Koalisyong Makabayan, inilunsad sa Cat’nes

john_torres's picture

REPOST:

Koalisyong Makabayan, inilunsad sa Cat’nes
By: Bicol Peryodiko

Virac, Catanduanes – Inilunsad nina Party-list Representatives Cong. Satur Ocampo ng Bayan Muna at Cong. Liza Maza ng Gabriela ang koalisyong Makabayan sa lalawigan.

Sa isang launching ceremony sa Virac Sports Center noong Pebrero 3 na dinaluhan ng daan-daang taga-suporta ng Makabayan party-lists, binigyang-buhay ng dalawang senatoriable ang koalisyon sa pamamagitan ng pakikipag-tambalan sa mga lokal na kandidato.

Pinili ng dalawang kongresista sina Gov. Joseph Cua, Vice-Governor Alfred Aquino, Virac Mayor Santos Zafe at San Andres Mayoral bet Samonte bilang umano’y kasangga nila sa koalisyon. Sila umano ang tambalang magsusulong ng mga adhikaing makabayan.

Sina Ocampo at Maza ay pawang adopted senatorial candidates ng Nacionalista Party na pinamumunuan ni Manny Villar at Loren Legarda.

Ayon sa kanila, ang track record mayroon ang NP candidates ang muli umanong magluluklok sa kanila sa puwesto.

i have never been in the

i have never been in the island for quite a while....anu-ano ba ang nagawa ni cua? did he do something good during his term? why did cong. ocampo and maza choose them?