Kuya

Unable to create scaled Thumbnail image.

Minsan ako’y nag-iisa
At walang makasama
May mabigat na problema
Dulot ng mapaglarong tadhana

At ikaw nga’y dumating
Sa oras na ako’y may pasanin
Ikaw ang gumabay
Upang ako’y hindi bumigay

Hindi mo ako pinabayaan
Sa oras ng aking pangangailangan
Nagsilbi kang ikaw
Sa puso kong mapanglaw

Sa maikling panahong pinagsamahan
Itinuring mo akong kaibigan
Sa hirap man at sarap
Naging gabay sa aking pangarap

Isa sa hindi ko malilimutan
Ang ating mga pinagsamahan
Mananatili tayong magkaakbay
Sa ating mahabang paglalakbay

Simpleng tulang isinulat
Tanda ng aking pasasalamat
Mananatili kang kaibigan
Sa puso ko’t isipan…