“Kabiguan sa EDSA”
Ni: John Torres
Pag-ibig sa bayan ang pagsintang mahalaga,
Ito ay higit pa sa ginto at pagsuyo sa dalaga,
Iaalay ang buhay at kinabukasan ay itataya,
Sa salinlahi ay ihahandog ganap na paglaya!
Sa EDSA’y natamo naka-maskarang Kalayaan,
Hustisya’y naglaho, baya’y sadlak sa karimlan,
EDSA’y daan sa pamamayagpag ng gahaman,
Pagbabagong pangarap na luom sa kabiguan.
EDSA’y sagradong altar ng lahing nagkakaisa,
Baya’y nagbuklod sa pagtaboy sa diktadurya,
Ngunit bakit ating pagsisikhay nauwi sa wala?
Diwa ng EDSA’y sinakmal ng mapagsamantala!
Ang kabulukan ng baya’y sa sistema naka-ugat,
Malalang kanser sa sambayana’y nagpapabigat,
Paano mapipigilan ang mikrobiyong kumakalat?
Kalkalin ang tumor at padaluyin dugo sa sugat!
Nasayang pakikipaglaban ng ating mga bayani,
Hilaw ang pagkilos ng lipunang nagpupunyagi,
Dugo’y nararapat na sangkap upang magwagi,
Sa pagnasang kabulukan sa sistema ay magapi!
Ang Rebolusyon nga ay may-sangkap na dugo,
Sagradong rekisito na katumbas ay panibugho,
Banal na adhikain ay mapalaya Lahing Pilipino,
Tanikala’y kakalagin, buhay man katumbas nito!
Isanlibo mang EDSA ang paulit-ulit na dumating,
Pag-salat sa Rebolusyon paglaya ‘di makakapiling,
Buhay at dugo kung sa lupang tigang ‘di mahain,
Hustisya’t Demokrasya ay hindi maaalay sa piging!
Tagumpay ng EDSA!
Nagkaisa na labanan at patalsikin ang isang diktador na si marcos na walang dumanak na dugo.
Nagkaroon ng bagong Konstitusyon.
Nagkaroon ng Kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, kalayaan sa pagpupulong ng taong bayan para mapakinggan ng pamahalaan na pinakikinabangan hindi lang ng mamamayan kundi ng mga terotista na nagaanyong Komunista.
Naitatag ang Komisyon sa Karapatang Pantao.
Madami pa kayo naman...
Edsa Revolution
Tagumpay ang Edsa naipakita natin sa buong mundo ang pagkakaisa para palayasin ang diktadurya ng walang dumanak na dugo. Ang kabiguan lang natin ay yung mga sumunod na namuno ay di naiahon ang sambayanan sa kahirapan. Dahil ang ginamit na paraan ay ang bulok pa ring sistema.
Abuso la compianza del matal hombre!
Tagumpay sa EDSA
Napalayas ang Diktador, Naipakita ng Mamayang Pilipino ang Katapangan at Kagitingan handang ialay ang dugo at buhay sa adhikang tunay na Kalayaan. Nasayang nga lang ang tagumpay dahilan sa pagsasamantala ulit ng mga hunyagong sumakay at nagtago sa lakas ng nagkakaisang mamayan. Sayang ang Edsa naging maalab ngunit madali ring napawi sa mga maniobra ng mga traidor na elitista at aristokrata. Tagumpay ang Edsa naipakita maaring isilang ang ganap na kalayaan ng walang pagdanak ng dugo!!!! ITULOY ANG LABAN MAKIBAKA!!!!REMEMBER EDSA!!!!!
wow JOhn, another inspiring
wow JOhn, another inspiring poem..
Makabayan ka talaga...biga-paagi mo sa poem ang gusto mong sabihon...
HUSTIYA'T DEMOKRASYA .... kelan kaya natin makakamtan ito?
"Study nature, love nature, stay close to nature. It will never fail you if you will not destroy the nature"