..CHEERS.
Mario

saen ang work

Una akong nagwork sa atin 4 yrs for 2 companies, morroco for 6 month, almost 1 year sa Libya, 2 yrs sa Taiwan, 4 years Saudi Arabia, 2yrs in South Korea, 2 years Qatar, at mag 1 year ulit ako d2 ngayong Sept. 2. sa Saudi Arabia. Pag nabakasyon ako maagi ako diyan sa ikan inyo.
Abuso la compianza del matal hombre!

kumustahan

marioalano's picture

Hello? golpe na pa ran na lugar ang napuntahan mo. ona ako nag work sa pinas sa Fortune Tobacco.,nag work din sa china ng 16 yrs, 2 yrs sa Malaysia. tpos d2 mag 4 yrs na sa Iran. kung kwentahin mo talaga mag senior citizen na. hehehe. dahil nag work ka sa Taiwan alam ko meron ka rin alam na Mandarin words..kaya heto write ko sa Chinese. NI HAO MA?
Kang Mario

Wo hen hao!

Wo hen hao! Kang mario kadakor kong midbid na mga alano sa ato. Bihira ka na sigurong magabakasyon.

Abuso la compianza del matal hombre!

ni hao?

marioalano's picture

JBL, basta alano mag popogto yan, o baad mga pamangkin ko ang mga midbid mo. ,pag magurang
na tindog ko na yan ,,ksi magurang na bga ako..hehhe..nag paribod ako last 1984 pa...huray na talaga..baad sa fiesta sa otro Junio maka bakasyon kmi ng familya. Magayonon yang mga post mo,,lagi ko binabasa habang d2 ako sa trabaho.. golpe man yan pinag agihan mo sa buhay.piga isip ko ang mga post mo makakagibo nyan ang madunong man talaga.kaya aram ko madunong ka. Cheers

@Saludo Jerry

ilaya's picture

Saludo ako saiyo Jerry ordinaryo at common tao ka. Pareho ang dinaanan nating buhay. Sipag at tiyaga may lalagain at kaunlaran din. Noong kabataan ko doon ko nalaman ang mga salitang haritihit ibig sabihin kumakalam ang sikmura sa gutom. Minadurit ibig sabihin sobrang poor o kulelat o huli. May pag-asa pa rin dapat lang na magsikap at ang mahalaga ay edukasyon. Ang lugar namin sa Gigmoto halos parehas ng story mo iyong dating lupa ng tatay ko ay dalampasigan at sea wall na ngayon. Dati sa hunasan ang mga starfish at sea cucumber na dati naming pinaglalaruan ay halos wala na. Iyong mga tibo na dati gulpi nin paso at lato ay wala na. Sana mabago na ulit ang takbo sa buhay ng lugar natin sana sa edukasyon ng kabataan matuto na ang mga tao para pangalagaan ang ating kalikasan wala ng lason sa ilog, wala ng dinamita sa dagat. Wala ng logging at bitag at batong sa ating mga bukid. Mabuhay ka Jerry.

@ Jerry

bulod's picture

Ok ung kwento,pwd ntn isa pelikula..cno gusto mng Artista ang gumanap bilang Jerry De leon?

Saludo ako saimo jerry..

" C Bulod pasiring sa ilaya " Bulod

@ bulod

Wag kang mag alala bulod pag me time ako uunti-untiin ko dito lang sa CF. Puro drama lang ang buhay ko. Gagawin ko ang kuwento para maengganyo rin ang mga kabataan natin na kahit mahirap tayo kaya nating umangat basta magsikap ka lang at wag kakalimutan ang laging andyan lang nakaantabay.

Abuso la compianza del matal hombre!

Pansin at Kita ang Pababago ayaw ko

ilaya's picture

Sa ating mga baybayin malaking tipak na ng lupa ang kinain ng dagat. Sa ating dagat kukonti na lang ang mga lamang dagat. Sa ating bukid wala na ang mga hayop at mga ibon at masukal na kahuyan. Ang ating mga sapa at ilog mababaw na at halos wala ng maagahid na hipon, sugpo, palos at maraming iba pa. Sa buhay ng mga tao dati simple lang kamote ngayon pandesal na. Dati walang aksidente sa kalsada mabagal ang lakad ng mga tao palibhasa kariton at kangga na hila lang ng kalabaw ang dapat na iwasan. Ngayon dapat alisto ka baka ma hit and run ka ng awto at motorsiklo. Dati walang mga videokehan at ingay. Sa gabi dati bukas ang bintana at maaring matulog sa pantaw ngayon ibang-iba na. Dati walang high cholesterol at high blood.......dati walang aids.....swine flu... Do you still lav it?

@ilaya

Yellowbell's picture

ang ibig ko sabihin yung story! kaloka ka naman

kriszle_teope@live.com

@Yellowbell

ilaya's picture

Ganon din ibig kung sabihin iyong pansin kung pagbabago sa ato. Ang story ni Jerry story ko man kaya i lav it too.

@ilaya again

Yellowbell's picture

ok, lav u too, hehe! nakakainspire yung mga story nyo eh, kayong two, talagang may mga layas ever pa from the house for greener pasture. hayaan nyo maglalayas din ako.

kriszle_teope@live.com

lav it too

Yellowbell's picture

ganda ng story, kakainis may mga itutuloy pang something, eh gandang ganda na ko sa takbo ng story (not scenes pala) infairview ah, thanks for sharing it. i wanna figure out kung saang baryo yan.

kriszle_teope@live.com

Dont worry @ yellowbell

Wag kang mainis marami pa yan. Ang nakakainis dito yung line ko laging napuputol kasi marami na ko naisulat bigla naman napuputol di ko naman mabalikan. Wag kang magalala malalaman mo rin kung saang baryo yan.
Abuso la compianza del matal hombre!

grabe! @jerry

Yellowbell's picture

telenovela ah?isang libro na to jerry.nakakaiyak ka naman, nasa mariw bariw part palang ako, to be continued mamaya, nananakit ilong ko, parang magnonosebleed. kulang kase tulog ko, mukha akong adik now. i love the story. gusto mo send natin sa Maalaala Mo Kaya o Magpakailanman ng Abscbn?GMA? walking distance lang yun from here sa office.
kriszle_teope@live.com

@ yellowbell

Meron na kong libro na ginagawa about, The life and work of Myself parang sa Idol ko kay Dr. Jose Rizal. At love story ko rin kaya dalawang libro bale. Abangan nyo!!
Abuso la compianza del matal hombre!

bantayog ni jerry

Yellowbell's picture

try mo kaya magpatayo ng bantayog sa luneta, hehe. taz igwa man daa gwardiya na ding hiwas hiwas, frozen! ta aabangan ko an libro mo panaltag ta lamang sa masunod na elekxon! maumayan lamang kalag ng mga botante.

kriszle_teope@live.com